Ngayon ko lang napagtanto na tama siya at kanina pa ko mukhang tanga dito.

Niligpit ko na yung mga damit ko. “Ayoko lang naman kasing masabihan na nerd or panget or losyang”

I heard Dindi sighed kaya napatingin ako.

“Fine, dun tayo sa kwarto ko. Make-over natin yang look mo”


“Hindi na”


“Hindi mo your face. Tara na!” Hinila na niya ko papunta sa kwarto niya.

Did I mentioned na super girly ng room niya?

Pink walls. Pink bed. Pink laptop. Pink cabinet.

LAHAT PINK.

“Wag naman sana pink ang ipasuot mo sakin ha” biro ko sa kanya.

“Leche ka ate! Tutulungan ka na nga eh! Pink shirt!”


“AYOKO NGA! Ano ako? Si Barbie doll?”


“Heh basta! Pink shirt! Oh! Yan! Tsaka ito. Sukat mo na bilis! Aayusin ko pa yang buhok mong buhaghag”

(-_-) 

Pag talaga nagmukha akong ewan nito, mapapatay ko kapatid ko.

Pumunta na ko sa kwarto ko at nagbihis.

Magkasize pala kami ni Dindi sa damit.

Hehehe. ^_^

Pagkasuot ko, pumunta na ko sa kwarto niya.

“Whoah! Bagay sayo ate! Onti na lang, perfect na! Hehe” Pinaupo niya ko kaagad dun sa may chair then may kinuha siya.

“Hoy Dindi! Wag na wag mong gugupitin buhok ko!”


“Hindi! I-straight lang natin kasi nga buhaghag. Ang panget”

Hinayaan ko na lang siya.

Pagkatapos niyang paglaruan yung buhok ko, nagpulbos lang ako.

Ayoko nga mag-make up!

“Almost perfect…tanggalin mo na yang glasses mo ate”

I'm his TUTOR (kathniel)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!