Kabanata 1

34 0 0
                                        



Naalimpungatan ako ng marinig ko ang alarm clock
ko. Kinusot kusot ko muna ang aking mga mata at nag inat ako ng aking katawan bago ko naisipan na bumangon.

Ngunit naupo muna ulit ako sa aking higaan at napatunganga na lang sa kawalan.

Nagulat ako ng tumutunog pa pala ang aking alarm clock kaya agad ko itong pinatay. Napakamot na lang ako sa sarili kong katangahan.

Pagpihit ko sa doorknob nagulat ako ng bumangad sa akin ang mukha ng aking mama.

"Ready?"

Napasimangot ako sa simple niyang tanong.

"Mama di na po ba pwedeng magbago ang desisyon niyo ni papa?" sabi ko habang nakasimangot pa rin.

"Alleaf wag ng tanong ng tanong ha" aniya habang tinutulak ako papasok sa aking kwarto. Lumapit siya sa may cabinet at kinuha ang bago kong uniforme.

Nakasimangot akong kinuha ang cellphone ko habang dina-dial ang phone number ni aliann.

"Hello aliann, I want to stay there but I can't convince my parents"

Napabuntong hininga ako bago magsalita muli.

"I guess I have no choice, I need to follow their decisions"

"Ang daya mo naman sabi mo sa akin dati hindi mo ako hahayaan mag isa dito pero lilipat ka pa rin talaga ng school" malungkot niyang sabi habang humihikbi.

"Huy sorry talaga, alam mo naman siguro kung bakit ako lilipat diba?" naiiyak na din na sambit ko.

"Oo naman" tipid niyang sabi.

"Wag ka na ngang umiyak dyan naiiyak na din tuloy ako, we're bestfriends pa din naman kahit di mo na ko nakakasama palagi" pagpapagaan ko sa pakiramdam niya.

"Sige na bye bye iloveyou aliann!" ako na din ang nagbaba ng tawag.

Si Aliann Reyes ay isa sa naging kaibigan ko noong pumasok ako sa Padua Academy, siya ay maganda, hindi katangkaran, matalino, pero ang kapansin pansin sa kanya ay ang kanyang mapupulang labi at ang kanyang tuwid na buhok, kami ay anim na magkakaibigan, masaya ako nung nakilala ko sila ngunit dumating na sa puntong nagkaroon kami ng di pagkakaintindihan hanggang sa lumala ito.

Nalaman ito ng mga parents ko kaya nag decide sila na kunin ako kay lola at dito tumira kasama na ulit nila, dahil kinuha na ulit nila ako kay lola syempre dito ko na din ipagpapatuloy ang pag aaral ko.

Pero ayokong lumipat dahil bukod sa maiiwanan ko si allian ay pati na din ang mahal kong lola.

Lumaki ako sa lola ko, 3 months old ako ng iniwan ako  ng parents ko sa lola ko upang magtrabaho at doon sila tumira sa isa pa naming bahay.

Kaya ganon na lang din ang lungkot ko ng nalaman ko na lilipat na ko ng school.

"Alleaf" natinag ako sa pagtawag ni mama "sige na anak maligo ka na at baka ma late ka pa"

"Sige po" sagot ko at dumiretsyo na ako sa banyo ng kwarto ko.

Habang naliligo hindi ko pa rin maiwasan isipin ang bagong school na papasukan ko. Sana naman maging masaya din ako doon at sana ibang iba ang maging karanasan ko doon kumpara sa dati kong school.

Pagkatapos kong maligo at magbihis dumaretsyo na agad ako sa dining area. Nakita kong nakaupo si papa habang may binabasa sa dyaryo na hawak niya.

Si mama naman ay naghahain ng mga pagkain. Humalik ako sa pisngi nilang dalawa at naupo na.

Nakita kong napangiti si mama ng pasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko.

"Your uniforme really goods on you" tango tango pang sabi ni mama at naupo na din.

