Chapter 1

39 1 1
                                    

Athena, ano na? Di ka pumunta dito para matulala. Internal monologue ni Athena sa sarili habang pilit na nakikinig sa tour guide.

"The Seongeup or Jeju Folk Village was established way back in the 1800's..." Nagiging background noise nalang ang boses ng tour guide. Wala ng ibang pumapasok sa isip ni Athena kundi ang tao pilit nyang nililimot. Para syang zombie na sumusunod sa galaw ng mga kasama nya sa tour. Dahil wala sa wisyo, hindi napansin ni Athena na may malalim na lubak pala sa rough road na tinatahak nila. Nalaglag ang kaliwang paa nya sa butas. Sasalubong na sana ang mukha nya sa sahig ng maramdaman nyang may sumalo sa kanya.

"Are you OK Miss?" Sabi ng isang maamong boses.

Shit nakakahiya! Dito pa ko nagkalat. Sabi ni Athena sa kanyang sarili.

"I'm ok, thank you." Aniya sa kanyang savior habang tinatayo ang sarili at pinapagpag ang kanyang damit.

Oh gosh! Gwapo ni Kuya! Napatitig sya sa kanyang savior. Matipuno, defined ang jawline at nakakabighani ang kanyang smile. Nang mapansin nyang may ilang segundo nya ding tinitigan ang lalaki, iniwas nya na ang kanyang tingin.

"Are you Filipino?" Tanong ng lalaki.

Walang choice si Athena kundi tumingin ulit sa kanya para saguting "Opo. Filipino din po kayo?"

Lumawak ang ngiti ng lalaki at nagsabing "What? Sorry, I can't understand your language."

Na shock si Athena at nanlumo. Shit! Napahiya na naman ako! "I'm sorry, I thought you're also Filipino that's why you asked."

"Hahaha! Jinojoke lang kita, Pilipino din ako. Stell nga pala." Habang abot ng kamay nya for a handshake.

Kumunot ang noo ni Athena sa inis "Hindi nakakatuwa! Salamat sa pag rescue mo sakin kanina pero wala sa lugar ang joke mo!" Echoserong 'to! Hmp! Gwapo ka lang eh!

Nag walkout si Athena at humabol sa grupo nya.

Tinititigan lang sya ni Stell ng nakangiti habang naglalakad papalayo si Athena.

Love in the Time of JejuWhere stories live. Discover now