"Gusto ko lang pong makahinga ng maayos" I admitted.

Nakaka-suffocate yung problems ko.


"Is this about your scholarship?"


Tumingin na ko sa kanya at di ko napigilang hindi maiyak. "Ma, umamin ka nga po sakin. Talaga bang wala ka pong ginawa para matanggap ako doon?"

"Mikay---"


"Please don't lie to me. I really wanna know. Ma, alam ko matalino po ako. Masipag ako magaral kaya lahat ng grades ko matataas. I grew up to focus on my studies. Pero hindi po ko naniniwala na sobrang talino ako para makapasa sa mga scholarship na yun"


My mom sighed.

Alam kong aamin siya sakin.


"Anak, hindi ko naman inilakad yung application letters mo. It just happened na may utang na loob talaga sila sa papa mo, sa aming dalawa. Gusto nilang maibalik yung magagandang naibigay namin sa kanila by simply accepting you as one of the scholars. Don't take this as if it's a bad idea. This is for your future mikay. Hindi lahat ng mga batang katulad mo nabibigyan ng pagkakataon na makapagaral sa mga kilalang university abroad"


Mas lalo akong naiyak dahil alam kong totoo yung mga sinabi ni Mama.

I can't just turn down this kind of opportunity.


"Pero ma, ayokong iwan yung buhay ko dito"


"Wala ka namang iiwanan. Temporary ka lang mawawala dahil magaaral ka. Kung pagkatapos mo naman gumraduate at nagdecide kang bumalik, di ka naman namin pipigilan"


"Ma, si gino..." I burst out crying. Niyakap niya na ako para patahanin.


"Anak, bata ka pa. Madami ka pang makikilala diyan"

"Iba si gino...."


"Kung talagang mahal niyo ang isa't-isa, gayahin mo si Dindi. Long Distance Relationship. But I reckon, maghihiwalay din kayo dahil magiging busy ka na sa studies mo"


"Yun na nga ma. Ayoko...ayokong maghiwalay kami"


Umiyak na ko ng umiyak at hinayaan na lang ako ni Mama. Hindi na siya nagsalita.

Ano bang gagawin ko?


***


A week had past pero kahit isang salita kung bakit ako umiyak, hindi naitanong ni Gino.

Nakakapagtaka pero hindi siya nangielam.


Para bang ayaw niyang pangunahan ako.

Hinayaan niya lang manahimik ako through out the week.


"Muffin" Bulong ko pagbaba namin ng kotse niya. Kakadating lang namin sa bahay galing sa school.

I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon