"Dahil sa Bola"

4 0 0
                                        

#2 ONE-SHOT (01-31-20)

"Dahil sa Bola"


"Sarriennnnn!!! Halika may ibabalita ako sayoooooo! " hinihingal na sabi ng bestfriend ko.

"Ano ba yun!?" Ibinaba ko yung librong binabasa ko tsaka nakakairitang tumingin sa kanya.

"May Field trip tayo sa Boracay! Excited ako Bess! " ani ulit nya.

"Ayoko." Tipid kong sabi sakanya at napabusangot nalang ito.

"Bess sige na!  Sumama ka na pleaseeee" with matching Puppy eyes and pa pout pa ng lips di naman bagay, but why can't I resist tong abnormal na ito?!

"Give me 1 reason kung bakit kailangan kong sumama. " saad ko sakanya.

Napaisip naman ito at ngumisi bigla.

"Crush mo diba si Xindrie?  Sasama sya tas andami panamang naka bikini don sa Bora. Hay naku sige Bess alis na ko ahh" pang aasar nito sakin.

"Argggghhhh!!!  Oo na Alexa!! Nakakaasar ka na!" Asar na Asar ako lalo ng makita ko itong nagtatalon sa tuwa at niyakap ako tsaka patakbong umalis.


Dumating ang araw kung kailan aalis na kami papuntang Boracay, at itong Bestfriend ko ang katabi ko masyado ngang malikot ehh di ako makabasa ng mabuti. Ilang oras pa ang lumipas at nakarating na kami sa among pupuntahan ang Isla ng Boracay.

"Waaaahh ang gandaaaa! "Ani ni Alexa na sobrang namamangha.

Dumiretso na kami sa hotel para makareserve ng room at yun na nga nakakuha na din sa wakas at yung room number ay 203 at yung room ni Xindrie katabi lang nong room namin.

"Pinapalabas tayo ni Sir don daw tayo sa back beach, yiiieeee hahanap ako ng boyletttt, charr! Kay Simon lang puso ko! " kinikilig na sabi ni Alexa at nauna nang lumabas, Napairap nalang ako dahil don.

Papalabas na ako ng room ng kasabay ko ring lumabas si Xindrie napayuko ako bigla, Haystttt Sarrien!  Huwag kang magpahalata!!

"Uhmm, Sarrien?  Papunta kang back beach? May kasama ka ba? " Xindrie. Omyghaddd kinausap nya ako kinikilig si Lola nyoooo!

"A-ano.. WALA! N-nauna na kasi si Alexa"namumula kong sabi sa kanya, pakshettt! 

"Okay, sabay nalang tayo." Habang nakangiti itong pumantay sakin sa paglalakad. Bakit ba kasi ang sobrang gwapo ng lalaking ito!

Habang naglalakad kami wala kaming imikan nahihiya rin naman akong  kausapin sya eh, childhood friend ko sya sobrang close namin dati hanggang sa nagpa-ibang bansa ito at naiwan ako nong bumalik sya mawala yung closeness namin dalawa nagtatampo din naman ako sakanya kasi nung umalis sya ay wala manlang paalam.

"Oh!  Sarrien at Xindrie halina kayo may gagawin tayong activity."Sir John.

"Ano pong activity Sir? "Tanong ng isa naming kaklase.

"Magbebeach volleyball tayo..sa bawat isang team ay tag tatlong lalaki at tatlong babae, kung sinong mananalo ay may dagdag points sa grades, understand? "Sir john.

"Yes Sir!" Sagot naming lahat.

So ayun nga kasama ko sa grupo si Xindrie at sa kabilang team naman si Alexa, kinikilig nga yun eh kasi kateam nya si Simon. Tsk!
So nagsimula na ang game, Captain namin si Xindrie at sa kabila naman ay si Joshua nagtoss coin sila at saamin yung serve sakanila ay court. The game was interesting makikita mong desperado talaga makakuha ng mataas na grado, sa Hindi inaasahang pangyayari sa sobrang lakas ng pagspike ni Joshua tumama ito sa ulo ko. And everything went blank.

"Hmm." Napamulat ako bigla dahil naalala ko ang nangyari sakin kanina.

"Sarrien, gising ka na pala" kakabangon lang sa sofa sa si Xindrie.

"I-ilang oras akong walang malay? A-at bakit andito ka"nahihiya kong tanong dahil kakagising ko lang tas wala sa ayos buhok ko baka may laway ako sa gilid ng bibig ko.

"4 na oras kang nawalan ng malay at ako yung nagdala sayo dito."pagpapaliwanag nito.

"Salamat."

"Rien~" naestatwa ako sa pagtawag nya ng pangalan ko.


Kaytagal ko nang gustong marinig mula sa kanya na banggitin nya ito. Crush ko nga siya pero malaki parin ang tampo ko dito.

"D-don't call me with that nickname."nanlalamig na sabi ko sakanya.

"Please hear me out"nafufustrate na pagmamakaawa ang pinapakita nito.

"OK"

"I'm sorry, sorry kung iniwan kita ng walang paalam. Hindi ko naman ginusto yun kaya hindi ako nagpaalam sayo or makipagkita manlang bago umalis kasi baka pag nakita kitang umiiyak Hindi na ako matuloy sa flight at baka hindi na ako nakapag aral don ng pangarap kong course. I'm sorry Rien, wag kana magtampo ginawa ko yun para narin ma earn ko yung trust ng papa mo sabi nya kasi sobrang bata pa natin noon ng pinaalam ko sakanila na gusto kita at pinagawa nga sakin ng papa mo na iwan ka at kapag nagkarelationship ako don ay Hindi ka na nya ipapaubaya sakin pero IKAW lang naman talaga ang gusto ko Rien kahit bata pa tayo at kaya Hindi kota pinapansin nong pag-uwi ko dito ay dahil nahihiya ako sayo Sana wag ka nang magalit".  Pagkatapos nitong magpaliwanag ay napayuko ito.

Hinanap ko ang baba nito at inangat upang magpantay ang mukha namin at nagulat akong makitang umiiyak ito, pinunasan ko ang luha nito.

"Now I know, sorry kung grabe yung tampo ko sayo at napapatawad na kita kaya huwag ka ng umiyak dyan ang bakla mo Drie"nangingiting pag-asar ko dito. Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin napakagat ako sa labi dahil sa kilig. Ang landiiii ng Lola nyooo. Hahahaha


"I miss you and Thankyou" Xindrie


Nang Dahil sa Bola nagkalovelife na ang landiii. 😂





End.

"Dahil sa Bola"     (#2 One-Shot Story) Stories to obsess over. Discover now