Chapter 36:Pinagpawisan

Start from the beginning
                                        

Humarap siya kay Marco at Carlos saka tumawa ng mahina. "Mukhang kailangan natin ng selfie." Saad ni Serina sabay kuha ng cellphone sa shoulder bag niya. Tinanggal niya ang suot na mask. Panay kuha siya ng picture nilang tatlo dahil sa sobrang enjoy nitong asarin si Marco. Hindi pa nakontento ay lumapit siya sa guard at mahinang nagsabi na picturan sila. Napangiti rin ang guard at nagpakuha ng picture kasama si Serina. Bawat litrato nila ay puros nakasimangot.

Pag uwi nila sa mansion ay naupo sa sofa sina Marco at Carlos dahil sa matinding pagod. Walang imik na umakyat sa itaas si Serina at pinagtripan ang mga picture nila. Halakhak ng halakhak ito dahil sa mga epik na mukha ng dalawa. Siguro ay napatay na siya ng dalawang ito kung hindi pa siya ang amo.

Humarap siya sa malaking vanity at tinitigan ang sarili. Napansin niya ang head band at agad na kinuha sa ulo niya.

"Hinding hindi ko gagawin yun. Ang  desisyong pinili ko ay hinding hindi ako bibiguin. Lalo na ang desisyong ngayon ko lang gagawin.....ang desisyong putulin ang pagka kaibigan nating dalawa."

"Simula ngayon magkakilala na lang tayong dalawa."

Naisubsub niya ang mukha niya braso niya habang sunod sunod na pumapatak ang mga luha niya. Walang humapay dahil sa alaalang pumasok sa isipan niya. Walang tigil ang pag iyak niya dahil sa pag kayamot. Panghihinayang dahil sa desisyong ginawa niya. Hindi man aminin pero sobrang nasasaktan siya sa nangyari.

"Señorita." Natigil siya sa pag iyak ng makarinig siya ng isang katok at pamilyar na boses. Pinahid niya ang luha niya at agad na inayos ang sarili.

"Bukas yan." San niya. Marahang pinihit ni Marco ang door knob at pumasok sa loob. Kunwaring nag kinakalabit ni Serina ang bawat kwerdas ng kanyang gitara. Mula sa salamin ay tinitigan niya si Marco na dala dala ang mga pinamili nito kanina. Patay malisya si Serina na nag simulang kumanta.

Saying goodbye

Is never an easy thing

But you never said

That you'd stay forever

So if you must go

Oh, darling I set you free

But I know in time

That we'll be together≈

Tumigil siya sa pag kanta at tinignan ang chords nito dahil mukhang mali siya. Pumasok sa loob ng walk in closet niya. "Tanggalin mo yan jan sa mga lalagyan at ilagay mo dito." Seryoso nitong sabi sabay bigay kay Marco ng malalaking paper bag. "Pag samahin mo yung para may Samuel. Ibukod mo yung kayla Mama, Mia, at Mariana." Utos nito.

Tumango si Marco at lumabas para kuhain ang iba pang pinamili niya. Pumasok naman si Serina sa loob ng cr. "Ano?" Tanong ni Carlos habang naghihintay sa baba. Umiling naman si Marco.

"Walang kibo. Tahimik lang. Yun nag utos sabay pasok sa cr." Kwento ni Marco. Bumagsak ang balikat ni Carlos. Kahit siya ay nalulungkot.

"Naku...kilala ko ang batang iyon mataas din ang pride noon. Kung ako sayo hayaan mo muna. Hayaan mong siya yung lumapit sayo." Sabi ni Carlos. Kumunot naman ang noo ni Marco dahil mukhang mali ang sinabi ni Carlos.

"Ako ang may mali....tama siya sa gusto---"

"Señorito, mali din ang ginawa ng Señorita. Nilason niya ang sarili niya para idiin si Claricci dahil ito lang naman ang nagbigay ng wine. Hayaan mo...pag nakapag isip ng maayos ang batang iyon babalik din sa maayos ang lahat." Sabi ni Carlos sabay abot kay Marco ng mga paper bag.

Nakasimangot si Marco na tinanggap ang mga paper bag at umakyat sa itaas. Pag dating niya sa itaas ay wala pa rin si Serina. Bumaba siya ulit at pinagkukuha ang mga pimili. Pag dating niya ay nagulat siya ng makita niyang naka tapis si Serina habang nakatalikod sa kanya.

Naglalagay ito ng lotion. Medyo napangisi si Serina dahil mukhang hindi papalpak ito sa plano na asarin nanaman si Marco. "Marco." Tawag niya.

"Señorita?"

"Lumapit ka dito." Napayuko si Marco kasabay ng panlalaki ng mga mata niya. Halos di niya maihakbang ang mga paa dahil sa matinding kaba. Pag dating niya sa likod ni Serina ay nakayuko pa rin ito. "Ikabit mo." Tukoy nito sa lock ng bra niya.

Napakamot sa ulo si Marco dahil sa ipinapagawa sa kanya ni Serina. Ang pamamawis ng kanyang kamay ay hindi maawat. "Jusko." Nakayukong sa ni Marco. 

"May sinasabi ka, Marco?" Tanong ni Serina.

"W-wala." Ani Marco. Mabilis na inilock ang bra ni Serina. Agad na pinahid ni Marco ang pawis sa kanyang noo at dumistansya. Medyo naluwagan pa si Serina lock ng bra niya kaya agad niyang tinawag ulit si Marco. Napangisi ito dahil sa pagkabalisa ni Marco.

"Mukhang maluwag." Nakangusong saad ni Serina. Natuliro si Marco at agad na inilipat ang paningin sa mga gamit. "Marco, ayusin mo. Yung sa pinakadulo." Utos niya.

Napakagat sa labi ni Marco at nanginginig na hinawakan ang lock ng bra ng dalaga at mabilis na inilock ito sa pinakadulo.

[PS:Sorry if natatagalan. Subaybayan po natin kung anong pantitrip ang mga ginagawa ni Serina kay Marco. Kung ano ang mga susunod na mangyayari.]

Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)Where stories live. Discover now