CHAPTER 1 ~ Coffee ~

Start from the beginning
                                    

pagpasok ko sa villa ni Craige gamit yung susi na binigay sakin ni Tita Sage, napasimangot ako sa dami ng papel na nakakalat. Ang sabi ni Tita Sage..lahat daw ng tuwid na papel wag ko daw gagalawin. Lahat daw ng lukot ilagay ko sa plastic bag at wag ko daw itatapon.

baka daw kailangan pa ni Craige yon.

kung hindi ko lang alam na impossible iisipin ko na taniman ng papel ang bahay na to. O kaya pagawaan ng papel sa dami ng papel sa bahay na to.

weird.

Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay sinumulan ko na ang paglilinis. Pinasok ko lahat ng lukot na papel sa black plastic bag. Hindi ko alam kung ilang minuo ang lumipas dahil hanggang taasng villa at pati na sa kusina meron.

Nang matapos ako itinambak ko na lang yon sa may sofa. Habang dala-dala yung feather duster nag lakad ako papunta sa isang kwarto na hindi ko napasukan kanina.

kumunot yung noo ko ng makapasok ako.

...

...

bakit ang daming vase dito? Pumasok ako at nag tingin-tingin. Merong vase na halos kasing laki ko na. Sa tingin ko kasya na ako don. Kaya bago pa may mangyari sakin at mashoot ako don..lumayo na lang ako.

Tinignan ko pa yung iba...merong parang deformed na yung shape. May iba naman na masyadong makintab. Ibat-ibang size pa. Nacu-curious na nilapitan ko yung isa.

maliit na vase lang siya.

Mahingi nga kay Craige..para may lalagyan ako ng pencil at ball pen. Ang ganda..para siyang diamond na ewan though hindi din ako sigurado. Inangat ko yon.

at kinagat.

"Parang totong diamond ka ah...siguro replica ka no? Mahingi ka nga..hindi naman siguro maggalit yung Boss mong walang pakialam sa mundo-"

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Where stories live. Discover now