Prologue

3 0 0
                                        

"Papa, lumaban po kayo 'please po kahit para sa akin nalang po"

Napakasakit pala makita yung tatay mo na nakahiga sa puting kama ng ospital, lalo na kung wala kang magawa para mawala yung sakit nya. Napakasakit sa akin ng mga nanyayari dahil sa maiksing panahon na nakasama ko sya hindi ko napahalagahan ang bawat segundo,minuto,at oras na nakasama sya 'hiling ko lang sa diyos na sana gumaling na ang papa ko.

Tama nga talaga ang kasabihang 'nasa huli ang pagsisisi' dahil kung kailan na realize ko na yung mga pag hihirap at effort na ginawa nila para sa akin tsaka naman sila mawawala, alam mo yung pakiramdam na parang gusto mo nalang mamatay dahil wala naman ng silbi ying paghinga mo araw araw dahil hindi mo alam kung bakit kapa humihinga, ganon ang pakiramdam ko ngayun.

"Anak pag pasensyahan mo na si papa ah, kung hindi ko man naibigay yung mga pangangailangan mo at alam ko rin na nag kulang ako sa pagiging ama sa inyong mag kakapatid" umiling ako sa huli nyang sinabi dahil hindi naman talaga sya nag kulang sa pag mamahal sa amin eh, kami ang walang oras sa kanya.

Hindi na ako makahinga dahil sa patuloy na pag agos ng luha sa aking mga mata at ang napakasakit na aking nararamdaman sa oras na ito.

Kung sana noon palang pinahalagahan ko na ang mga memories na kasama ko ang papa ko, edi sana sa oras na kukunin na sya ng panginoon hindi na ako mag sisisi na hindi ko pinahalagan ang aking papa, dahil naging masaya kami habang malakas pa sya.

Ayoko sana syang iwan sa loob ng silid na iyon, perp dahil ayokong umiyak ng malakas sa harap nya kaya lumabas nalang ako para hindi nya ako makita na sobrang nahihirapan at dapat ako ang kinukuhaan nya ng lakas para lumaban sa pesteng sakit na iyan, pero hindi ako malakas eh 'ang hina hina ko nga eh.

Tumakbo ako patungo sa kotse ko at doon umiyak ng umiyak. Umiyak ako hanggang maubos ang luha ko, pero parang sirang gripo ang mata ko at hindi mauubusan ng tubig sa dami ng luha ko.

Ito na siguro ang katapusan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RegretsStories to obsess over. Discover now