Hindi ko alam kung binobola ba ko ni mama dahil hindi naman sexy ang aking katawan kumbaga tama lang.

Siguro kaya niya sinabing maganda sa akin ang uniforme ko dahil maganda naman talaga ito, long sleeve na pink na pinatungan ng navy blue na coat at necktie, habang ang palda naman ay above the kneee checkered ito na may kulay na light pink,orange at blue.Kaya mas lalong gumanda dahil sa mahabang medyas.

Kung titignan ang magsusuot nito ay kikay na kikay talaga.

"Syempre maganda at sexy ata tong anak niyo ma" sakay ko sa pambobola ng mama ko.

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni mama sa akin at napatakip pa sa bibig niya.

"Aishh mama naman"

Alam ko na yung mga ganyang reaksyon e paano ba naman hindi siya makapaniwala.

"Natutuwa lang naman ako kase bumalik ka na sa dati mong ugali" natatawa niyang sambit "simula kase nung sinabi namin na ililipat ka na namin ng school parang nawawalan ka na ng gana"

"Oo nga anak yun din yung napapansin ko nitong mga nakaraang araw" sabi naman ni papa at binaba na ang diyaryong hawak niya at tumingin sa akin at kumuha na din ng makakain niya.

"Sana maunawaan mo alleaf kung bakit ka namin pinalipat ng school"

"Besides para mabantayan ka na den namen" dagdag niya pa habang kumukuha sa isang plato ng ulam.

Kumuha na ako ng makakain ko at nagsimula na din akong kumain.

"Mahihirapan na den ang lola mo sa pag aalaga sayo dahil masyado na siyang matanda"  hindi ko naman na kailangan na alagaan ako ni lola dahil ang gusto ko nga ay ako ang mag alaga sa kanya.

"At isa pa hindi ako natuwa nung nalaman ko na ganon na pala ang ginagawa sayo ng mga kaibigan mo, kaya sana anak maunawaan mo kung bakit napagdesisyunan namin na ilipat ka"

lnubos ko muna ang laman ng aking bibig bago ako nagsalita "oo naman ma naiintindihan ko naman po at saka alam ko naman po na para sa sarili kong kapakanan kung bakit ako lilipat" sabi ko at ngumiti sa kanila.

Alam kong gumaan ang pakiramdam ng mama at papa ko dahil pabor na saken ang lumipat sa bago kong school.

Kaya dapat kailangan ko ng sanayin ang aking sarili sa bagong paligid na aking gagalawan pero sa una syempre maninibago pa ako dahil iba na ang mga taong makakasalamuha ko kaysa sa nakasanayan ko.

Nalulungkot pa rin talaga ako sa tuwing maiisip ko na wasak na ang pagkakaibigan naming anim at kailaman ay hindi ko na sila makakasama.

Biglang sumagi sa isipan ko si aliann, panigurado malaki na ang tampo at hinanakit niya sa akin.

Dahil kahit ano mang pilit ko wala na din naman akong magagawa kase eto na din talaga yung desisyon nila mama.

Napabuntong hininga na lang ako sa mga iniisip ko. Nakita kong napatingin sa akin si mama at papa, ngumiti na lang ako para hindi na sila mag isip ng kung ano pa.

Tinapos ko na din ang kinakain ko para makapunta na ako sa school.

Pagkatapos kong mag toothbrush nagmano na ako kila mama at papa, nagpaalam na din ako na aalis na ako.

Maglalakad lang ako papunta sa school dahil walking distance lang naman ito mula samen, pagkalabas sa subdivision matatanaw mo na siya sa kabilang kalsada.

Hindi siya gaanong kalayo pero may mga tatlong subdivision ka pang madadaanan bago makarating doon.

At ngayon narating ko na ang harap ng gate.

But when I saw the students and the whole school I don't know but my lips automatically smile.

My Journey With ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon