A/N: Plagiarism is a serious crime.
7:35 Am, Wednesday
Kagigising ko lang at isang napakagapangit na umaga na agad ang bumungad sa akin. Namamanhid pa ang paa ko pero tiniis ko ito para lang makarating ako sa banyo.
"Shet! Shet! Shet! Late na ako sa trabaho!" Sigaw ko nang makapasok ako sa banyo.
Hinubad ko ang damit ko para maligo pero sadyang napakamalas ko dahil walang tubig!
"Bakeeeet ngayon pa! Nasasayang ang oras ko!"
Taranta kong sinuot muli ang damit ko at kumaripas ng takbo sa likod ng bahay namin upang doon nalang maligo sa balon. Mabilisang ligo lang ang ginawa ko ni paghihilod ay hindi ko na ginawa.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nagtoothbrush. Umalis agad ako ng bahay ng hindi nagsusuklay. Nilukot ko nalang ang buhok ko at isinuot ang puting sumbrero na may nakalagay na NY sa harap. Alam kong delikado pero hindi ako nagsusuot ng helmet dahil naalibadbaran ako. Wala ring mga opisyales sa bukid namin na nanghuhuli ng mga hindi nakahelmet kaya keri lang. Mabilis kong pinaandar ang motor kong Raider 110 na kulay black na hindi pa bayad at pati lubak lubak na daan dinedma ko na.
Matapos kong mag ala-road rush ay sa wakas ay nakarating ako sa DNBP o Del Norte Banana Plantation kung saan ako nagtratrabaho. Isa itong planta ng mga saging kung saan ang mga saging ay dumadaan sa iba't ibang proseso bago i-export sa labas ng bansa at at ito rin ang pinakamalaking planta sa aming lugar.
Mabilis kong pinark ang motor ko at tumakbo. Papunta na sana ako sa posting ko pero aksidente kong nabangga ang isang lalaking mukhang may lahing foreigner.
Itim ang kanyang buhok at may hikaw siya sa isang tenga nakasuot siya ng shades at plain white t-shirt na medyo maluwag sa kanya at tinernohan ito ng brown na shorts. Simple lang ang suot niya ngunit mukhang lumilevel up ito. Sobrang puti niya. Namumula na rin ang balat niya pati pisngi niya dahil sa init pero mas lalo siyang pumogi. Para siyang mowdel. Matangkad siya at medyo payat. Pero over all gwapo.
Siguro ay isa na naman siya sa mga bwesita--- este! bisita pala dito sa planta. Hindi na ako nagulat dahil marami naman talagang bumibisita na iba't ibang lahi dito sa Planta. Pero impernes! Sa lahat ng naging bisita namin dito, siya lang ang gwapo. Feeling ko nga magka-edad lang kami. Ay teka nabunggo ko pala siya!
"S-sorry sir." Kabadong sabi ko at mabilis na naglakad para hindi na niya ako kausapin.
Eh kasi naman hindi ako masyadong marunong mag-english! Kaya nga bwesita sila! Ang hirap kayang mag-adjust! Dapat nga sila ang magtagalog dahil nasa Pilipinas sila. Tch! Di bale na nga.
Nang makarating ako sa posting ko ay nakita ko agad si Mama na sinisipat ang berdeng saging tapos tinitimbang. Nakanguso ko naman siyang tinignan. Nang mapansin ako ni Mama ay pinanlakihan niya ako ng mata at ang ibig sabihin naman nun ay "kumilos ka na kung hindi goodbye work ka" hinubad ko yung cap ko at nagsuot ng hair net at apron.
Ang daya talaga hindi man lang ako ginising -.. -
Oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si. "Tax Andrade", ang weird no? Hehehe parang buwis lang. Sa taxi kasi ako iniluwal ni Mama kaya Tax ang ipinangalan niya. Simula nung nakagraduate ako ng high school ay nagtratrabaho na ako dito sa DNBP para makapag-ipon ng pera na pang-aral sa kolehiyo. May maliit na lupain naman kami at tinaniman din namin ito ng saging at si Papa naman ang nag-aasikaso dun. Minsan gumisgising siya ng alas tres ng umaga para mag-harvest pero may tumutulong din naman sa kanya. Minsan si Mama.
Nung unang beses kong sumama sa kanila excited na excited pa ako nun.
Napakadilim sa loob ng sagingan dahil walang kuryente dun at tanging flash light lang ang ilaw namin. May maliit na kubo din kami dun at doon namin nilalagay ang mga gamit namin. Noong mga panahong iyon, dahil na ignorante ako sa lighter na may flash light sa dulo ginawa ko itong disco light at sumayaw ako ng walang tugtog. Maya- maya pa ay hinila na nila papa yung mga naharvest nilang saging para dalhin sa planta. Medyo malayo-layo rin ang nilakad namin at naka paa lang kami dahil maputik ang daan.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Pain He Gave Me (TPHGM)
AcakAng napakachakang storya ng isang dugyot na tanga.
