Chapter 14 : Pointing fingers

Start bij het begin
                                    

Nag-ring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.

"Its kirk. I'm outside. Lets talk." That's all he said and then he hung up on me. Wow. what a jerk.

Sinuot ko ang sweater saka lumabas. Wala akong pakialam mag-ayos, si Kirk yan. Kug si Calix pa yan malamang nabaliw na kaayos sa sarili ko.

"Its 2 am what are you doing here?" Bulalas ko nang maabutan ko siya sa labas ng gate.

"Tulog ka na?" Nakangiti niyang sambit.

"I can't. Not after what happened to Tessa." Pag-amin ko.

Lumingon ako at nakita kong nakabukas parin ang ilaw sa kwarto ni Dustin. Malamang naglalaro parin to ng video games.

"Lets not talk here. My brother could hear us." Giit ko kaya naglakad-lakad muna kami ni Kirk hanggang sa makarating kami sa isang playground. Naupo kaming dalawa sa mga swing.

"Tessa's dead." Pamamalita ko na agad ikinagulat ni Kirk.

"Fuck. Our only lead just turn out dead." Inis niyang sambit.

"B-but before she died, I asked who did that to her..." Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko o hindi. Ayoko parin kasing maniwala na si Ponzi ang may kagagawan.

Nanlaki ang mga mata ni Kirk, "Sinabi ba niya sino?" Tumango ko.

"Tammy sino?" Aniya.

"S-she said it was Ponzi." Napakagat na lamang ako sa kuko ko.

"Ponzi? Yan yung kaibigan ng ni Dustin diba?" Aniya kaya muli akong tumango.

"Tanga ba ako kung sasabihin kong ayaw kong maniwala?" Napatingin na lamang ako sa kawalan habang nakahawak sa magkabilang kadenang nagkakabit sa swing.

"No you're not. You're being different. Mas mabuti kung hindi tayo mambibintang ng basta-basta." Sa sinabi niya bigla kong naalala ang kasalanan ng papa ni Tessa sa ama ni Calix. 

Matagal ng nakatira si Kirk sa lugar nato.

Gustong-gusto ko siyang tanungin tungkol sa mga nangyari noon pero sa gagawin ko, baka mabulgar lang ang sarili kong sikreto kaya wag nalang. Sana malutas namin ang misteryong 'to ng hindi inuungkat ang nakaraan.

******

Matapos ang last subject ko ay naglakad-lakad muna ako sa soccer field at gaya ng inaasahan nakita ko si Ponzi na naglalaro. Mag-isa lamang siya. Hindi niya kasama si Ford o si Dustin.

"Tammy!" Nakita niya ako at kumaway siya sakin kaya napagdesisyunan kong lapitan siya.

"Hinahanap mo ba si Dustin?" Tanong niya habang hawak ang bola niyang puno ng putik.

"I want to talk to you about something." Nagdadalawang isip man, pilit kong nilalakasan ang loob ko. Kailangan kong gawin to. Kung siya nga ang mamatay-tao, kailangan tong matapos. Kailangan niyang mahimasmasan.

"Wow serious." Tumawa siya. "Wag mong sabihing liligawan mo ako?" Biro pa niya kaya umiling-iling ako.

"Ikaw ba ang pumatay kay Tessa?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Tessa?" Agad nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Ponzi, I asked Tessa who did that to her and she said it was you. Tell me, bumalik ka ba sa ospital kagabi para tapusin siya?" Bulalas ko.

"Uy teka! Ano?" Kunot noo niyang tanong.

"Ponzi please dont lie. Yung nangyari sa nakaraan, pwede mo na iyong kalimutan. Pwedeng hindi mo na iyon lingunin. Ponzi you dont have to do this." Giit ko.

Napasinghal siya't binaliktad nag suot niyang cap, "Wala akong alam tungkol kay Tessa pero kung ang nakaraan ang pag-uusapan, imposible yang sinasabi mo. Ang isang masakit na nakaraan, imposible yang kalimutan. Dadalhin at dadalhin mo yan hanggang sa mamatay ka. Nasa sa iyo lang yan kung magpapaapekto ka. Lilingunin at lilingunin mo yan Tammy." Seryoso niyang sambit kaya napaatras ako.

Ilang sandali kaming nanatiling magkatitigan. Wala sa aming nagsasalita.

Parang nanlambot ang mga paa ko dahil sa sinabi niya.

Oo apektado ako sa sinabi niya.

"Ponzi pinagbintangan rin ba ng papa ni Tessa ang kahit sino sa pamilya mo? Kung yan ang dahilan--"

"Tammy naman eh." Tumawa siya't tinapik ang balikat ko, "Heat stroke lang yan."

"Ponzi ikaw ang Crimson Ripper.... Hindi ba?" Tanong ko.

Napakamot siya sa ulo niyat nagsimulang maglakad palayo, "Betlog mo pink." Tumatawa niyang sambit.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Hindi nga ba talaga si Ponzi ang Crimson Ripper? Kung hindi, bakit siya ang sinabi ni Tessa? Nalilito na ako. Nakakapagod na.

"Tammy okay ka lang?"

Ngayon ko lang napansin na nakatayo parin pala ako sa napakainit na soccer field. Nakakasilaw kaya naningkit ang mga mata ko. Nilingon ko kung sino ang nagsalita... Si Ford.

"Narinig mo ba ang pinag-usapan namin?" Tanong ko.

Tumango-tango siya at ngumiti ng tipid, "Tammy hindi ko maintindihan kung bakit mo pinagbibintangan si Ponzi pero isa lang ang nasisiguro ko, mabait ang kaibigan kong yan. Oo nga at medyo may sapak pero matino yan. Bata pa lang andami na niyang pinagdaanang lungkot at sakit, mas pinili niya lang itago ito sa pamamagitan ng mga kalokohan niya. Kung ang pagkamatay ni Tessa ang inaalala mo, sinisigurado ko sayo, hindi siya ang pumatay kay Tessa kasi hindi niya kayang magpunta ng ospital. Ayaw niya sa mga ospital."

Nakakapanibago, noong nakaraang araw si Ponzi ang nakausap ko ng matino tapos ngayon si Ford naman. 

Nakakapanlumo din. Pakiramdam ko ang sama-sama ko kay Ponzi. Gusto ko lang naman malaman ang totoo, hindi ko naman intensyong makasakit ng damdamin ng iba. 

"Nga pala tama ba yung pagkakaintindi ko sinabi mo?" Para siyang nagdadalawang-isip.

"P-pinatay ba si Tessa dahil sa ginawang pambibintang ng ama niya noon?" Nauutal na sambit ni Ford na para bang natatakot.

END OF CHAPTER 14.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

 

The girl who cried murderWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu