General Mechanics

6.7K 210 73
                                    

Mangyaring pakatandaan, ang patimapalak na ito at ang mga patakaran nito ay nilikha ng isang grupo ng mga Ambassadors (mga boluntaryo) at hindi, sa anumang paraan, nauugnay sa Wattpad o sa mga tauhan nito. Ang paghuhusga sa nasabing patimpalak ay ganap na pinamamahalaan ng mga lumikha nito at hindi responsibilidad ng Wattpad o ng mga tauhan nito. May karapatan kaming tanggihan ang mga kalahok sa patimpalak na ito, na sa tingin namin ay hindi natutugunan ang kinakailangang pamantayan, hindi angkop, o maaaring makapag-trigger. Hindi kami obligadong magbigay ng anumang puna sa mga kalahok, at anumang naibigay ay ayon sa aming paghuhusga. Mangyaring pakatandaan na ang desisyon ng mga hurado ay pinal na, at ang mapang-abusong wika o pag-uugali na naka-direkta sa mga Ambassadors, sa profile, o sa mga hurado, ay hindi pahihintulutan.


===============


1. Bawat buwan, kami ay magpo-post ng iba't ibang tema. Lahat ng mga kalahok ay kailangang magsulat ng kwento na may 500-800 na salita at may isa lamang kabanata.

2. Maaaring isulat gamit ang wikang English, Filipino o pinaghalong wikang English at Filipino. Maaaring magpasa ng kahit anong genre hangga't hindi ito lumalabag sa Content Guidelines ng Wattpad.

3. Lahat ng mga kalahok ay kinakailangang sundin ang Content Guidelines ng Wattpad, tema ng lalahukang buwan at ang mechanics ng buwan na iyon.

4.  Lahat ng mga kwento ay ipapasa sa pamamagitan ng pagsunod sa panutong nakasabi sa buwang sasalihan.

Hindi na namin kailangan magpasa ng confirmation messages na nagpatunay na tanggpan ang iyong entry basta sundin ang tamang format.

5. Lahat ng mga napasang kwento ay pagpipilian base sa mga sumusunod:

a. Content
b. Mechanics
c. Creativity

6. Ang mananalong kwento ay makatatanggap ng Winner Certificate, exclusive Winner's Badge, at ilalagay sa isa sa mga reading list.


Write-A-Thon ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon