RNR 24

185 10 0
                                    

Chapter 24

Halos mawalan ako ng kulay ng makita si Ycel malapit sa pwesto namin. Alam ko base sa itsura niya ay narinig nito kung ano man ang pinag uusapan namin. 

Kaagad kong nabitawan ang hawak ng baso ng makitang matutumba na ito. Wala akong paki alam kung mabasag man ang baso basta masalo ko lamang si Ycel.

"Ycel, Ycel Baby!" mahina ko itong tinatapik sa pisngi ngunit wala akong nakuhang sagot mula dito.

"I will prepare the car, we need to send her in the nearest Hospital" ani Jerome saka sabay sabay silang lumabas, ako naman ay binuhat palabas ng bahay si Ycel saka isinakay sa sasakyan ni Jerome. 

Nanginginig ako dahil sa pinag halo-halong emosyon. Galit at pagkainis sa sarili ang syang nangingibabaw. Kung hindi ko siguro pinairal ang pagkaduwag hindi siguro aabot sa ganito.

"Make it fast please" halos pasigaw kong utos kay Jerome. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kung hindi ko pa nakitang may pumatak na luha sa namumutlang pisngi ni Ycel.

Damn Baby! Please forgive me! 

Mabibilis ang kilos namin nang makarating sa Hospital. Kaagad kong inihiga si Ycel sa strecher nang daluhan kami ng mga Hospital staff.

"What happened Sir?" tanong kaagad sa akin ng isang Doctor.

"She fainted!. Please check her" sagot ko dito. Wala na akong nagawa pa nang ipasok nila sa isang kwarto si Ycel para i check. 

Nahahapo akong napaupo sa isang tabi. Marahas akong napasuklay ng buhok ng maalala ang emosyon sa kanyang mukha bago ito nawalan ng malay.

Lahat kami ay kapwa mga tahimik at naghihintay sa pag labas ng Doctor na tumingin kay Ycel. 

"Bro, I think this is the best time para kausapin mo na si Ycel. Panahon na ang gumagawa ng paraan para malaman nya ang katotohanan." sabi ni Vience. I just nod my head. 

Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Ang araw kung saan malalaman ko kung mananatili pa ba sa tabi ko si Ycel. But f*ck! sa nakita kong sakit sa mukha nya kanina posibleng iwan ako nito at ikababaliw ko kapag nangyari iyon.

But what should I do? I've made this mess. And I think this is my Karma.

"Bro, I need to go Kiera called me" paalam ni Vience.

"Go, the two of you you can go also. Salamat sa pag sama sa akin dito at pasensya na sa abala"

Sabay sabay naman silang tumango at isa isa nila akong tinapik sa balikat na tila sinasabing everything will be alright.

Halos trenta minutos na ang nakakalilipas ng ipasok sa isang kwarto si Ycel ngunit hindi pa din lumalabas ang Doktor nito kaya naman hindi ko maiwasang kabahan. Napatingin naman ako sa hawak ng maliit na pahabang kahon. Kanina nang nasa sasakyan na kami ay napansin kong hawak niya ito. 

"Are you the Husband?" napa angat ako ng ulo ng marinig ko ang tanong sa akin ng Doctor.

"Yes I am, how is she? is she fine?" sagot ko saka mabilis na tumayo.

"No need to worry Mr. she is fine, the both of them are fine. But please don't make her stress otherwise the Baby will suffer. You can visit her after she transfer to the patients room. I will prepare all the vitamins she needs to take. Please excuse me"

B-Baby? tama ba ako ng narinig? Kami ni Ycel may Baby?

Sa sinabing iyon ng Doctor ay agad na bumuhos ang luha ko. Iyong box! kaagad kong binuksan at halos umabot sa tainga ko ang ngiti ng makitang isang PT ang laman nito. I dont care kung pagtinginan man akong mga tao. Mukha kasi akong baliw. Umiiyak habang nakangiti.

Rules and RosesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu