Prologue

74 16 1
                                    

"Oliver!" sigaw ko sa lalaking naglalakad sa harapan ko. As usual, nakasimangot pa rin ang mukha niya. Akala ko ay magiging okay na kami after ko siyang puntahan sa burol ng mommy niya, but after that day? Bumalik na naman sa dati- sa dating pagiging masungit. Pero okay lang naman, mas pogi kasi siya pag galit at naiinis.

"What is it?"

Nakangiti akong humarap sa kanya, "Sana ulan ka nalang at lupa ako," kumunot ang noo nito habang nakatingin sa'kin.

"Bakit?"

"Para kahit gaano pa kalakas ang patak mo, sa'kin pa rin ang bagsak mo." Nakangisi kong sambit sa kanya habang napapailing-iling naman ito sa akin. Aalis na sana siya ng magsalita akong muli.

"I like you, Oliver Bryson Montenegro," sambit ko gamit ang full name niya sabay ngumiti sa harapan niya. He just rolled his eyes with a sigh of disbelief. Nakakunot lamang ang noo ko habang nakatingin at nakangiti pa rin sa kanya.

Nakita kong bumaba ang kanyang mga balikat habang napabuntong hininga't hinarap ako. "Well, I don't like you," isang malamig na hangin ang aking naramdaman sa kanyang sinabi. His voice was cold at kitang kita ko ang walang emosyon niyang mga mata habang nakatitig sa akin.

Agad na siyang tumalikod sa akin pero kahit ganon paman ang nangyari masaya pa rin ako kasi kahit papano nakakausap ko siya. At masaya na ako sa bagay na 'yun. Kahit na ganyan siya, mas minamahal ko siya higit pa sa akala niya. 

Out of Reach (Out Series #1).

Out of Reach (Out Series #1) (On- going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon