By the way 1st anniversarry ng friendship namin ngayon kaya namamasyal kami

"Davey sayo na lang to oh"sabi nya at inabot sakin yung pink na scarf

"Eh panggirl naman yan eh, pagkamalan pa ng iba na bakla ako"nakanguso kong sabi

"Hahahhahaha edi ikaw na yung vute na bakla hahhahaha"sabi nya at tumawa ng tumawa

"Okay, Pagtawanan mo pa ko"inis na sabi ko

"Ito naman joke lang yun, tanggapin mo na oh para kung sakaling magkahiwalay tayo meron tayong---"

"Ayan ka na naman eh"putol ko sasasabihin nya at kinuha ko na yung scarf nya at pinalit yung scarf ko na blue, palit kami

lumapit ako sa harap nya

"Kitkit tandaan mo na hinding hindi tayo magkakahiwalay, okay? Magkakahiwalay lang ako kung may balak kang iwan ako"sabi ko

"Hindi no, kahit twing bakasyon lang ako Nandito,  hinding hindi kita iiwan, babalik at babalikan pa rin kita"sabi nya at ngumiti pinisil ko naman ang pisngi nya

END OF THE FLASHBACK

Yun nga lang, ako yung nang-iwan sa kanya

"Kuya Davey!"tawag sakin nung batang babae dahilan para bumalik ako sa reyalidad

Agad akong napatingin dun sa batang babae

"Hehe wait"sabi ko at dumukot sa bulsa at inilabas ko yung scarf na pink na galing kay kitkit at may burda pa din ng kitkit

Matagal ko yung pinag-masdan

Ibig sabihin nandito sya at kilala sya nitong batang babae na to na nasa harap ko

"Pwede bang malaman kung anong pangalan ng nagpapakuha nito?"tanong ko dun sa batang babae

"Si Ate kitkit po"sagot nya

"Sya"wala sa sariling gulat na sabi ko

"Kilala nyo po sya?"tanong nung bata'ng babae

"Yeah, She's  my childhood bestfriend"sabi ko at tumayo at lumapit sa bata'ng babae "Tara! Samahan na kita na ibigay to sa kanya"sabi ko at tumango naman yung bata at umalis na kami

Gusto na kitang makita...

Ang lakas ng kabog ng puso ko na para bang tinatambol ito, bawat hakbang ko ay sya ring lakas ng tibok ng puso ko

"Ayan sya oh"turo sakin nung bata'ng  babae "Ateeeeee Kitkit"sabi nung bata habang patakbo na papalapit dun sa babaeng nakaupo sa bench, sya din yung babaeng nakita ko kanina na nakatalikod na nakatayo at nakatingala dun sa puno na may tree house namin dati na ngayo'y puro kahoy na lang ang natira

Lalapit na sana ako nung tinuro ako nung bata'ng  babae na katabi na ni kitkit at akmang lilingon ba sya sakin ng biglang...

"Iha! Pinasusundo ka na sakin"sigaw nung lalaking may edad na

At Pamilyar sya...

"Ayan na po"pabalik na sigaw nya dun sa lalaki at kumaway dun sa bata at umalis

Tumakbo ako palapit sa kanya pero nasa tapat pa lang ako nung bata'ng babae ay nakasakay na sya at umandar na yung kotse

"Sayang umalis agad si Ate Kitkit"malungkot na sabi nung bata'ng  babae kaya napatingin naman ako sa kanya

"Kuya Davey ikaw na lang po magbigay nyan kay ate Kitkit, diba po bestfriend  mo sya" sabi nung bata at napatango na lang ako "Aalis na po kasi kami ni Gelo, baka po hinihintay na kami samin"sabi nung bata

"By the way, anong pangalan nyo?"tanong ko

"Ako po si Sabrina at ito naman si Angelo  bestfriend ko po"pagpapakilala nung batang babae

"Hi po"sabi nung angelo

Ang cute nila
Naaalala ko sa kanila kaming dalawa ni Kitkit

"Hi Im Kenharvy Dave Xavier but you can call me kuya Davey"sabi ko at ngumiti

Naaalala ko pa rin sya, twing gagamitin ko ang pangalang Davey

Ngayon ko na lang ulit ito gagamitin mula nung iwan ko sya at pumuntang korea

....

STORY: DREAM ON YOU
CATT: TEEN FICTION
AUTHOR: GINS__GIG

ANIME LOVER :)
OTAKU:)

Vote☆
Comments
Share

DREAM ON YOU  (Published On Wattpad)Where stories live. Discover now