[o4] Playing the Villain

6.5K 217 25
                                    

"HAVE you calmed down?" tanong ni Darren kay Yohan habang nakahiga ito sa sofa sa loob ng student council room.

"Mmn," matipid na sagot nito.

"Ryner is a kind guy. He really looks up to you kaya niya siguro nagawa 'yon. Idol ka no'n, e."

"Don't bring up his name, Darren. Alam kong ikaw ang Mr. Nice Guy ng St. Blue but don't think na pati sa 'kin uubra rin 'yan. Hindi ko pa napapatawad ang gagong 'yon."

Napabuntong-hininga si Darren. "I'm just saying that— fine fine. Tatahimik na ako." Hindi nito nasabi ang dapat na sasabihin dahil bigla siyang tiningnan ng masama ni Yohan. "E, ano'ng pinaplano mo ngayon?"

"Clear things out."

"How? I mean, siguradong kalat na kalat na ngayon sa buong Sinclaire na nakatira siya sa inyo."

"I'll figure something out."

"Bakit kasi hindi mo pa inaamin na may gusto ka sa kababata mo?"

"I don't like her. Why would I like her? She's a klutz."

Napakamot ng ulo si Darren. "Hanggang ngayon ba naman ganyan pa rin ang sinasabi mo? Pagkatapos mo siyang protektahan sa mga playboys na nagugustuhan niya noong middle school kayo at itong nangyari ngayon, sinasabi mo pa ring wala kang gusto roon? Dude, it's like you're dedicating your whole life to her. Ang lalim na. Sobra-sobra na 'yon."

"I can't help it, okay? Palagi niyang nagugustuhan ang maling tao. Ang tanga ng babaeng 'yon."

"So you'll protect her from the shadows? Ang bading mo, Yohan."

"Shut up, hopeless romantic. It's not like you know better. At hanggang ngayon nga hindi ka pa rin sinasagot ng nililigawan mo. Ilang months na ba? Seven? Eight? O 'di naman kaya'y nine months na?"

"Tss. Five months pa lang. At hindi ako susuko."

Bumangon si Yohan sa pagkakahiga. "I really don't get it kung bakit mo nagustuhan iyong si Kisa Mendez na 'yon. She's an emo."

"Hindi siya emo, goth tawag doon. Tanungin mo pa si Google. Iyong mga emo, loner. Si Kisa maraming kaibigan. At isa na roon ang kababata mo."

"Whatever. You can't erase the fact that you fell in love with a goth girl," Yohan reasoned.

"Well you can't erase the fact that you fell in love with a klutz either," pahabol naman ni Darren.

**

"Mabs!"

"Naman Kisa, alam kong soprano ka pero pakihinaan naman ang boses, 'di ba. Nag-iisip ako ng solusyon sa problema ko ngayon." Napakamot na lamang si Mavis ng ulo. Hindi niya alam kung paano niya malulusutan ang gulong 'to.

"Hindi— Kasi, ano e.." sabi ni Kisa habang turu-turo ang labas ng bintana. "Iyong student council president ng St. Blue. Iyong kababata mo. Umm.. nasa labas kasi siya."

"WHAT?!" dali-dali tumayo si Mavis at lumapit sa bintana.

Shit. Siya nga 'yon. Ano na namang ginagawa niya rito?!

Mabilis siyang tumakbo. Buti na lang at 6 PM na. Nakauwi na halos lahat ng mga estudyante. Sila na lang ata ni Kisa ang natira sa Student Council office dahil kailangan pa nilang ayusin ang summary ng budget ngayong buwan.

Nang makarating si Mavis sa labas ay lumapit agad siya sa monster na si Yohan. Kinaladkad niya ang binata hanggang sa likod ng guard house. Hindi niya pinansin ang kasama nitong si Darren na nakasunod lang sa kanila. "Ano'ng ginagawa mo rito?!"

The Bad Guy's Kiss | ✔Where stories live. Discover now