"Kaya mo yan Sam"bulong ko sa aking sarili nang makita kong ako na ang susunod na i-interview para sa panghuli kong companya na inaplayan ngayong araw.Nakaka anim na companya na ako ngayong araw na inaplayan ko pero ni isa walang tumanggap sa akin.
"Samantha Sy"
Agad akong napatayo nang tinawag na ako nang secretarya yata nang companyang ito.Napatingin naman agad ako sa babaeng kakalabas lang nang opisina Kung saan ginaganap ang interview.Malaki ang kanyang ngisi animo'y nanalo sa luto.Nagyakapan sila nang Isa pang babae at agad kung narinig ang kanyang sinabi na natanggap siya.
"Miss Samantha?Mag aaplay kapa ba o hindi?"
Napaigtad ako nang marinig ang boses nang babaeng tumatawag nang pangalan.
"Mag aaplay po ako.Pasensya na po."
Hindi niya naman ako sinagot at inuwestra niya na lamang sa akin ang pintuan papasok sa kwarto.
Pagpasok ko sa loob ay may dalawang matandang babae ang umuupo sa dulo nang kwarto.Siguro nasa late 50's na.
"Good Morning po."magalang kung pagbati sa kanila.Kailangan kong maging maingat sa pananalita ko baka Hindi pa ako in i-interview Hindi na ako matanggap.
Tumingin ang dalawang matanda sa akin at agad naman silang ngumiting dalawa.
"Good Morning,Miss Samantha right?"
"Yes po ma'am."
"So bakit mo naisipan na mag apply dito sa companya bilang isang janitress?"
"Ahm,pangdagdag lang po sana sa allowance ko at pang tuition ko narin sa school."
Tumango naman ito at agad na tinignan ang aking papeles.
"Ayun dito sa papeles,ikaw na lamang mag isang nagtataguyud nang iyong sarili.Totoo ba to?"
"Opo,kamamatay lang po nang nanay ko nakaraang buwan dahil sa lung cancer."
"Sige Iha,tatawagan ka nalang namin kapag mag bakante pang pag tratrabahuan dito bilang janitress.Hindi narin magtatagal ang interview nato sayo dahil madali lamang trabaho ang inaaplyan mo dito sa companya."
"Sige po ma'am,thank you po."Tumango lamang silang dalawa sa akin at agad na akong umalis.
Pagkalabas ko nang Companya ay hapon na.Pagtingin ko sa aking relo ay alas kuwatro na pala nang hapon.Kailangan ko pang maghanap nang matutulugan kahit maliit na apartment na lamang.
Lumakad na ako palayo sa building nang mapadaan ako sa isang bar na sarado pa pero nag hahanap nang waitress.Pwedi naman siguro ako dito ano?Tutal pangdagdag narin sa aking baon.
Pumasok ako sa loob at nakita ko ang napakatahimik na bar.Maganda Yung bar maraming sofas at ito ay dalawang palapag.
"Miss?Sarado pa po kami mamayang ala sais pa po kami bubukas."
Napatingin ako sa isang lalaki na nagsalita.
"Ah,hindi po ako pumasok dito para diyan.Pumasok ako kasi nakita kong naghahanap kayo nang waitress?Baka po kasi pweding mag apply?"
"Ganun po ba miss?Sige miss ipapasok na po agad Kita dito kasi marami rami kasi mamaya yung costumer.Pwedi kanang mag simula mamaya."
Napanganga ako sa kanyang sinabi.
"T-totoo?Tanggap na ako?Walang interview na magaganap?"
"Wala na po,akung incharge sa mga bagong pasok na waitress kaya may karapatan din akong mag Tanggap nang gustong magtrabaho dito."
"Maraming salamat po!Kailangan ko pa kasi talaga nang trabaho!."
"Sige miss,balik ka nalang dito mamaya kung gusto mong pumasok pero kung hindi pwedi namang bukas kana magsimula."
"Kailangan ko pa po kasi maghanap nang mauupahan.Pero Kung makakahanap nako magsisimula agad ako mamaya."
"Hindi na bukas ka nalang mag simula."
"Talaga po?Maraming salamat po ang bait niyo!"
"HAHAHA walang anuman yun."
"Sige po alis na po ako,maraming salamat po ulit."
Kumaway na lang siya at ako naman ay lumabas na sa bar nayun.Tamang tama namang may Apartment sa dulo nang kabilang street.
Tatawid na Sana ako nang may biglang bumisina na sasakyan kaya napa upo ako sa kalsada.
Galing sa sasakyan ay may lumabas na lalaking mataas at may matangos na ilong at may asul na mga mata na lalaki.Naka poker face lang itong tinititigan ako.
"May balak ka bang magpakamatay?"Poker face lang itong nakatingin sa akin.Sayang gwapo sana kaso masungit.
Tatayo na Sana ako para sermonan ang lalaking to pero nakita Kung may sugat yung tuhod ko at dumudugo.Pero kahit ganun ay sinubukan ko paring tumayo at ang masungit nato aba tinignan lang ako.
Nang makatayo na ako nang maayos ay tinignan ko siya nang masama.
"Magdahan-dahan naman po kayo sa pagmamaneho nang di kayo maka abala nang ibang tao.At tignan mo na nga oh.Nagkasugat pa tuloy ako.Tskk."
Tinignan niya lang ako sa mukha at agad itong lumilat sa tuhod Kung hanggang ngayon ay dumudugo parin.
"Ano?Hindi ka man lang mag sosorry?Ganyan na ba ngayon ang mga taong katulad niyo?"nang hindi ito sumagot ay nagpatuloy na lang Sana ako sa pagtuwid nang tawagin niya ako.
"Sumakay ka sa kotse,dadalhin kita sa hospital."
"Wag na"saad ko at agad na tinalikuran siya at nag patuloy nalang sa pag tuwid hanggang sa makarating ako sa apartment na dumudugo parin yung tuhod ko.
"Bwusit na lalaking yun."
Nag tanong na lamang ako sa babae Kong may mumurahin ba silang apartment.At nang sinabi na ito ang pinakamura ay walang tingin tingin sa kwarto ay
Kinuha ko agad.
Nang makapasok na ako ay katamtaman lang naman sa Isang tao ang kuwartong ito.
May isang table sa gilid at may dalawang upuan,may sofa at may banyo rin.
Umupo na lang ako sa sofa at agad at kinuha ang gamot sa aking bag para magamot ko na ang aking sugat.Sabi kasi ni mommy ay palagi dapat akong may dalang gamot para sa oras nang pangangailangan ay may magamit ako katulad ngayon.Hay miss ko na si mama at papa.
Pagkatapos kung magamot yung sugat ko ay agad akong humilamos at nag bihis para matulog na.Maaga pa ako dapat bukas kasi kukunin ko pa ang iba ko pang gamit sa bahay nang Lola ko.
Hindi parin naman tumatawag o kaya nag text ang inaaplyan kong companya buti nalang at nag apply ako don sa bar nayun kahit papano makakatulong yun sa tustusin ko sa pang araw-araw na pangangailangan ko simula sa araw nato.
YOU ARE READING
Puting Rosas (On Hold )
RomanceSamantha Sy ay ang babaeng gagawin ang lahat para mabuhay nang tahimik pero may isang lalaking sisira nito.
