SLNL

60 3 2
                                        

(One Shot)


I have never done this before. Makakaya ko ba?

Ever since I was a child. Mom taught me about honestly, tuwing magsisinungaling ako ay pinapalo niya ako sa pwet o kaya naman kukunin ang mga mahahalagang laruan ko at hindi na ibinabalik.

I want to protest but I know it's not a good thing to do. She's my mom and I respect her.

Alam kong ginagawa niya lamang iyon dahil gusto niya lang akong madisiplina. Kaya hanggang sa magdalaga ako'y dala dala ko parin ang mga pangaral nito.

Doon dumami ang may galit saakin.

Eversince high school ako na ang paboritong estudyante ng mga guro.

My schoomates envy me because of that. Ako ang batuhan ng mga panunukso at galit ng mga estudyante.

Ang rason, masyado daw akong pabida, sipsip at kung ano ano pa.

At wala kahit isa sakanila ang nagtagumpay na paiyakin ako. Why would I? I'm just being honest. Kasalanan ko bang madali lang saaking gawin 'yon?

Kasalanan ko bang ako ang pinapaburan ng mga nakatatanda kaysa sakanila? Hindi naman ah. 

Isang taon ang lumipas, tumigil lang iyon.

Akala ko ayos na. Magiging tahimik na ang buhay ko. Pero mas malala pa ata ang nangyari noong maggrade ten ako.

Kofi Vallegas. Ang pangalan ng lintik na lalaking tinik sa lalamunan ko.

Nakuha niya ang simpatya ng lahat. He became the teacher's pet. He stole my spot, being the top 1 of the class. He became the President.

Hindi tulad nung akin, walang nambully sakaniya. Imbis na panunukso ay puro papuri ang natanggap niya mula sakanila.

Unfair right?

It saddened me. Though, ayos lang naman kay Mama na maging top 2 ako, hindi parin maalis na dissapointed siya sa pagbaba ng ranggo ko.

I am the Vice President that time.

Maingay ang buong klase dahil wala pa kaming guro. May dumating na ibang representative sa ibang section.

Wala si Vallegas kaya ako ang kumausap.

"Nasa'n si Mr. Pres?" bungad saakin ni Petty.

Bahagya namang kumulo ang dugo ko. Palagi nalang.

"Aba'y ewan, hanapan ba ako ng mga nawawalang Kape?" irap ko.

"Ay galet? Alas singko ang meeting, ikaw na ang bahalang mag inform sakanya, ok? Bye, Ms. VP" kumaway siya saakin at nagpaalam.

Halos magbell na nung dumating siya. Nakikipagtawanan sa mga jologs niyang tropa. Isama mo na 'yang si Angel na buntot ng buntot sakanya saan man siya magpunta.

Tumayo ako at lumapit sakanila. I cross my arms over my chess and raised my brow at him.

Natigil sila sa tawanan at inginuso ako ni Gail at ngumiti ng malapad. Kitang kita ko ang brace niyang nabubulok na sa ngipin niya. Nakakadiri.

"Anong kailangan mo?" maangas na tanong niya at pinagtaasan rin ako ng kilay.

Aba, aba.

"May meeting daw mamaya 5pm. Sana hindi ka dumating" mataray na tugon ko.

Mabait ako. Oo, pero hindi sa mga taong tulad niya. He's annoying as hell. Kumalay ang chanel necklace niya ng yumuko siya.

Nakapatong ang magkabilang siko sa hita at tumingala.

Sweet Lips Never Lie (ONE SHOT STORY) Stories to obsess over. Discover now