"broke"

10 2 0
                                        

BROKE
10 years old

"Hahahaha" tawa sakin ng kakambal kong si Faye, tinulak nya ako kaya natumba ako

"Faye, ano ba, bat ka ba nanunulak"tanong ko sabay tayo

"Nakakatawa ka, hahahahaha!!"tawa nya sakin

Biglang lumabas si Mommy galing sa kusina at nagulat nalang ako ng nagpanggap si Faye na natumba

"Arayyyyy, Faith, ano ba, wala naman akong ginagawa sayo bat kaba nanunulak?!"tanong nya habang nakadapa, umiiyak na rin ito

"Faye!!" Lapit ni Mommy kay Faye, inalalayan nya itong tumayo

"Mommy, hindi ko naman sinasadyang masira yong laruan nyang barbie eh, pero kahit nag sorry na ako, tinulak nya parin ako!!" Humihikbi nyang sabi

Para akong naging statwa sa harap nila at nakatingin lang kay Faye, pano?anong tinulak ko sya? Eh sya nga yung nanulak eh!!

"Faith totoo ba yun ha??"galit na tanong sakin ni Mommy

"Mommy hindi po totoo yun---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol ni Mommy

"Aba nakita ko kung pano mo sya itulak, kailan ka pa naging sinungaling, go to your room, hindi ka lalabas hanggat hindi ko sinasabi" galit na sigaw ni Mommy

Kaya napayuko ako, lihim kong tiningnan si Faye na nakangiti ngayon dahil sa pagsigaw sakin ni Mommy

Pag akyat sa taas ay dumiretso ako sa kwarto ko at lihim na umiyak, pagkatapos ay isusulat ko sa diary ko lahat ng hinanakit ko.

'Bakit parating ako nalang ang may mali, kambal kami, oo, pero si Faye lang ang tinuturing na anak at binibigyan ng atensyon'

12 years old

Nandito kami ngayon sa school dahil graduation namin ni Faye, kasama sina Mom and Dad.

Nang tinawag na ang pangalan ko ay tumayo agad ako at nag punta sa harap, ako ang 1st habang si Faye ay 2nd.

"Mom, Dad look i received a medal" nakangiting pakita nya sa kanyang medal

"Me too, Mom and Dad, two gold medals"nakangiting pakita ko sa medal ko rin

"Good job Faye and Faith, Mom and Dad are so proud of you!!" Si Mommy Sabay yakap at halik kay Faye, samantalang sakin 'Good job' lang ang natanggap.

Pagkauwi sa bahay ay nagpahanda sina Mom and Dad

"I'm so proud of my baby, tali talino talaga ng baby ko!!"si Mommy Sabay halik kay Faye

Lihim akong naiinggit at nasasaktan, oo, first honor ako, pero parang wala silang paki, Faye nalang nang Faye. Masakit sobrang sakit na, pero mahal na mahal ko sila eh

"Sana sa susunod pareho na kayo ng rank ni Faith, first honor!!"nakangiting sabi ni Dad

"Ay nako Dad, alam mo bang kaya first yang si Faith? Eh nag che cheat yan eh!!"pagsisinungaling ni Faye, sa totoo lang baliktad, syang yung nag che cheat at nagagalit sakin pag diko binigyan ng sagot

"Is it true Faith?Tsk tsk, Didn't I told you cheating is bad!!"sabi ni Mommy kaya napayuko ako,habang si Faye ay nakangiti na naman
Kahit sabihin ko ang totoo, hindi sila maniniwala kasi mas pinapakinggan nila si Faye

Pagkatapos kumain ay agad akong umakyat sa kwarto ko at sinulat ko sa diary ko na nagsisinungaling lamang si Faye
'But what's the use, they won't even read this'

Narinig ko ang tawanan nila sa baba, ang saya saya nila samantalng ako unti unting nabibiyak at nadudurog. Sana pala hindi nalang ako nabuhay para hindi ko naramdaman ang sakit, sakit na unti unting lumalamon sa sarili ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

brokeWhere stories live. Discover now