"Wag mo ko sigawan, magusap tayo!" Sabi ko, "AYOKO. Mas mabuting umalis nalang ako ng bansa. Ayoko na dito!"

"Aalis ka?" tanong ko. "Oo, bukas na bukas, babalik na ako sa Canada"

Eto na naman. Bukas na bukas? Agad-agad? May ticket na agad sya? Naka-impake na ba sya? Alam na ba agad 'to ng parents nya? Cliche stories. -.-

"OA naman ni Micah. Aalis agad" nagulat ako ng may nagsalita sa likod. "Binabasa mo?" tanong ko.

"Yung huli lang, nakita ko sa phone mo eh. Psh, may ganyan ba sa real life?" tanong nya. Oh, I feel you. SOBRA.

"Iba ang Wattpad stories sa real life, dre. May mga imposibleng nangyayare. Di tulad sa real life, gusto mong mangyare, ayaw parin" madrama kong sabi.

"Ayan problema ng mga tao sa kaka-basa ng wattpad eh, OA." irita nyang sabi. Aba, may ipinaglalaban?

"Di kami OA. Marami lang kaming nalalaban kasi nagbabasa kami" sabi ko. Nag-nod nalang sya at umalis sa likod ko. Ganda kausap. -.-

Itutuloy ko na sana yung pagbabasa kaso..."Samantha!" yung classmate ko, tinawag ako. "Oh bakit?" tanong ko.

"Samahan mo 'ko, libre kita." sabi nya. Syempre, pag libre na, alam na this! Hahahahaha. "Samahan mo ko sa 3rd floor"

Ano daw?

"3rd floor, libre? Yung totoo?" sabi ko. Tumawa naman sya, "Di, baliw. Silipin lang natin si JC, tapos na ata English time nila eh." haynako. Sisimoy lang pala sa crush nya. -_- sinama pa ako.

"Oh pag nakita mo, ano gagawin mo?" Tanong ko. Tumingin naman sya sa akin, "Malamang buo na araw ko!" tapos kinikilig nyang sabi.

"Wag kang Wuma-Wattpad dyan, walang ganon. Nakita mo lang, buo na agad araw? Pwede ba yun, ha?" irita kong sabi.

"Pwede, ano ba. Ganun kaya ginagawa ko araw-araw." Sabi nya. "Oo, sa kaka-buo ng araw mo kakasilip dito, nakalimutan mo rin buo-in yung mga sagot mo sa mga assignments mo." pagrereklamo ko.

"Alam mo, ang sarap mo bigyan ng lovelife ng di ka bitter ng ganyan kalala!" sabi naman nya. Psh, as if naman na kailangan ko yun.

"No, thanks. Okay na ako fictional characters sa Wattpad." Sabi ko naman, proud ako ano ba!

"Oh, ako naman magrereklamo ah. FICTIONAL CHARACTERS? Pwede ka bang ligawan nun? HINDI DIBA? Accept the reality, Sam! Bagay naman kayo ni Jairus eh!" mygosh. Alam nya kasi kung sino crush ko. Nakakahiya. >/<

"Manahimik ka nga dyan. May makarinig pa sayo eh." sabi ko. "Sows, kunwari ka pa. Kinikilig ka naman." sabi naman nya.

"Bwisit ka, iwanan kita dito eh." sabi ko. "Joke lang, labs! Tara!"

**

After ko sya samahan, pumunta na kami sa room kasi baka dumating na yung Math teacher namin. Mamaya nya nalang daw ako ililibre, adik 'yon.

"Rits kid ka talaga, Sam! Aba, naka-iphone ka na pala? Tapon na natin yan" sabi ni Peter, baliw talaga 'to.

"Antagal na Peter, jeskenemen!" sabi ko naman. "Matagal na alin? Rits kid o yang tapon este Iphone mo?"

"Parehas! Dejoke hahaha yung phone ko, akin na nga, Jairus!" paano kasi, pagdating namin sa room, hiniram agad.

Di naman ako tulad ng ibang Wattpad stories na mayaman na may ari ng company at may mga companies sa ibang bansa. Basta normal lang kami. :)

"Teka lang nagbabasa ako ng wattpad" O.O

"HAHAHAHAHAHA pare anyare sayo? Bakla?"

"Baka naniniwala din sya sa poreber, tol."

"Hart hart pare"

"LOKO!" sabi naman ni Ivan

"Akin na nga yan! Wag mong pakielaman Wattpad ko." kaazar naman. -.- "Di talaga makatotohanan mga storya sa wattpad, idelete mo na nga yan"

"Bwisit, bitter ka lang talaga" sabi ko. "Psh, magkaaway sila tapos nagkatuluyan? Ano yon? May ganun ba sa real life? The more you hate, the more you love? Lul, hate nga eh tas love mo? Aba loko"

Ouch, Jairus.

"Iba iba kasi author dyan. May mga naniniwala dun, may mga wala. Ba't kaya di ka magsulat ng sarili mong story? Yung makatotohanan para naman di ka OA magreact. Daig mo pa ko magreact eh" sabi ko. At bumalik na ko sa upuan ko. Hays.

Ba't di sya naniniwala dun? Ako nga, yun ang inspiration ko para naman may chance kaming dalawa. Kaso, di raw sya naniniwala sa ganun. Paano naman ako? Umaasa sa kaaway ko na 'di naman naniniwala sa, the more you hate, the more you love.

-----
Ouch, Sam. Izzz okay, malay mo maniwala sya, paniwalain mo kase! Hahaha! Vomments guys, sml. x

The Reality (kathniel)Where stories live. Discover now