CHALZEE POV'S
Waaaaaaaah!!! yes! lunes na naman ibig sabihin may pasok na naman!
"At makikita ko na naman si crush!" Im so excited na
Inayos ko na ang suot kong uniform at tumingin sa salamin nag lagay din ako ng clip sa magkabilang gilid ng buhok ko,inayos ko rin ang salamin ko sa. mata.
"Mama! papa! kuya! goodmorning."Masiglang bati ko sa kanila ng makababa ako,naabutan ko si mama na kumakain pati si kuya na patapos na at si papa na nagbabasa ng news paper.
"Goodmorning bunso,mukhang ang sarap ng tulog mo ha?"Bati ni mama sakin pabalik at pinaupo ako sa tabi nya
"Hahahha masaya lang po ako mama kasi may lunes na naman makikita ko ulit ang mga kaibigan,klassmeyt at—."
"Syempre ang crush na crush nyang hanggang ngayon hindi naman siya mapansin-pansin."Pagputol ni kuya sa sasabihin ko,kaya sinimangutan ko sya
"tss,ang epal mo ano?"Iritable kong sagot sa kanya at tinarayan sya
"Osya,bilisan nyo na't baka mahuli kayo sa mga klase nyo."Singit naman ni mama,sumubo naman ako ng mabilisan at tumayo na
"Chalzee,sumabay kana sa kuya mo para hindi kana mamasahe."Sabe pa ni mama
"Ma! Hayaan mo syang mauna."Sagot naman ni kuya
'Parang lugi pa yatang kasama nya ako?'
"Wag ng makulit Aciel."Sinimaan sya ng tingin ni mama kaya naman wala na syang nagawa kundi ang manahimik at tumango nalang."Bilisan mo na baka.malate ang kapatid mo."
Tinanguan lang ulit sya ni kuya kaya medjo natawa ako sa itsura ni kuya,nakanguso at halatang napipilitan lang na sumunod sa gusto ni mama,bumaling naman ako kay papa na busy parin sa pag babasa ng news paper hindi manlang sya umiimik
Hays!
"Alis na kami!"Iritadong sabe ni kuya at padabog na lumabas
"Pasok na kami ma,pa?"Paalam ko pa at nagmano kay mama sunod naman sana si papa kaya lang bigla na syang tumayo at umalis
"A-ah ma? alis na po kami."Pilit kong ngiti sa kanyaa na sinuklian naman nya ng pilit rin
"Sige na,baka mainip na ang kuya mo kahihintay sayo."Tumango nalang ako at lumabas na naabutan ko naman si kuya na nakasandal sa kotse 'nya' habang magkadugtong ang kilay at mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa
"Ano ba? bilisan mo nga! Para kang pagong."Inis na sabe nito at padabog na sumakay sa kotse nya at syempre sya ang nasa driver seat pero bago pa man ako makapag bukas ng kotse,nagsalita na naman sya
"Dun ka sa likod,ayaw kong katabi ka."Hindi na ako sumagot pa at sinunod nalang ang sinabe nya baka kasi magtalo lang kami kung sasagot pa ako
"Hoy!"
Hindi ko siya pinansin tanging sa labas lang ng bintana ang atensyon ko
"Hoy bruha!" 'Bahala ka dyan'
Maya-maya pa ay biglang huminto yung kotse nya kaya taka ko syang nilingon,nakakunot at magkarugtong kilay nito
"Ano?!"Iritang tanong nya
"Ano rin?!"Balik kong tanong sa kanya ng bigla nya akong piningot sa tenga
"A-araay! ano ba?!"Inis kong inalis ang pagkakapingot nya at sinamaan siya ng tingin."Inaano kaba?! akala mo hindi masakit ha?!"
"Buti lang yan sayo! Bungol ka."
"Naririnig kita! sadyang ayaw ko lang na pansinin ka!"Sagot ko sa kanya at nagpalitan kami ng samaan ng tingin
"Bukas agahan mo ang gising at mauna kana dahil ayokong .makasabay ka baka may makakita na magkasama tayo,sabihin mag kapatid tayo." Bobo lang?
"Malamang ano? baka kapatid talaga kita."Sarcastic na sagot ko sa kanya
"Hindi kita kapatid.wala akong kapatid na bruha at panget."Makapanglait ang isang ito akala mo kung sinong perpektong nilalang."Wag ka ng sumagot kundi pabababain kita ora mismo."
'May sinabe ba akong sasagot ako?' KAINIS! kung hindi lang tlaga kita kuya baka sinapak na kita nakakainit ka ng kalamnam,lamang loob,at utak!
Wala ng nagsalita pa sa amin hanggang sa pagdating namin sa main gate ng school kung saan ako pinababa ng napaka! bait kong kuya
''Bwesit ka."
