Ako na ba ?

67 0 1
                                        

(A.N) : AHAHAHA medyo sabaw 'to wag magexpect ah ? Pero kagaya nga ng nasa description nitong one shot ko . Mapapakilig kita sa maikling panahon na babasahin mo 'to XD YOWN LANG :*

~ ~ ~ ~ ~  ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Magiistart ang story ko sa isang palasyo sa mapayapang lugar ng......

" HOY ! try mong gumising na ! tatanghaliin ka nanaman "

" Sus naman ma , ang aga aga pa po ee alas sinco pa lang oh , tanghali na agad sayo ? "

" Oo , ee sa may sarili akong orasan ee wala ka na dun , tsaka kumilos ka na nga wag mo akong pinipilisopo . DALI NA ! "

Hindi ko na sinagot si mama , bagkus ay kumilos ako kahit labag sa kalooban ko . Masyado pang maaga . 7 pa kaya pasok ko , tapos yung panaginip Kong magtatapos sa happy ending sinira niya na agad . Hays sayang naman , baka mamaya si bes yung nasa panaginip ko .

Anyways , ako nga pala si Charmaine Bautista , my friends , close friends , feeling close , my family call me Cha . Ang kaso , may isang kupal na lalaki ang tunatawag sakin ng Chacha . Naiirita talaga ako dun kasi feeling ko maid ako . SA GANDA KONG TO ? Hays going back to the topic , 17 years old na ako . First year College at nagaaral sa isang sikat na Unibersidad dito sa aming siyudad , so ayan ok na yan HAHAHAHAHA.

Pagkatapos kong kumain , umalis na ako agad . Naalala kong magkikita nga pala kami ng kupal kong bestfriend sa ministop para sabay pumasok.

Iniisip niyo sigurong pwede naman kaming magkita sa school , pero ayaw namin ee sa maarte kami ng bestfriend ko ee . HAHA B)

Pagkadating ko dun , inaatay na ako ng knight in shining armor ko AHAHAHA CHAROT LANG Si kups lang pala yun XD

" Antagal mo naman yatots " inis niyang pagkasabi.

" Sorry na kups , tinanghali ako ee "

" Try mo kasing bilisan minsan "

" Ee nakakatamad kayang kumilos tuwing umaga "

" PSH yan naman lagi mong palusot ee . Tara na nga ! "

Oh ? ano bang meron dun ? May period ? Hala bading siya ? No way , di ako makapapayag HAHA chos lang . Kaso ba't kaya ang init ng ulo nun ? :'(

Sinundan ko na siya at nagipon ng bwelo tapos sumapan ako sa likod niya , para naman makulitan siya sakin at matanggal ang init ng ulo niya . Baka mamaya ee pati ako madamay .

" Ano ba yatots , ang kulit naman ee . Pwede ba ? Umayos ka nga para kang timang ee ! "

Tas ayun inis na inis niya akong ibinaba mula sa likuran niya . Kaso di na ako nakapagtimpi.

" Maayos ako , ikaw lang ang hindi . Ang aga aga ang initinit ng ulo mo ! Ano bang kinakagalit mo . na nalate ako ? Sorry ah ? Patawad , wag na lang tayong magsasabay kung ganito lang din . Kung naiinis ka , wag mo sakin ibuhos yang galit mo . Bahala ka na nga dyan ! "

Gusto niyo bang makilala si kups ? hays , sige na nga. So he's name is Ace Carbonel. Gwapo , Matangkad , hindi gaanong matalino , bestfriend ko , at mahal ko .

Okay na yan wag na kayong choosy AH ? HAHA

Kagaya ng sinabi ko kanina nilayasan ko siya , magisa akong pumunta sa school at wala akong pake kung galit man siya . Ang ganda ganda ng umagawa ko ee , pero siyempre mas maganda pa din ako

Nang makarating ako sa school , napadaan ako sa faculty at nakita kong may meeting ang mga prof namin, Buti naman. atlis makakadaldal pa ako . Di pa ako late , si kups kaya ?

Well hayaan ko na siya , masyado kasing laging meron, mas masungit pa sakin.

Natapos ang dalawang subject namin ng ganon ganon at ngayon ay break na. Naramdaman ko naman na nagvibrate ang phone ko at agad ko namang binasa yung tetx niya.

From: Kups <3
Message:  Oy , hindi ka artista para magwalk out , puntahan moko sa rooftop usap tayo .

To: Kups <3
Message : Aba ! makautos ?! boss kita ? ang kapal mo kupal ka talaga . Hintayin moko dyan.

