Kabanata 3

187 133 9
                                    

"I saw it, and I knew that it's the only thing I remember from witnessing it all."

"I know. I saw it too."

"Then, why are you stopping me from sucking her to death?!"

"Stupi-- she's awake. Bring her foods and call aunt Geoarge."

"Tsk, fine!"

Iyon ang mga ingay na narinig ko noong magising ako. Their voices match those of the vampires I encountered last night. Fresh pa ang lahat ng iyon sa akin. Iyong trauma na ibinigay nila sa akin.

Alam nilang gising na ako pero nanatili akong nakapikit. Vampires have stronger senses than humans, it's one of their abilities. Gusto ko pa sanang makinig sa usapan nila baka sakaling makakuha ako ng ideya kung bakit nila ako kinuha.

Hanggang ngayon ay may parte pa rin sa aking ayaw maniwala sa mga katulad nila. Siguro ay gusto ko pa ring paniwalain ang sariling panaginip lang ang lahat ng ito. Sana nga.

Ngunit sa ngayon ay kailangan kong mag-ingat dahil isang maling galaw ko lang ay magiging isang malamig na akong bangkay. Pinagpapawisan tuloy ako ng malamig dahil sa mga iniisip.

"I know you're awake, honey. Get up and eat your breakfast. It's already ten in the morning."

Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata. Tama nga akong sila ang kumuha sa akin at nasa puder nila ako. Ang babaeng nagligtas sa akin kagabi ang agad na bumungad sa akin.

Marahan akong bumangon at palihim siyang sinamaan ng tingin. Natatakot ako baka kung ano ang gawin nila sa akin. Sa isiping uubusin nila ang dugo ko ay nanginginig na ang buong kalamnan ko. Tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa paligid. Ang mga gamit nila ay pareho lamang sa tao. Ang akala ko ay sa mga abandoned mansion sila nakatira at sa coffin sila natutulog.

Naalala ko ang sinabi niyang breakfast. Ano naman kaya ang ipapakain nya sa akin? Mga laman-loob? Dugo? Sana ay hindi. Nagugutom na rin kasi ako eh. Hindi naman ako katulad nila upang uminom ng dugo. Lalong lalo na kung dugo ng tao at laman-loob ng tao ang ihaharap nila sa akin. Mas gugustuhin ko na lamang na mamatay kaysa kainin ang mga iyon. Hindi ako cannibal.

"Huwag kang mag alala, we eat veggies and fruits. We're not just ordinary vampires like what you're thinking." Aniya na para bang nababasa ang nasa isipan ko. Tumango ako na lamang ako.

Kung mga tao sana sila ay maaari ko pa silang akusahan ng kidnapping at isumbong sa police ngunit hindi ko iyon magagawa lalo na't wala sa akin ang cellphone ko na tanging pag-asa ko sana para makatakas.

Kung ito na ang huli kong araw sa mundo sana ay payagan nila akong makapag-paalam man lang sa pamilya ko. Ngunit napaka imposible.

Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ulit ang paligid.

Hindi ko akalaing mayaman pala ang mga bampira. Para lang akong naka-check in sa isang five star hotel. Kompleto ang mga gamit sa paligid. Walk-in closet, bathroom at itong queen size bed na hinihigaan ko. May itim na lampshade din sa tabi ng kama, nakapatong ito sa maliit na mesa kung saan naroon din ang ilang mga libro. Napaisip tuloy ako kung katulad namin ay nag-aaral din ba kaya sila.

Umiling ako at nagpatuloy sa pangjujudge ng bahay nila. Sa salas naman ay maayos din ngunit walang telebisyon. Malamang ay hindi nila hilig ang manood ng mga pelikula. May crystal chandelier din sa kisame. Akala ko kandila ang kanilang gamit tulad ng mga napapanood ko sa pelikula ngunit mali ako. Hindi iyon nakabukas dahil umaga pa lang. Walang araw ngayon kaya malayang nakabukas ang mga bintana.

Hindi kaya sila masusunog kapag naarawan? Summer pa naman ngayon at nasa Pilipinas kami. Masiyadong mainit.

"Done checking the room?" Napalingon ako sa malamig na baritonong boses ng isang lalaki. Siya iyong humatak sa akin at halos patayin ako.

Yazmin (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