Blank Space

2K 78 10
                                    

“Let’s see…that one!”

The pretty half-Caucasian girl in chequered black and red skater skirt and white cropped top said. Lahat naman ng mga kasama nya ay itinuon ang tingin sa itinuro nito.

“Oooh! I’d say eight.”

“Six.”

“What?! Six?” sabi ulit ng mestisang babae at hinarap ang katabi nya. Unlike her, Pinay ito pero may lahing Kastila at taglay nito iyon. “Seriously, Karylle? A six? Ang hard mo ha? He looks like an eight, a seven the least. Pero a six?”

“Yes, Anne.” Sagot ng tinawag na Karylle. “In Ana Karylle’s GC Scoring, he’s a six.” Nailing naman at napa-roll ng mata si Anne sa sinabi ni Karylle at itinuon muli ang tingin sa mga dumadaan. At the moment ay nasa stair benches sila loob ng campus at hinihintay ang Physical Education class nila sa hapong iyon. Wala pang masyadong tao at mayroon pa silang trenta minutos bago magsimula ang naturang klase kaya naisipan na naman nilang gawin ang nakagawian past time—ang maghanap ng gwapo at cute na pwede nilang maging fling. Yes, fling.

Karylle, along with her other girl friends Anne and Coleen ay kilala sa campus bilang the populars. Mayayaman, magaganda, matatalino—the whole package of beauty and brains ‘ika nga. But wait! There’s more. Kilala rin sila bilang mga fling collectors. Yes, they collect flings and they change boyfriends like they change their clothes—the typical playgirls so to speak. They’re every boy’s daydream, and every girl’s nightmare. Meron silang tinatawag na GCS or the Gorgeously Cute Score, wherein 15 is the highest and 3 as the lowest score, na syang basehan nila kung gaano ka-gwapo ang isang lalaki para maging next prospect for a boyfriend para sa sa kanila. Of course, the scoring system was designed by the smartest of the three—Karylle.

“And there’s Billy and Vhong.” Sabi ni Anne at bumuntong-hininga. Si Coleen naman ay parang nanigas sa kinauupuan nang makita ang mga may-ari ng pangalang sinabi ni Anne. Pasimple’ng inayos ni Anne ang pagkakaupo at nililis ng kaunti ang palda. Si Coleen naman napasinghap pa at pasimple ring inayos ang buhok at ang damit nang papalapit na ang dalawa sa kinauupuan nila kasabay ng iba pang mga kaklase nila sa subject na iyon at naging maingay na ang paligid. Hindi naman nakaligtas ang mga iyon kay Karylle at nilingon ang dalawang kaibigan at tiningnan ng masama.

“What are you doing?” Di mapigilang tanong ni Karylle sa dalawa. “Do you like those two?” Tukoy nito sa dalawang lalaki.

“N-no!” Mabilis na sagot ni Anne. “Why would I? Di ba nga sabi mo bawal kaming makipagmabutihan d’yan sa dalawa? Kaya bakit naman namin sila gugustuhin?”

“Good.” Tipid na sagot ni Karylle at pinaglipat-lipat uli ang tingin sa dalawang kaibigan. “Because I am telling you, ‘yang dalawang ‘yan, hindi sila pasok sa GC Scoring natin.”

“Seryoso ka talaga sa scoring system na ‘yan ano?” Maya-maya’y sabi ni Coleen na nakapagpalingon kay Karylle. Her eyebrows furrowed at matamang tiningnan ang kaibigan. Sandaling nagsukatan sila ng tingin pero naunang magbawi si Coleen. “I just think it’s lame na tinatantusan natin ang mga lalaki base sa pisikal. I mean, can you get love out of that? Paano natin makikita si Mr. Right sa paraang ganito?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reverie | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon