Chapter 2

23 1 2
                                    

Ayaw pa sana bumangon ni Athena pero nakatutok na sa mukha nya ang matinding sikat ng araw.

Gising ka na babe? Good morning! Bulong ng isang alaala. Pilit nang binuksan ni Athena ang kanyang mga mata para pigilan ang nagbabadyang umapaw na luha.  With a heavy heart, bumangon na sya paupo sa kanyang hotel bed. She tried to shake off David's image from her head.  Tama na Athena! You're breaking your own heart. Aniya sa sarili.  Niyakap nalang nya ang kanyang tuhod at hinayaan ang sariling umiyak.

Riingg!!! Nagitla sya sa malakas na tunog ng telepono, na syang nagalis sa kanyang dalamhati. Pinunasan nya ang kanyang mata at inayos ang kanyang composure. She picked up the receiver and said "Hello." 

"Good morning Ms. Arellano! This is to remind you that breakfast is only until 10:00AM." Sabi ng hotel receptionist.

Tinignan nya ang orasan sa kanyang nightstand. OMG! 9:40 na! "Ok thank you!" Sabay baba ng telepono.  Dali dali nyang kinuha ang kanyang hoodie, inamoy ito. Ok pa naman, di pa naman mabaho. Pumunta sa CR para magmumog at daliang mag hilamos.  Sinuot nya ang kanyang gray hoodie over her navy blue cotton pajamas and hotel slippers. Nag spray ng cologne, kinuha ang key card at dali daling bumaba sa 4th floor.

"What room ma'am? And how many tables?" Sabi ng receptionist ng hotel restaurant.

"1026. Just me. Did I make it?"

"Yes, our breakfast buffet is still open. This way please."

Pinaupo si Athena sa window side ng restaurant, tanaw ang asul na dagat. Table for two pero she's getting used to being by herself na.  "Coffee or tea Miss?" Alok ng server. "Coffee please. Thank you." Sabi ni Athena. Mukhang konti nalang ang naiwang food. Pero medyo matao pa dito.  Kuha na din ako bago maubusan.

Kumuha si Athena ng plate at inumpisahan ng mag lagay ng kanyang food. Staple sa kanya ang pancakes, eggs and sausages.  Favorite nyang breakfast in any hotel. You can't go wrong with those combinations. Pagkatapos kumuha ng 2 pcs ng pancakes, pumunta sya sa omelete station at nagpagawa ng ham and cheese omelete.  Habang nag aantay maluto, bumalik sya sa continental breakfast area at hinanap ang sausage. Nakita nya ito sa kabilang corner ng buffet table pero nagiisa nalang. Binilisan nya ng bahagya ang kanyang lakad. Tutusukin nya na ng tinidor ang sausage ng may isang pang tinidor na humarang sa pagkuha nya. Nagkatinginan sila ng mang aagaw. Hala! Si kuyang gwapo kahapon! Ano na nga pangalan nya? S..S...nakalimutan ko na. Anubayan! Di man lang ako nakapag ayos. Sa ganitong itsura ko pa kami nagkita ulit. Pero eto na eh.

"Hi!" Ngiting pasabi ni Athena.

"Hello! Sige sayo na Miss." Sabi ng nagpapaubayang Stell. Nakangiti nyang tinignan si Athena mula ulo hanggang paa.

My gosh nakakahiya! Naka pajama pa ko. Gusto ko ng maglaho. "No, no it's ok, sayo na. Nakakahiya hindi man lang ako nagpaalam ng maayos kahapon. Ikaw na nga ang tumulong, ako pa yung nag maldita.  Ano na nga ulit pangalan mo?"  Tanong ni Athena.

"Stell. Shake hands?" Nag abot ulit ng kamay si Stell, abot tenga ang ngiti.

Matatanggihan ko ba yung ganyang ngiti? "Athena. Sorry kahapon ha. You just caught me in a bad time." Kinuha nya ang kamay ni Stell and shook his hand.

"Oo, literal." Response ni Stell. Sabay tawa nilang dalawa.

May ganito pala ka gwapo? May beauty mark pa sya sa may bandang tenga nya. Hindi ko maalis tingin ko sa kanya.  Para akong malulunod sa mga mata nya. Bakit ganun nya ko titigan? Iwas na Athena. You have no time for this.

Bigla nalang may isa pang tinidor na dumaan sa gitna nilang dalawa na nag alis sa pag kakatitig nila sa isa't isa.

"Akin na to ha!" Sabay kagat ng sausage. Kumindat kay Athena ang isa pang gwapong lalaki.  Halos magkasing tangkad sila ni Stell. Pero may boyish charm itong magnanakaw ng sausage. I usually don't like guys in braces, pero bagay sa kanya. Nakadagdag sa appeal nya.

"Hoy Sejun! Sa kanya yan!" Sabi ni Stell sa magnanakaw ng sausage na si Sejun.

"Ay sorry Miss! Favorite ko kasi to eh. Ako nga umubos nito dito. Tsaka ang tagal nyo kasing nakatayo jan, nagtititigan. Kaya naawa na din ako sa nagiisang hotdog na nagaantay sa inyo. " Tumawa ng malakas si Sejun.

"Athena, pagpasensyahan mo na yan si Sejun. Nagiiba ugali nyan pag dating sa hotdogs eh." Depensa ni Stell sa kaibigan.

"Ok lang, I'll have bacon nalang. Meron pa naman."

"Magkakilala kayo Stell?" Tanong ni Sejun habang nginunguya ang naagaw na sausage.

"I saw her yesterday, but we just officially met today." Sagot ni Stell kay Sejun habang tumititig na naman kay Athena.

I'm getting flustered na sa kakatingin nya.  I need to get out of here.

"Kuya Stell! Kuya Sejun!"

Nilingon ni Athena ang pinanggalingan ng boses. May papalapit na binata. Araw ba ng mga gwapo ngayon? Sinundan ni Athena ng tingin ang binata. Maputi, matangos ang ilong, may contagious smile na lalo pang nagpasingkit ng kanyang mga mata. Nilagpasan sya nito at inakbayan si Sejun. "Tatang is waiting." Aniya.

"Ah sige. Tara Stell." Yaya ni Sejun. "We'll go ahead."

"Ok! It was nice meeting you. And thank you again for yesterday.  I guess I'll see you around." Guni-guni ko lang ba? Bakit biglang lumungkot ang mga mata ni Stell?

Dahan dahang lumapit si Stell kay Athena hanggang sa halos 1 inch nalang ang kanilang pagitan.  Pabulong, he said in a deep voice "Yeah, I guess you will. We're staying in the same hotel after all."

Bumilis ang tibok ng puso ni Athena sa proximity nila. She can smell his sweet musky scent from where she's standing. Parang gusto ko ng magstay at yakapin sya. Pero naalala nyang di pa pala sya naligo. She pushed him a bit, created distance and regained her composure.

"Ahh s-s-sige, kukunin ko pa pala yung omelete." She gave a small wave and turned her back para bumalik sa omelete station leaving Stell behind.

She was watching the waves while sipping her coffee. She enjoyed her morning tryst. Kung ganun lang din naman ang paraan to keep her away from her haunting thoughts, then she welcomes the distraction.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love in the Time of JejuWhere stories live. Discover now