Tamang Mali

9 1 0
                                        

Mag-isang naglalayag sa mundong bago sa'kin
Nagbabaka sakali na makalimutan na ang sa'tin
Ikaw na sana ang tama para sa akin
Ngunit sabi ng mundo, mali

Mula sa iyong mga mata hanggang sa iyong mga ngiti
Sa bawat minuto'y ako'y nabibighani
Mga araw ay buo sa ligayang hatid mo
Nagliliwanag sabay sa aking mundo

Ngunit isang araw puso'y napasigaw
Imunulat ang mata na tutol ang tadhana
Umibig ako sa tamang tao
Pero oras pala'y hindi wasto

Nakikipaglaban kay tadhana para sa tayo
Pero bakit namumutawi sa bibig mo ang suko
Sa bawat araw na nagdaan
Bakit tila nawawalan ng halaga ang salitang walang hanggan

Sa susunod na buhay sana'y maging tama
Ang oras para sa'ting dalawa
Paalam muna sa ngayon
Dahil pinaglalayo nang di naayon

Tatapusin na nang makapaglayag na sa ibang mundo
Ikaw na sana ang tama
Ngunit sabi ng tadhana,
Oras nati'y hindi wasto

IdleWhere stories live. Discover now