Ang unang karera

2 0 0
                                    

Dala dala na ni Christopher ang kanyang bisikleta sa kanilang eskwelahan. Nakita sya ng coach at agad na tinawag. Tinawag din ng coach ang mga matagal nang cyclista ng kanilang paaralan at agad silang pinakilala sa isa’t isa.

Coach: Christopher, sila nga pala sina Tim, Nico, Bruce at Jose

Sinubukan sya ng kanyang coach at pinakarera sya sa dalawang cyclista ng kanilang eskwelahan. Kasama na dito ang pinakamabilis sa eskwelahan nila ng oras na iyon na si Tim. Nagsimula na ang karera at lahat ay nagsimula nang pumadyak. Nahiya sa una si Christopher kaya dahil dito ay bigla syang naiwan ng kanyang mga kasama. Sa kalagitnaan ay nakita nyang tinatawanan sya sa harap ng mga kasama nya habang umaangat ng umaangat ang kanilang distansiya. Dahil dito ay binilisan ni Christopher ang kanyang pag bibisikleta. Nabigla ang dalawa ng bigla silang naunahan ni Christopher at sabay na napangiti ang coach. Noong araw na iyon ay siya ang tinanghal na sprinter ng kanilang eskwelahan.

Patuloy na nageensayo ang grupo pag tapos ng kanilang mga klase at nagpapahinga sila tuwing sabado o minsan ay lingo. Pagkalipas ng ilang lingo na paghahanda ay kinabukasan na ang kanilang karera at magaganap ito sa kanilang eskwelahan. Nasa harap ng bulletin board si Christopher at kinakabahan. Bigla syang nilapitan ni Liza at yumakap sa likod nya. Nahiya at namula si Christopher at iniwas ang sarili nya kay Liza.

Christopher: Ano ba ginagawa mo?
Liza: Niyayakap ka bakit masama ba?
Christopher: Di naman pero… nakakailang lang
Liza: Bading!
Christopher: Anong bading ka dyan. Di lang ako sanay na niyayakap ng iba
Liza: Hahaha, umamin na kasi….
Christopher: Hayysstt… kulit bakit ka ba andito?
Liza: Wala lang, gusto lang kita batiin. Congrats pala!
Christopher: Di pa nga nagsisimula ang karera eh
Liza: Kahit na, pero masaya ako’t mapapanood na kita sa karera. Congrats na nakapasok ka na
Na inspired si Christopher at biglang lumingon kay Liza habang nakangiti
Christopher: Salamat, gagawin ko lahat upang maipanalo ko ang karerahan na ito.
Liza: Sige pero Manalo ka man o matalo, panalo ka parin sa kin
Christopher: Ano naman meaning nun?
Liza: Hayystt… sige uwe na ko.
Christopher: Sige ingat ka

Lumipas ang ilang minuto ay umuwi narin si Christopher.

Ito na ang araw ng kanilang karera at ang lahat ng mga cyclista mula sa iba’t ibang eskwelahan ay naghahanda na. Di makakapunta ang kanilang coach dahil lubhang di maganda ang nararamdaman nito kaya ang nag assist sa kanila ay ang kanilang assistant coach. Bago pa magsimula ang karera ay di na gusto ni Christopher ang trato sa kanya at tingin ng kanilang assistant coach. Dito nya rin nalaman na ama ito ng kasama nyang cyclista na tinalo nya noong kapapasok pa lamang nya. Malapit na magsimula ang karera at si Christopher ay kinakabahan. Bigla syang tinapik ni Bruce.

Bruce: Ayos ka lang?
Christopher: Ayos lang medyo kinakabahan lang
Bruce: Wag ka magalala sa karerang ito di ka nag iisa. Wag mo kaming alalahanin sa huling parte ng karera sapagkat ito ang iyong oras upang ipakita sa lahat ang iyong kakayahan. Gawin natin ang lahat para sa karerang ito.
Christopher: Sige, gagawin ko ang makakaya ko.

Mas nawala ang kaba ni Christopher ng Makita nya si Liza sa mga manonood na sumisigaw para sa kanya.
At nag simula na ang karera. Sa mga unang yugto ay pumapangalawa sila sa karera. Naging mahigpit ang laban lalo na sa pag akyat nila sa mga matatarik na daan. Nagsisimula nang mapagod si Bruce ngunit tinulungan siya ni Christopher upang umakyat sa pamamagitan ng tulak. Pag baba ng bundok ay ito na ang pinaka huling yugto ng karera kung saan ang mga sprinters na ang mag kakarera. Apat nalang ang naiwan sa karera, si Christopher, si Tim at dalawang sprinters na galing sa dalawang mag kaibang eskwelahan. Palapit na sila ng palapit sa finish line at naiwan na nila ang dalawa nilang kalaban. Patuloy na nangungu na si Christopher ngunit ayaw ito ni Tim. Habang nagpapadyak ang dalawa balak ni Tim na unahan si Christopher ngunit di nya alam kung paano sapagkat sadyang mabilis si Christopher. Kaya nag balak siya na patumbahin si Christopher ng di nahahalata ng manonood. Pag liko nila ay bigla nyang pasimpleng binangga ang likod na gulong ni Christopher na kadahilanan upang siya ay matumba at sumemplang sa track. Nakita ni Liza ang pagkatumba ni Christopher at sya ay napasigaw. Nang Makita ni Tim na natumba na si Christopher ay agad syang nagpatakbo ng mabilis ngunit di nya napansin na masasagasaan nya ang tumalsik na goggles mula sa helmet ni Christopher sa kanyang harapan. Nang masagasaan ng kanyang gulong ang goggles ay sumabit ito sa gulong nya at siya ay natumba rin. Kadahilanan na nanatiling pangatlo ang kanilang eskwelahan sa karera na iyon.

Kinabukasan ay pumasok na si Christopher sa kanilang eskwelahan, nakita nya ang assistant coach at nilapitan.

Christopher: Pasensya napo sa kahapon…
Assistant Coach: Di na natin maibabalik ang nakaraan. Kinalulungkot ko na sabihing ikaw ay tanggal na sa grupo.
Christopher: Ha? Bakit po? Pwede ko po bang makausap si coach?
Assistant Coach: Kausap mo na sya ngaun. Ako na ang bagong coach.

Di na nakipag talo si Christopher sapagkat alam na nya sa simula na masama na ang trato sakanya ng kanilang assistant coach. At siya ay umalis na sa kanilang team.

Nagising si Christopher sa pag kakatulala at biglang nagpasya nang umuwi.

Dumating na si Daniel galing bisikleta.

Christopher: Kain na anak!

Daniel: Sige po pa mamaya nalang

At sabay pasok sa kwarto nya.

The Sprinters 2 - The Lost DreamWhere stories live. Discover now