Kulang pa ako ng dalawa at nakita kong gumagapang palabas ng mansyon si Juno habang si Arthur naman ay naka-question mark ang mukha kung bakit parang nagkakaroon ng tensyon sa sala.


"Si sir Juno," natigil ito sa paggapang niya palabas ng mansyon nang marinig ang pangalan niya, tinuro ko pa siya para makuha ang atensyon ko. "Magiging ka-teammate ko rin pati si Arthur, ayan kumpleto na. Basta ang usapan ay usapan ah?" maangas kong sabi.



"Mayroon akong isang request," untag ni Darrex, bigla akong tinitigan nito, napalaki na lang ako ng aking mga mata. Ano naman kayang ire-request nito? "Kapag natalo kayo, panget," madiin niyang pagkakasabi lalo na 'yung huling salita.


Napakunot-noo ako, antagal niya kasing sabihin 'yung request niya, "Gusto kong halikan mo ko," seryoso niyang pagkakasabi.



"Ha? Seryoso ka? Ba't naman gugustuhin mong halikan kita?" Nakangiwi akong tumingin sa reaksyon ng mga kaibigan niya at maging sila ay nagulat sa request nito.


"I want you to kiss me, panget... with tounge," walang emosyon niyang pagaanunsiyo.


Lahat ng mga kaibigan niya ay nagulat sa mga sinabi niya, maliban siguro kay Juno na mabilis nang gumagapang papunta sana sa hagdan para tumakas, nakita ko kung paano hablutin ni Darrex ang kaibigan niya sa suot nitong hoodie jacket pabalik ng sala. Nakanganga parin si Jazerou na hindi makapaniwala sa kanyang narinig.



"Ethan." Siniko ko siya sa tagiliran, "Paano ba 'yung kiss with tounge?" nakita kong namula siya dahil sa tanong ko, nakatungo pa nga at nahihiya.



Ano kayang iniisip nito at biglang namula na parang kamatis? Huwag niyang sabihin na iniimagine niya 'yung kiss namin ni Darrex with tounge? Umayos ka Ethan, puro na nga lang kaberdehan utak ng mga kasama mo rito, 'wag ka nang dumagdag.


"Para namang marunong ako niyon, kiss mo with tounge 'yang mukha mo!" Nakangiwi ko pang sabi sa kanya.


"Then, I will teach you."



"Hoy, Darrex! Tigil-tigilan mo ko sa kamanyakaman mo ah, dami mong irerequest ba't gan'on pa?" Nag-aalburuto kong sabi, umismid lang ito at taas noo na nakipagtitigan sa akin.


Iki-kiss with tounge? Siraulo ba siya? Tapos, tuturuan na lang niya raw ako, si Mr. Philip naman bibigyan nalang ako ng mga aalagaan 'yung mga half-demon pa. Gusto niya talaga with tounge pa, as in 'Tang' talaga inumin mo Darrex 'wag milo, gigil mo ko.


Nagprepare na sila ng net sa pool, malaking bola ang gagamitin hindi 'yung traditional na bola na pang volleyball talaga. Kumusot ang mga mukha ko, alam ko kasi na walang pag-asa na manalo ang team ko laban sa Team Darrex. Wala namang athletic sa grupo namin kung iisipin, ang ibig sabihin matutuloy 'yung kiss namin ng sanggano na 'yon. Mapupunta lang 'yung first kiss ko sa taong hindi ko naman gusto.


"Fighting!" magiliw na sigaw ni Arthur para lumakas ang moral namin pero wala man lang tumugon sa pag-cheer niya.


Kinakabahan na ako, kasi malapit nang matapos ang pagset-up nila sa labas para sa paghahanda sa game, tulong-tulong ang mga Team Darrex habang ang mga kateammates ko nandito sa sofa at pinapanood lang sila magtrabaho. Napasapo ako sa aking noo, kahit saang anggulo ko talaga tingnan parang wala talagang tyansa na manalo kami laban sa mga manyak na 'yon.



Power of Seven Where stories live. Discover now