Chapter Dos: "Chocolate Cake"

Start from the beginning
                                    

Hindi ko na siya nakuhang sagutin dahil sa sobrang taranta ko. Inabot ko na lang sa kanya yung jacket.

"Salamat!" sabi ko at agad kong kinuha ang mga gamit ko at dali dali akong umalis.

Natapos ko ang pag-re-retouch habang nasa loob ako ng Grab.

Nakarating ako sa meeting place five minutes bago mag start.

Late ang dalawang clients. Oh well, parehong artista, eh. Inisip ko na lang, sila ang magiging daan para mas makakuha ako ng maraming customers.

Biruin, one of the biggest showbiz couple in the century ako ang gagawa ng wedding cake? This is a big break for me.

Wala man jowa at least malago ang career.

Dumating yung road manager nung couple after one hour and forty five minutes para sabihin sa akin na hindi makakarating ang dalawa at siya na lang ang makikipag usap sa akin.

Tatlong minuto lang ang itinagal ng meeting.

Ibinalita lang sa akin na hindi na matutuloy ang kasal dahil nag break ang dalawa.

Ang galing.

Break up season ba ngayon? Pati negosyo ko nadadamay.

            Break up season ba ngayon? Pati negosyo ko nadadamay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


HIM

Am I being punished? Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko 'yan.

Yung babae... mukhang nakasanayan na niya ang pag iyak sa harapan ko.

The next day, nagulat ako nang umupo siya sa tapat ko. Well, hindi pa kasi tapos ang buy-one-get-one promo ng coffee shop na 'to at puno pa rin ang second floor. I managed to get a table buti na lang at pumunta ako ng maaga. Nagulat ako nang pumunta ulit siya dito knowing na maraming tao. Mukhang wala siyang ibang lugar na naiiyakan ah?

Without a word, ipinatong niya ang ulo niya sa table and she started to cry. I don't know if I should comfort her or not. Pero siguro tama nga na hayaan ko lang siyang umiyak.

Nang matapos siyang umiyak, umalis na rin siya agad.

Ganun din ang ginawa niya nung sumunod pang araw. Makiki-table sa akin. Hindi ako kakausapin. Aalis.

The following day, inexpect ko nang tatabi pa rin siya sa akin. And she did. Pero bago siya umalis, nag salita na siya.

"Salamat sa pagpapa share ng table at hindi panghuhusga," she barely whispered before leaving.

Araw araw na torture na makita siyang umiiyak.

Katunog niya kasi ang iyak ni Issa. And for some reason, it pierces my heart.

Tara Kape?Where stories live. Discover now