Chapter 44

19 0 0
                                        

Ilang buwan na ang nakakaraan mula nang umalis ako sa Pilipinas at bumalik na ng Amerika. Hindi na rin kami nagka-usap ni Nicole simulas ng gabing iyon. Masyado akong nabigla sa mga sianbi niya sa akin. Gusto na raw ako at mahal rin niya ako.

Masyado akong naguguluhan sa mga nangyayari. Nicole, ano ba talaga? Pinagloloko mo ba ako? Bakit pa kasi umasa ito peste kong puso sa pagmamahal mo. Kaya ang ginawa ko nalang ay nilublob ang sarili ko sa trabaho.

Ocassionally naman ay tinatawagan ko ang mga kaibigan ko. Tulad noong isang linggo. Nandito yung bagong kasal na sila Yna t Kris. Pareho kasing may business convention na inatenan at nagkataon naman na pareho lang yung convention na iyon. Wala na rin akong masyadong balita kay nic.

Huli na naming pag-uusap noong sinabi niya na mahal niya ako at tinanong niya kong mahal ko a rin ba siya pero hindi ko iyon nasagot. Siguro ay alam niyo naman kung ano ang sagot doon. Oo, mahal ko pa rin siya at dahil doon ay galit ako sa sarili ko kasi pinipilit ko pa rin ang malabong mangyari at iyon ay mahalin niya rin ako.

Parang gusto kong maniwala noong sabihin niya na mahal niya ako pero ayaw ko nang masaktan. Ayaw ko nang masaktan sa ikalawang pagkakataon at sa parehong tao lang. Sa ilang buwan na iyon marami na rin ang nangyari.

I continued to be busy. Mas naging subsob ako sa mga gawain ko sa opisina as well as sa studies ko. Hindi ko kinakalimutan ang mga priorities ko. Akala ko okay na ang lahat na balik normal na ang buhay ko pero hindi ko inaasahan na isang araw ay susulpot siya ulit sa buhay ko.

Naalala ko nang pumunta siya noon sa opisina ko na ikinabigla ko talaga. It’s a Tuesday morning kaya may pasok ako sa opisina. Medyo busy nga ako kasi masyadong marami yung mga aasikasuhin na mga project at mga new innovations sa company at mga branches sa Washington at Michigan kaya eto ako at babad sa trabaho.

Kaya nagulat ko ng bigla nalang siya sumulpot sa opisina ko na may dalang pagkain. Pumasok siya sa opisina ko na parang lagi na niya iyong ginagawa. Gulat na gulat talaga ako.

“Oh, ba’t ganyan ang mukha mo? Ngayon ka lang nakakita ng maganda noh?” sabi niya sabay tawa. Tapos nun ay inilapag yung pagkain na dala niya sa table ng receiving area ko.  Tiningnan ko lang siya.

“Hoy AL, magsalita ka nga diyan.”

“Ikaw? Pa-paano kang....paano ka nakapunta dito?” tanong ko. Hindipa rin ako makapaniwala na anndito siya.

“Sumakay ako ng taxi, naglakad tapos pumasok dito sa opisina mo.” Sagot niya.

“Ha?”

“sabi ko sumakay ako ng taxi, naglakad tapos pumasok dito sa opisina mo. May pagkabingi ka rin Al ha.”

In Love ako sa bestfriend ko?Where stories live. Discover now