Chapter One

866 8 2
                                    

Siya

It's only 4:00 in the morning and I already finished my routines before going to school. I guess, napaaga ako. I slept early so I kinda expected this to happen.

Iniwan ko muna ang aking bag na may lamang mga notebook at libro atsaka lesson plan. For today, Grade II Neptune's adviser asked me to look after her kids habang may importante siyang lalakarin ngayon. I was excused from all of my subject teachers prior so wala na akong dapat pang ikabahala.

Saglit akong nagpaikot ikot sa second floor hanggang sa mapunta ako sa pinakadulong kuwarto. Beside my Kuya's room is the guest room. And right now, someone is probably sleeping on that room. I know. Falcon slept here last night after their party. He and Kuya got drunk and wasted last night so I ended up taking both of them home. Wala akong choice.

Sinubukan kong buksan ang pintuan ng guest room para tingnan kung nakalimutan bang i-lock ni Falcon ang pintuan. And yes, for the nth time, he forgot to lock his door again. Lagi naman siyang ganito.

I chuckled and went inside the guest room. There, I found a very handsome man lying on the bed, sleeping peacefully. Napaka amo niya tingnan kapag natutulog siya. Pero kahit naman tulog o gising, Falcon is still as handsome as ever.

Alexander Falcon is two years older than me. Magkaedad lamang sina Kuya Jerale at Falcon kaya naman naging mabuti rin silang magkaibigan. Besides, they are schoolmates ever since elementary. So, they're like that bestfriends thing.

Naupo ako sa kama na kinahihigaan ni Falcon. I looked at him sleeping peacefully. Kahit kailan man ay hindi ako mapapagod na pagmasdan siya.

Kahit na ilang beses na akong nasaktan nang dahil din sa kaniya.

Inayos ko ang kaniyang buhok na medyo nagulo na at slightly touched his cheeks. He's so flawless. Kailan man ay hindi ko siya nakitaan na nagkaroon ng pimples. And also, he's taking care of his self so well. And that, makes me like him even more.

Falcon slightly moaned because of my touch. Hala. Nagising ko ba siya? Oh no. I need to get out of here.

Akmang tatayo na ako sa kama nang lumapat ang kamay niya sa kamay ko. Huh?

"Stay here for a while, please," he said, his eyes shut tightly.

Ano bang sinasabi niya? He's crazy. Or maybe, tulog pa rin siya at sadyang nananaginip lamang. Hay nako.

"Okay. I'll stay. Besides, it's still so early. Matulog ka pa, Falcon," I answered kahit pa hindi ako sigurado kung ako ba talaga ang sinasabihan niyang manatili sa tabi niya.

Umaasa na naman ako.

Ilang taon na nga ba akong nagpapakatanga sa kaniya? Hindi ko na mabilang. Magmula nang malaman ko na puwede palang makaramdam ng ganito ay siya na kaagad ang nilalaman ng puso ko. I was so young back then that I even thought of him as my crush only. Pero ngayon? Gosh. This is much different from before.

Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na gusto ko siya't ilang taon na rin iyon ngunit, I always end up being rejected. I remember the first time. Kuya Jerale punched him so hard nang malaman na siyaang dahilan kung bakit ako ilang araw nang ilap at umiiyak mag-isa. Pero naka-move on naman kaming lahat doon. And luckily, they're both okay now.

Minutes passed, I felt his hold on me loosened. Inialis ko ang pagkakahawak niya sa akin at tumayo na. But first, I pulled up his blanket and kind of tucked him to bed. I smiled. Pag natutulog ka, 'di ka nagsusungit sa'kin. Sige na nga matulog ka na lang d'yan. Joke.

I locked his door for him and went out. Half a minute after four na nang makaalis ako ng guest room. 6:00 AM pa naman ang klase ko sa second grade. I guess I'll just stay in the library and wait there.

Where Should I Start? (TeeLogy #1 : COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon