Suitor

22 2 0
                                    

Una ko siya nakilala noong pumunta kami ng kapatid ko sa birthday ng kaybigan nya. Nag iinom sila noon, tas napapansin ko napapatingin siya sa akin pero wala akong pake kasi kachat ko si crush, akala ko yun yung huli namin pag kikita hindi pala.

Nag fafacebook ako nun, tapos may nag add sakin, "Justine Alvera sent friend request."

Siyempre stalk muna bago accept, nung nakita ko picture nya sabi ko sa isip ko,

'ah ito yung kaybigan ni ate Myles.'

Kaya pinindot ko yung accept button. Pero ang hindi ko alam, dun na ako makakaranas ng iba't ibang emosyon.

Chinat niya ako, siyempre di naman ako snob na tao kaya nag reply ako, nag tuloy tuloy yun hanggang nag tanong sya kung pwede mang ligaw.

Siyempre umayaw ako kasi may iba akong gusto pero onti onti ko siyang nagustuhan, araw araw kaming mag kachat sa facebook tapos lumalabas kami pag sabado or linggo.

Natatandaan ko pa, summer noon. Niyaya niya ako mag swimming pumayag ako pero sabi ko,

"Ipaalam mo ko kay mama, para naman alam nya kung sino kasama ko diba?"

Nag paalam sya kay mama sabi nya overnight swimming yun, pumayag naman mama ko kasi tiwala siya sakin.

Pero hindi naging overnight swimming yun, kaya pag katapos ng swimming namin hinatid nya ako sa bahay namin.

Lumipas ang buwan, natatandaan ko noon naka upo ako habang kachat si Justine...

"Nicole." tawag sakin ng kuya ko.

"Bakit?" sagot ko sakanya.

"Alam mo, bata ka pa kaya wag kang mag seryoso, marami ka pang dadanasin, just enjoy it Nic."

Alam ko naman nag aalala lang siya sakin.

"Kuya, mabait naman si Justine, he won't hurt me." pero hindi ba niya talaga ako sasaktan?

"Sa una lang yan mabait kasi nag papa empress sayo, nangliligaw kaya ganyan. Sige kung seryoso siya sayo bakit hindi nya kami harapin? Dito ka ligawan sa bahay hindi diyan sa kalsada? Babae ka Nic dapat pinupuntahan ka dito hindi yung susunduin ka diyan sa baba tapos hindi man lang kami haharapin, hindi man lang mag papaalam samin kung san kayo pupunta. Idukada ka Nic umayos ka."

Bigla akong natutulala, tama si kuya bakit ako pumapayag ng ganun ganun lang? Shit.

Kinausap ko si Justine na pumunta siya sa bahay namin at mag pakilala sa magulang ko pero parang ayaw niya nagagalit na ako, sabi ko sakanya na tumigil na lang siya sa pang liligaw sakin pero ayaw niya at dahil mahal ko nag pa tanga na naman ako.

Birthday niya pero hindi ako nakapunta kasi may emergency, nasa ospital ang kaybigan ko nang bigla siya mag chat.

"Alam mo Nicole, itigil na natin to! Wala ka naman yatang balak sagutin ako, tatlong buwan na akong nangliligaw sayo pero wala pa din." lasing na siguro siya.

"Ni hindi mo man lang ako mabati ng happy birthday! Kanina pa tayo mag kachat pero ano? Nalimutan mo yata."

"Justine, gusto ko kasi ako amg huling babati sayo, sorry kung di kita binati agad. Happy Birthday baby, i love you." galit na galit siya sakin pero dun pala natulog ex nya sa bahay nila, katabi pa niya, pinalagpas ko yun kasi mahal ko siya eh.

Wala pang tatlo araw nag away uli kami.

"Ayoko na Nic, si Hearth naiintindihan niya ako. Tama siya kung mahal mo ko dapat sinagot mo na ako. Si Hearth? Ang bait bait nya Nic." -Justine

Natawa na lang ako, kaya pala, kaya pala ayaw na nya. Hinanap ko sa facebook si Hearth at di naman ako nabigo.

Pinag titignan ko pictures nya hanggang may naalala ako sa picture niya, nakita ko na to dati..

"Nic, send ka naman ng picture mo."

"Sigeee, waitt."

"You sent a pic."

"Alam mo ba Nic may album ka sa cp ko, puro mukha mo haha, pinag sasave ko."

"Justine sent a pic."

A screenshot of his gallery, my pictures.

Pero may na pansin ako, i never wore a red gown, backless pa.

That time, nag hinala na ako kasi hindi ako yun.

Onti onting tumulo luha ko, siya pala yung nasa gallery ni Jus.

Nag inom ako araw araw, para lang mawala ang galit ko at sakit na nararamdam.

Pero di nag tagal, naging maayos na naman uli kami balik sa dati, masaya, kinikilig.

"Wala lang sakin si Hearth, ikaw lang ang mahal ko Nic wala nang iba..." Justine Alvera




"Niccc! Look!!!" napatingin ako sa kaybigan ko na si Harmony, para siya galit na galit sa nakita niya at gulat na gulat.

"Bakit?" sabi ko sabay tingin sa phone niya at di ko alam irereact ko sa post na nakita nya, naka tag si Jus.

Hearth Gonzalez post:

"I am happy to have you in my life honey! With Justine Alvera."

SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon