Chapter Tres: "Night Market"

Start from the beginning
                                    

"Point taken. Pero madalas mo ba talagang gawin 'to? Mangidnap ng stranger at dalhin sa Baguio?"

Napatawa siya sa tanong ko, "first time lang. Dati ako lang mag isa."

"Ikaw lang magisa?"

Napatango siya at bahagyang nawala ang ngiti sa labi niya, "oo. Ako lang mag isa. Kung may safe na lugar kung saan wala akong memory na kasama siya, Baguio yun."

I was about to say something nang bigla siyang mag break.

"Ay pusa!" gulat na sabi niya. "Nakakalokaaaaa may dumaan na pusa!"

"Nasagasaan?"

Bumaba ako sa kotse to check. Nakita ko yung pusa na muntikan niya nang masagasaan na chill pa ring tumatawid sa kalsada.

"Nakatawid na. Gusto mo ako na mag drive?" alok ko.

"No. Mamaya ibalik mo pauwi, eh."

"Ang layo na ng narating natin. Tingin mo ibabalik ko pa 'to? Ide-deretso ko na sa Baguio. Naka-waze naman 'di ba?"

"Okay ka ba mag drive?" medyo nag aalangan niyang tanong. "Hindi ko pa kasi tapos hulugan ang van na 'to."

"I'm the safest driver you would ever encounter."

"Hindi mo ko kikidnapin?"

"May I just remind you I'm the one who's being kidnapped here."

She shrugged, "kung sabagay."

Bumaba siya ng kotse at nag palit kami ng puwesto.

The moment na pinaandar ko yung van, natahimik na siya.

I look at her again only to see that she's already sound asleep.

Makikidnap nga talaga ang babaeng 'to.

I smile.

I'm not really a spontaneous person. I want to plan ahead lalo na sa mga travels. I hate it kapag biglang nababago yung schedule ko. Ayoko ng pakiramdam na hindi prepared.

Pero iba nga ang nagagawa ng lungkot. Na-t-try mong gawin ang mga bagay na hindi mo ginagawa noon.

Like her, gusto ko rin tumakas. Gusto ko rin lumayo. Gusto kong mag tago sa lungkot.

Baka nga tama siya, baka pwede rin akong mag Baguio.

I heave a sigh.

Sige na nga. Baguio it is.

 Baguio it is

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HER

I woke up with someone tapping my shoulder.

Dahil sa sobrang lutang ko, napaisip pa ako kung nasaan ako at kung bakit may ibang nag d-drive ng kotse ko. Napatingin ako sa labas. Gabi na. At puro puno ang nakikita ko.

Tara Kape?Where stories live. Discover now