"Hindi ah, Sige na sumali ka na." Pagpupumilit ko naman sakanya

"Hindi na." Nahihiyang sabi pa nito.

"Halika na." Sabi ko pa at hinila na siya papasok sa bahay at Sinara ang pinto.

"Sabing ayaw diba!?" Inis na sabi nito na sinusubukan pang buksan yun pinto ulit pero pinigilan ko.

"Nakapasok ka na, kaya wag na umarte at halika na." Sabi ko pa, at hinila na siya papunta sa Living room Kung na Saan si Axel. Pagpasok naman sa living room ay nakaupo si Axel at nagcecellphone.

"Axel, ok Lang bang sumali satin si Timothy sa pagpapanood ng movie." Sabi ko naman Kay Axel. Tumingin naman to samin ng parang walang gana.

"Yah sure, why not?" Maikling sagot nito at tumingin ulit sa cp.

"Oh Timothy halika na." Umupo na ako sa tabi ni Axel, at sumunod naman si Timothy. So ang posisyon namin ay ako ang nasa gitna nung dalawa. Tinapik ko naman si Axel. Tinignan ako nito at plinay na ang movie. Halos kakaumpisa Lang rin naman nung Biglang nagdoorbell si Timothy so wala siyang gaano namiss. Habang nanonood ay nakita kong nag cecellphone parin si Axel kaya tinapik ko Ito ulit, Inis naman tong tumingin sakin. Tinuro ko yung Cellphone niya. Nagets nito kaagad yung sinasabe ko, at walang gana naman nitong binaba ang cellphone at tumingin na sa tv.

Habang nanonood kami ay kumakain kami ng mga snacks sa bahay. Si Axel gumawa ng popcorn habang si Timothy naman ay May chips. Ako naman ay nanonood Lang kasi medyo busog pa ako. Horror ang pinapanood namin at pagmay nangyayaring nakakatakot ay Parang Wala Lang sakin, pero pansin ko namang napapapikit tong dalawa. Natatawa naman ako sakanila kasi kalalakeng Tao natatakot sa horror. HAHAHAH. Sa May pinaka nakakatakot na part ay pansin kong umiiwas ng tingin ang dalawa sa Tv. Ang intense at nakakatakot dahil dun sa  background sound. May naisip akong Plano. Ngumisi naman ako at Biglang sumigaw ng pagpapagulat. Napasigaw naman yung dalawa at nahulog pa sila sa Couch. Lakas naman nag tawa ko sa nangyare, baka buong street namin Eh narinig tawa ko.

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAH." Malakas na tawa ko Pa.

"Why did you do that!?" Inis na tanong ni Axel.

"Bwisit ka Elaine!" Inis naman na sabi ni Timothy. Hindi parin ako huminto sa kaka tawa. Tumayo naman na tong dalawa at umupo na ulit sa couch.

"Kalalakeng Tao, tapos ang Duduwag niyo hahahahahah." Natatawang sabi ko pa. "Sa Horror movie napapapikitpikit pa kayo at napasigaw pa. Hahahahah," natatawang Dagdag ko pa. Tinignan ko naman yung dalawa na mukhang Inis na Inis ang itsura. Hahhahaha ang Kyut nilang pareho tbh. Parang mga bata lang.

"Nakaka inis ka ah." Sabi ni Timothy.

"That was a such a childish move." Sabi naman si Axel.

"HAHAHAH, Sorry na, tinignan ko Lang naman magiging reaksyon niyo Eh. HAHAHAHAH" Inis naman tong dalawa na binalik sa tv ang tingin. Habang nanonood ay nakaramdam na ako ng konting Gutom. Pero pagtingin ko sa table ay wala ng pagkain dun. Napansin naman to nung dalawa at sabay na inabot sakin ang kinakain nila.

"Popcorn?" Sabi ni Axel

"Chips?" Sabi naman ni Timothy. Nagkatinginan naman tong dalawa, kasi sabay nilang inabot sakin ang pagkain. Hindi ko alam kung kanino ako kukuha, kaya ginamit ko ang left hand ko at kumuha Kay Timothy, at ang right hand ko naman ay ginamit ko at kumuha Kay Axel. Nagtuloy tuloy ang movie hangat natapos na namin. Nang matapos na ay tinignan ko ang orasan at 11:30 am na. Kaya tumayo ako. Gulat naman tong dalawa na tumingin sakin.

"Wait Lang oorder Lang ako ng Lunch natin." Sabi ko naman. Biglang tumayo naman yung dalawa.

"Hindi ako nalang." Sabay nilang sambit. Nagkatitigan pa sila at Medyo natawa ako.

"Maupo na kayo at ako nalang." Sabi ko at pumunta na sa kusina at tumawag sa resto at umorder. Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa sala. Nakita ko naman na Hindi nag uusap si Axel at Timothy at May kanya kanyang ginagawa. Bumalik na ako sa upuan ko sa gitna nila. At pinunta ang tingin Kay Timothy.

"Timothy susunduin mo ba ako bukas sa school?" Tanong ko dito.

"Ay oo pala..l Hindi ko sure Eh, pero trtry ko pero baka malate ako ah. Anong oras ka ba uuwi bukas?"

"Hindi ko sure pero sabi ni Sam mga 5:00pm daw." Sagot ko naman.

"Ay sige tignan ko nalang ah. Tetextan nalang kita."

"Ako na susundo sayo." Biglang singit ni Axel. Napatingin naman kami ni Timothy sakanya.

"Ay Axel wag na, alam ko namang busy ka eh." Sabi ko naman.

"Hindi, ako na. May pupuntahan rin ako bukas, at pag uwi ko ay madadaan ko yung school kaya ako nalang."

"Sure ka ba?"

"Yah, and ano ba kasi gagawin mo sa school bukas Edi ba Linggo bukas?" Takang Tanong nito.

"Ay kwan mag pa paint kasi kami at Sunday Lang pwede, kasi May ginagawa pa sa school ngayon."

"Ah, ok." Maikling sagot nito at binalik ang tingin sa cellphone. Kaya binalik ko narin tingin ko Kay Timothy na Nakasimangot.

"Oh Timothy, si Axel na daw susundo sakin bukas."

"Sige, your choice."

"Ha? Bat parang galit ka."

"Hindi ah." Pagtatangi nito. Nagkwentuhan pa kami ng Biglang May nagdoorbell.

"Ay andiyan na yung food." Tumayo na ako at dumertsyo sa Pintuan. Pag bukas ko ay tama nga ako kinuha ko na yung bit bit ng delivery guy at binayaran na to. Pag Sarado ko ng door Ay May biglang kumuha ng bitbit ko.

"Ako na." Sabi ni Axel. Dumeretsyo na kaming tatlo sa kusina at kumain na. Nagkwentuhan pa kaming tatlo ng konti pero ang seryoso nitong dalawa. Parang kanina Lang rin ang pwesto namin ako sa gitna nila, Wala man lang umupo sa kabilang side. Pagkatapos namin kumain ay nagligpit na kami. Sabi ko ako na ang maghuhugas ng Plato kasi bisita ko sila, pero nagpumilit si Axel at sa huli siya ang nag hugas ng mga ito. Pagkatapos namin magligpit at maglinis sa kusina ay nagpaalam na ang dalawa at umalis na sila.....

TO BE CONTINUED...
(THANK YOU FOR READING MY STORY, I HOPE YOU CONTINUE TO SUPPORT IT.)
VOTE
COMMENT
SHARE

I'm done chasing youOnde histórias criam vida. Descubra agora