Tas ayun di na siya nagreply , nagtungo na lang ako sa rooftop . Naabutn ko siyang ang layo ng tingin at napakalalim ng iniisip.

Kagaya ng ginawa ko kanina , bumwelo ulit ako at akmang saspan sakanya , kaso bago ko pa magawa yun ....

" Kailangan kita chacha , kailangan ko ang bestfriend ko , kailangan kita . "

Nagulat naman ako kasi sobrang seryoso ng boses niya. Yung tipong parang sapan niya ang daigdig sa bigat at lalim ng boses niya.

" Ano bang problema mo kups ? " paninimula ko .

" Kups , anlamig na sakin ni Trishia "

" Oh ? gusto mong gawin ko ? Nagkakaganyan ka ng dahil sakanya tapos dinamay mo pa ako. Alam mo kups , diba sinabi na sayo ni Trishia dati na WALA , wala kang pagasa kups kaya kung ako sayo WAG KA NG MAGPAKATANGA wala kang mapapala sa kakaasa dyan , kelalaki mong tao , kegwapo mo , ketangkad mo , kung HINDI IKAW ANG MAHAL NIYA HINDI NIYA MAPAPANSIN ANG LAHAT NG YON KASI IBA ANG ITINITIBOK NG PUSO NIYA ".

" Ansakit naman chacha ee "

" KAYA KA NASASAKTAN KASI TOTOO , Totoo na umaas ka lang , totoo na tanga ka , at ang pinakatotoo HINDI KA NIYA MAHAL KUPS , HINDI ! "

" CHACHA masakit na maskit na , sobrang sakit na . "

" Eh di itigil mo na ! Masakit na pala ee bat nagpapakatanga ka pa din ? Tanga . "

" Kasi mahal ko siya "

" Lesteng pagmamahal yan , ginagawang tanga ang bestfriend ko "

" Anong gagawin ko ? "

" Nako ewan ko sayo kahit naman anong payo ang gawin ko , HINDI KA NAMAN NAKIKINIG SA AKIN  , BAHALA KA NGA DYAN ! "

Ayun , iniwan ko siya . Nabwibwisit na kasi ako ee , pikang pika na ako . Hindi ako nagseselos ah ? Napipika ako kasi laging ganyan , lagi siyang bigla bigla na lang maiinis , magagalit sakin yung tipong nagaalala ako kung anong nagawa ko tas DAHIL LANG PALA YUN SA TRISHIA NA YUN ? Tapos lalapit siya , magcoconfess . Pasalamat nga siya napagtyagaan ko siya, mahal ko kasi ee .

~ Uwian ~

Sabay kaming umuwi ng bestfriend ko , yung babae . Syempre dalawa sila ni kups sa buhay ko . Ayun kumain muna kami ng kwek-kwek dun sa may tindahan malapit sa pilahan ng jeep na sasakyan namin . Tapos biglang may sumulpot , nakita ko agad yung ngiti niya . Mukhang naayos niyang magisa ang prinoproblema niya . Si kups.

" Oh ! hello ace !" Bati ni Yassi sakanya , syempre hindi ko siya pinansin , pabebe kunwari.

" HELLO YASSIIII ! HELLLOOO CHACHANG PAYAT ! "~ace

" Ui cha , naghihi ee , pansinin mo naman " ~Yassi

" Hello " ~ako

"Sorry na yatots *puppyeyes* " ~Ace

" Oo na "

Buset na puppyeyes yan HAHAHA nadadala tuloy ako ni kups. Anyways , pagkatas ko tanggapin sorry niya nilibre niya kami, tapos habang kumakain biglang may tinanong sakanya si Yassi.

" Ace , mahal mo pa rin ba si Trishia ? "~ Yassi

"Ewan ko " ~ Ace

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi to pero bigla na lang siyang lumabas sa NAPAKADALDAL kong bunganga , nakakahiya oo. Pero anong magagawa ko ? nasabi ko na ee wala na . PSH alam niya nang mahal ko siya sa mas malalim pa kesa sa bestfriend. No choice nginitina niya lang ako ee.

" Ako na ba ? " pagsingit ko sa usapan nila . With matching turo turo pa yan sa sarili ko . HAYS HAHAHA kapal ng mukha ko , ok lang atlis naamin ko :))

~End~

(A.N) AHAHAHAHA SABI SA INYO EE maikli lang ee XD HAHAHAHA yun na yun . XD





Ako na ba ?Where stories live. Discover now