Chapter 13

1 0 0
                                    

Naawa pa din ako kay tito alfonso at sa pamilya niya kahit na inaapi at inaabuso nila ako ay kamag-anak ko pa rin naman sila. Andito lang ako sa kwarto ko nakahiga.

May kumatok sa kwarto ko at binuksan ko at bumungad si mama.

"ahm, eris sama ka sakin? Mag shoshopping tayo" sabi niya sakin na excite akong sumama kasi di pa kasi ako nakapunta ng mall.

"ah sige mama, maliligo lang po ako" sabi ko at naligo na.

Tapos na akong maligo kaya nag hanap ako ng susuotin at nahagip ng mata ko ang isang dress kaya nag dress nalang ako at nag doll shoes. Buti nalang kasya sakin ang doll shoes na to kala ko kasi maluwag di naman pala, pano kaya nalaman ni mama ang size ng paa ko? Hmmm.

Bumaba na ako at nakita ko si mama sa sala na nakaupo at hinihintay ako.

"you're so beautiful Eris" sabi ni mama sakin,

"salamat po mama Emma" nakangiti kong sabi sa kanya.

Nag lakad kami patungog garahe at pumasok na sa kotse

"diba aamponin naman kita, gusto mo gawing hommes ang last name mo eris? Tanong sakin ni mama.

Magagalit kaya si mama o magtatampo kapag di ako papayag na gawing hommes ang apilyedo ko. Nakakalito naman nito.

"ahm, mama wag ka po magagalit o magtatampo ha, garcia na lang po ang gagamitin ko para may matira pang alaala ang mama't papa ko. Sorry po mama emma" sabi ko kay mama.

"okay lang yun eris, naiintindihan naman kita" nakangiti pa rin si mama.

"nakatongtong ka ba ng highschool eris?" tanong ni mama sakon bakit kaya.

"elementary graduate lang po ako mama, di ako nakapag highschool dahil sa hirap ng buhay"

"san ka nag aaral nong elementary kapa Eris? At ano ang full name mo?" tanong ni mama sakin.

"sa Sacred Heart Elementary School po at Erishel Anne Garcia is my full name. Bakit mo po natanong mama?" tanlng ko din kay mama.

"ipakukuha ko kay emil ang form 137 at Birth Certificate mo para makapag aral ka ng highschool" sabi ni mama at laking tuwa ko dahi matutupad ko na din ang pangarap ko na makapag aral.

"talaga po? Salamat ng marami mamaaaa" masayang sabi ko.

"andito na po tayo ma'am Emma" sabi ni kuya emil.

Di naman namalayan na nadito na pala kami, haha. Pumasok na kaming dalawa ni mama, di na daw papasok si kuya emil dun nalang daw siya. Andito kami sa second floor ng mall

"alam mo mama emma, ngayon lang po ako nakapasok sa isang mall" sabi ko kay mama emma.

"sanayin mo na ang sarili mo erishel dahil araw-araw na tayong papasok dito" natatawang sabi ni mama Emma kaya natawa din ako.

Binilhan niya ako ng napakaraming damit pang lakad at pang bahay may mga tsanilas at mga sapatos pa na fila, di ko naman alam kung anong sapatos ang fila, ang sabi ni mama emma branded daw to at di madali masira. Okay lang naman kahit hindi branded ang importante may sapatos ako.

****

Hindi naman talaga mahalaga kung anong brand ang suot mo, basta ang importante ay mahalaga ay este may maisuot tayo araw-araw, hahahaha. Labyah all! 😘

-AMM-

Everything's Happen For A Reason Where stories live. Discover now