Roleta

24 0 0
                                    

Ate! Ate! Paload tirti
Pang VC sa Binibini
Bakit wala pang 30 minutes
Ubos na kagad data ko. Pisti!
Gusto kong kumanta ala sila paki
Kahit boses ko boses kiki ng paniki
Matic may coins mula sa mayayabang pamile

Pakagalante sobra ng Atiii kuuu
Pag may pa event kita nyo?
Ang bonga ng papremyo!
Sample na lang yung Bara Katayan
Na inorganize ni Boss Token ko
Yung champion panalo ng anim na libo
Kinompute ko! Aba nalula ako!
Kung sa 2500 coins per P500
30,000 coins ang palitan sa anim na libo!

Isusugal ko ba yun o mas magandang
Magtayo ng sariling pasugalan ko?
Bonita's Casino now open sa publiko
Dito pwede mo itaya lahat pati puso mo
Pag nanalo swerte mo balato.
Pag natalo, walang sisihan gago!

Sinong kukunin kong bolera?
Kahit sino basta paborito ng masa
Kahit di ka sugarol, yung sa ganda nya  mapapataya ka
Taga timer at SB siguro kukuha na lang ako kahit sinong taga-Nota
Magdadagdag lang ako ng taga batuta
Dun sa mga pasaway at mga nagwawala

Roleta... Roleta... Roleta...
Alam mo ba simula nang nauso ka?
Daig ko pa ang isang Katipunera
Natuto akong manugod kahit saan basta may roleta
Sugoood! Palista No 1 Bonita
Pagkapuno ano game na ba?
O abang abang na lang ba depende sa trip ng bolera?
Anong sigaw? Ilapag na kagad para maihanda na aba!
Required magsuot ng dp na bigay nila?
Sige lang! Iwas VOID sakyan ang trip ampota!

Roleta! Roleta! Roleta!
Nang ma experience kitang tamaan
Yung pagkatama ko sayo di na makontrol hirap pigilan
Parang pinaghalong heroin, mentos at Alaxan
Apektado ang puso, ang isip at buong katawan

Yung kahit nagdadrive ka
Pag tumawag na ang bolera
Yung isang kamay nasa manibela
Sabay dumudutdot naman yung Isa
Hoy! Nakasakay sayo yung buo mong pamilya
Utang na loob wag mo sila idamay sa kaadikan mong nyeta ka!

Yung kahit nasa work tambak ang gagawin
Pag nagstart na ang spin
Di makafocus baka numero ay tawagin
Lampake basta dudutdot pa din
Kahit yung boss mo kanina pa sayo nakatingin
Hawak na yung monitor O... baka mamaya sa mukha mo na yan pupulitin!

Yung sa sobra mong greedy
Gumawa ka pa ng mga dummy
Akala mo ang witty na ng strategy
Nung tinawag ka naman ampota LAG!
Yun pala pinatay ng kapitbahay
ang WIFI ng walang pasabi
Aba matindi!
Ang sakit bes! yung todo effort mo na
VOID ka pa din pala sa huli

Roleta! Roleta! Roleta!
Madalas mong awayin ang jowa mo noon
Kasi dahil sa pagmomoba niya wala na sya sayong panahon
Eh simula nang nag-adik ka sa roleta
Ikaw na yung naging ganon
Babawi naman sya iti-triple kill ka naman nya ngayon!
Dahil sa roleta yung malabo nyong relasyon
Mas lalabo pa pala pag nagkataon

Alam mo bang sikat ka na sa buong community ng Uzzap?
Sugapa buraot tirador na sugarol TAP!!!
Maraming humahunting sayo na inutangan mo TAP!!!
Nasa TOP 3 ng mga sugarol na nirereklamo sa Mod TAP!!!!!

Di mo ba alam yung clan mo gusto ka na i-give up?
Hindi na daw kasi nila matanggap
Wala na daw silang mukhang maiharap
Kumakalat ang 'yong larawan labas ang kaluluwa lantad ang hinaharap
Nilapag mo daw sa isang kilalang chatter kapalit ng coins. Di mo ba alam nahulog ka sa patibong. It's a trap!

Talagang ganon...
Maraming nakatingin na mga mata
Hinihintay lang nila na magkamali ka
Yung buhay mo pupulutanin nila
Wag ka magtaka
kung magviral ka sa mga social media!

Roleta... Roleta..  Roleta...
Ilang relasyon pa ang sisirain mo?
Ilang sinaing pa ba ang susunugin mo?
Ilang pantog na ang pinasakit mo?
Dahil sayo pati pagtae ko pinipigilan ko...

Pakiusap... Ako'y nagmamakaawa
Tigilan mo na ang pagroroleta
Ito'y ginawa mong kublihan ng tunay na buhay mong mga problema
Maaaliw at makakalimot ka pansamantala
Pero nandyan pa din yan paggising mo sa umaga

Roleta... Punyeta! Pagod na ko
Masaya naman kami dati nung di ka pa nauuso
Tambay tambay... Kwentuhan... Minsan laro ng Bingo
Ok din mag spoken word poetry
Nakahugot ka na nakapaglabas ka pa
Ng saloobin mo

Madami din naman ibang bagay na pwedeng gawin para ang sarili mo ay libangin
Yung pagroroleta ok lang siguro kung paminsan minsan mo lang kakaririn
Actually hindi lang naman yung pagroroleta eh kundi pati pagbababad mo sa Uzzap
24 oras ng buhay mo wag mo sa Uzzap lahat gugulin
Bigyan mo ng maraming panahon yung mga taong nagmamahal sayo at wag kalimutang sa Diyos ay manalangin.

🌺ՅԾՌɿԵԹ













You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RoletaWhere stories live. Discover now