Prologue

120 3 0
                                        

Napakadilim ng paligid at kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay ang pagbuhos ng luha ko,nababalot ng takot ang bawat hakbang na ginagawa ko habang iniinda ang sakit na dala ng mga galos at tama ng baril sa tagiliran ko.

"Mama?"halos pabulong nasabi ko,naubosan na ako ng boses dala ng panunuyo ng lalamonan ko "mama"ulit ko habang patuloy padin sa paghahakbang ngunit napahinto ako ng makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril at tumingin sa paligid ko ngunit kadiliman ang nakikita ko

"Tama na Edwardo!itigil mo na ito maawa ka" narinig kong sigaw ni mama sa kung saan,ngunit kahit isa o kahit ano ay wala akong nakikita tila binubulag ako ng kadiliman at tila ayaw nitong masaksihan ko ang mga pangyayaring nakakubli dito

"Mama"buong lakas kung sigaw kasabay ng sunood sunood na pagpatak ng luha ko na para bang sumasabay sa lakas ng buhos ng ulan

"Mamatay kana Benjamin!"narinig kong sigaw ni tito Edwardo pagkatapos ay ang sunod sunod na pagputok ng baril

"Hindiii"narinig kong sigaw ni mama,tanging pagluha nalang ang nagawa ko at pagupo sa putikan habang walang tigil na umiiyak,dahil alam ko sa puntong iyon wala na siya...wala na ang taong iniidolo ko,wala na ang taong pinakamamahal ko,wala na ang taong pinakaiingatan ko...wala na!wala na ang papa ko!

Hininto ko ang pagiyak at tumayo ako

papatayin kita tito edwardo,papatayin kita!

.
.
.
.
.
.
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto,agad akong napatayo at napatakbo papunta sa pintuang nakita ko at binuksan iyon pagkatapos ay tumambad sa akin ang isang malawak na kapaligiran at mayroong mga gusali na tila ba isa itong paaralan,haggang sa naagaw ang atensyon ko sa isang gusali na may nakasulat at binasa ko iyon

SCREAM ACADEMY










SCREAM ACADEMY is copyrighted.

This is a work of fiction.names,character, events,places and incident are all product of the author's imagination.

All right reserved by the owner/creator of this work.

No parts of this work or any of its contents may be distribute,publish, reproduce,copied, modified, or adapted, without the prior written consent of the author/writer.

WARNING!!

PLAGIARISM IS A CRIME!!

Paalala!

-may parts po dito na detailed yung mga paraan ng pagpatay

-wag kayong magexpect na may kiligkilig dito..bitter ako bakit ba! pero baka topakin ako hahaha

Pa like and Vote nalang po !thankies mabuhay lahat ng di crush ng crush nila! ipamukha daw ba😂

Scream AcademyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang