"Jacob, I have to take this. I'm sorry." Polite na paalam ko sa ka-date ko.

Tumayo ako para lumabas ng restaurant pero iniwan ko sa loob ang bag ko. Ayoko namang isipin ni Jacob na nag-dadahilan lang ako. Totoong nag-aalala ako kay Maddie.

"Maddie, what's wrong? Are you okay?" Bungad ko kaagad pagkasagot niya ng phone.

Imbis na sumagot ay narinig ko ang pag-singhot niya sa kabilang linya. Is she crying? God, what happened to this bitch now?

"T-tos... W-where are you? I need you. Gosh, I'm so heartbroken." Humihikbing sagot niya.

"Where's Laine? Maddie, I can't. I'm in the middle of a date." Tanggi ko.

I was already anxious while listening to her problems. It was a about a boy that she likes... blah blah blah... Hindi ko namalayang kinakagat ko na ang balat sa gilid ng mga kuko ko.

"Okay... Maddie, I have to go. My date is waiting for me!" Putol ko sa sinasabi niya.

"B-but..."

"I'm sorry, okay? Babawi nalang ako." Bumuntong hininga ako at nilingon si Jacob sa loob ng restaurant.

Naka tanaw siya sa akin at ginapangan naman ako ng hiya dahil baka naiinip na siya sa loob. Sumenyas ako ng 'wait' ta saka kinausap muli si Maddie.

"T-tos... I'm serious. Ngayon lang nangyari sa akin ito. I really need you... Laine is on her way and Trice is also coming."

Ipinadyak ko ang paa ko ng malakas. Gusto kong tumalon sa inis. Nakaka gigil si Maddie! Bakit ngayon pa kung kailan may date ako after so long? Mas nakakainis pa dahil hindi ko siya matiis! She was always there for me before. Hindi ko kayang hindi ibalik sa kanya iyon.

"Fine! Where do you want me to go?" Umirap ako sa kawalan.

"Green Cave." Aniya.

Bumuntong hininga ako ulit tanda ng pag-suko. How am I suppose to tell this to Jacob? We were really having a good time. Malata akong bumalik sa loob ng restaurant pero sinalubong niya naman ako ng malapad na ngiti.

"Everything fine?" He asked. Bahagyang nakataas ang kanyang mga makakapal na kilay.

"Y-yes, of course..." Sagot ko naman.

Sandali kaming nagkatitigan nang may biglang pumasok na ideya sa isip ko. Of course! I don't have to abandon Jacob on our date. Isasama ko nalang siya!

"Hey, do you have anything to do after this?" I asked.

"Huh? Wala naman." Confused na sagot niya.

"My friends and I are going to Green Cave. Diyan lang iyon sa may BGC. Do you wanna join us?"

Natahimik siya sandali. Baka iniisip kung sasama siya o hindi. Pero matapos ang ilang sandali ay sumagot din naman siya.

"S-sure!"

Napa 'yes' ako at kuntentong napa sandal sa upuan ko. Itinuloy ko ang pagkain at pagkatapos ay sabay na kaming nagtungo ni Jacob sa Green Cave. Hindi ko alam kung sanay ba siya sa mga night out na ganito pero kinakausap ko nalang siya palagi para hindi siya ma-bored.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now