I looked at my father with the same intensity, pero pinilit kong hindi maging emosyonal. Namumula na ang mga mata niya at nangingilid na ang mga luha. 

No matter how hurt I was, no matter how painful it was to lose my poems, no matter how broken I am right now, I still couldn't bear to see my father crying, because no matter what happened, my father would always be my number one man. 

Ang dami niyang pagkakataon para sana maghanap ng panibagong mamahalin at bumuo ng pamilya, ngunit heto siya, nanatili sa aking tabi at ginampanan ang obligasyong hindi na kayang maibigay sa akin ni Mama. Hindi ko lang siya naging ama, siya rin ang aking nagsilbing ina.

"P-pasensya na rin po." I swallowed the lump in my throat. Pinilit kong hindi manginig ang aking boses pero pinangungunahan na ako ng aking emosyon. "Hindi naman po ako galit sa 'yo." Then, I just broke down. My voice cracked. "P-pa I'm—" I couldn't hold my sobs anymore kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng pinipigilan kong mga luha. "S-sorry po."

Isang mahinang pagtunog ng upuang bahagyang nagalaw ang namayani sa loob. Napatayo si Papa at naglakad papunta sa akin. I covered my face using my hands and continued to cry.

"I'm sorry, 'nak. Ganito lang talaga si Papa."

Nakulong ako sa kanyang mainit na mga yakap. Mas lalo lamang akong naiyak. Sobrang close talaga kasi kami ni Papa, kaya hindi talaga ako sanay na hindi siya kinakausap. Pakiramdam ko, nabunutan ako ng tinik sa lalamunan at nawala ang mabigat na nakadagan sa aking dibdib. 

"Sorry din po kung naging matigas ang ulo ko. Nagmana kasi ako kay mama, e!" I tried to cover the uneasiness by joking. Natawa naman si Papa. 

"Pareho kayong pursigido sa pangarap nyo," malungkot nitong sagot. 

Kumalas si Papa sa pagkakayakap sa akin at naupo sa upuang nasa tabi ko. Nakangiti kong pinahiran ang aking mga luha. 

Napanguso ako. 

"Peace na tayo, 'Pa?" 

Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti. 

"Matitiis mo ako, Hestia. Pero ako, hindi ko kaya."

Nag-iwas ako ng tingin. Guilty pa rin ako. Halos isang linggo ko rin siyang iniwasan at binalewala. 

"Sorry na nga po."

Ngumiti siya ng tipid bago kami nilamon ulit ng katahimikan. Pinagmasdan ko si Papa, nasa akin ang kanyang paningin ngunit tila nasa ibang dimensyon ang kanyang isipan. Sa pagkunot pa lang ng kanyang noo, alam kong malalim ang iniisip nito. 

"Papa?" 

Napakurap siya. 

"I'm sorry, Hestia. Am I being too hard on you? Nagiging sagabal na ba ako sa pangarap mo?"

Nagulat ako sa kanyang tanong. Nanlaki ang aking mga mata at ilang segundo akong nawalan ng sasabihin. Biglang tumiklop ang aking bibig sa aking narinig. 

"'Nak?"

"Sabi ko naman po sa iyo, wala akong planong sumikat. Gusto ko lang magsulat," tugon ko. 

Fame could be toxic sometimes. 

"Pero pangarap mo'ng makapag-aral sa Wordsmith Academy, diba?"

Dahan-dahan akong napatango. 

"Pero okey na po ako kahit hindi na. Pangarap ko lang naman po iyon. Hindi naman lahat ng pangarap ay nagkakatotoo. Tanggap ko na pong hanggang pangarap lang ako—"

He cut me off. 

"Paano kong sabihin ko sa 'yong, pwede ka nang makapasok do'n?"

Naningkit ang aking mga mata. 

Pain And PenWhere stories live. Discover now