“Namumula ka pa, inumin mo pa ‘to!” Hindi na niya ako hinintay na sumagot pa at sa halip ay diretsong pinainom sa akin ang isa na namang baso ng tubig. “Ayan, okay ka na?”

“Nabusog na ako sa tubig.”

Natawa siya at napaupo sa tabi ko. “Phew! Grabe ka! Kinabahan ako sa’yo!”

“Para namang ngayon ka lang nakakita ng taong nabubulunan.”

“Ngayon nga lang!” pag-kumpirma niya.

Napailing na lang ako at saka inilapag ang pinagkainan ko sa gitnang mesa. “Tapusin mo na ‘yang kinakain mo, marami pa tayong dapat gawin, ‘di ba?”

She just nodded and continued with her food. Hindi ko napigilan na pagmasdan siya habang kumakain. Napapangiti ako by just looking at her like this. Ang sarap sa feeling na nagagawa ko ito ngayon, habang katabi ko siya. Fck. this is so gay.

“Alam mo kung ice cream lang ako, mas matindi pang maka-tunaw sa sikat ng araw ‘yang mga tingin mo.”

Mabilis ko namang ibinaling ang tingin ko sa ibang bagay. Matapos iyon ay narinig ko na lang ang pag-bungisngis niya.

Tss. Ilang beses na akong napapahiya sa kanya ngayong araw. Ano ba naman ‘yan, Paul?!

“Lalabas lang ako,” paalam ko at hindi ko na hinintay pang sumagot siya.

Maraming tao sa labas. Maingay. Kung tutuusin, parang halos lahat ng tao rito ay kilala ang isa’t-isa. Lahat ng magka-salubong sa daan ay nagbabatian na para bang long time friends na sila.

Halos sampung minuto na rin akong nakatayo sa gilid ng bakod nila Arvie nang mamkita ko siyang naglalakad palapit sa akin.

“Bakit nandito ka? Tapos ka na bang kumain?” pormal na tanong niya.

Tumango lang ako bilang sagot at muling ibinaling ang paningin ko sa mga tao sa kalsada. Ibinulsa ko pa sa shorts ko ang pareho kong kamay.

“You like her, don’t you?”

Tila nag-stiff naman ang katawan ko ng biglang out of the blue ay sabihin niya iyon. Hindi ako kumibo. Ni-hindi ko rin siya nilingon.

“Hay nako. Kayong mga lalaki talaga. Nag-susungit para lang mapansin ng babaeng gusto niyo.”

This time, napatingin na ako sa kanya. Ramdam ko na alam niyang isang malaking pagtataka ang bumalot sa isipan ko ng dahil sa sinabi niya.

He grinned. Katulad ko ay ibinulsa rin niya ang pareho niyang kamay sa pants niya. “Halata naman na gusto mo siya.”

“I don’t like her.”

“Tulak ng bibig kabig ng dibdib,” natatawang pahayag niya pa.

“Kung makapagsalita ka kanina akala mo hindi ka isang lalaki,” pag-amin ko. Kanina ko pa sana ‘yan gustong sabihin ngunit nag-alangan pa ako sa magiging reaksiyon niya.

Ngunit taliwas sa iniisip ko, hindi siya na-offend.

Natawa siya ng malakas at saka nag-cross arms. “Hindi naman kasi talaga ako lalaki.”

Gulat. Oo, nagulat ako sa revelation niyang iyon. Hindi ako makapaniwala. “You’re kidding me.”

“Well, Justine… hindi ako nagbibiro.”

“Sinasabi mo lang ‘yan para mapalapit kay Aaliyah. Oh, well. I’m impressed. Medyo makabago ang tactic mo,” anas ko.

Muli siyang natawa at saka umiling-iling pa pagkatapos. “Believe me. I am a woman trapped in a man’s body!” proud pa niyang pahayag.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Where stories live. Discover now