"Dude!"

Halos mahulog ako sa aking kinauupuan nang bigla na lang sumulpot na parang kabute si Kaeden sa gilid ko. Mabilis akong napairap nang makitang may kalmot ang braso niya.

"Ang wild mo naman, dude. Saang damuhan kayo nanggaling?"

Bigla niyang kinurot ang pisngi ko. Tila gigil pa siya. Alam ko namang cute ako pero sana huwag naman masyadong iparamdam sa akin.

"Basted ako, dude. Nakalmot pa ako. Ang hinhin no'n pucha pero kung makakalmot parang na-train ng mga pusa."

Mahina akong natawa. Napatingin-tingin pa ako sa paligid para siguraduhing hindi ako mapapagalitan ng librarian.

"Ano ba kasing ginawa mo?" Siniko ko siya nang magtangkang hawakan ang libro.

"Damot. Ampanget naman ng nagsulat niyan."

"Suntukan na lang tayo, gusto mo?"

He tousled my hair.

"So bakit ka nga nakalmot? Ang manyak mo siguro kaya nagalit sa 'yo."

He sat beside me. Sinilip niya pa ang cellphone ko. Kalalaking tao pero napaka-chismoso.

"Nasigawan ko siya tapos namura ko pa ng slight."

"Bakit mo sinigawan? Gago ka talaga! Tsaka paano 'yong namura ng slight. Pa-sample naman diyan, kafatid."

"Ano... sinabihan ko lang naman ng—" Tumikhim siya. "Tangina mo po. Nilagyan ko pa nga ng 'po' para magalang at hindi bastos pakinggan pero kinalmot niya ako."

Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang tunog ng tawa ko. Parang ewan 'tong si Kaeden. Saan ka nakakakita ng manliligaw na minumura ang nililigawan?

"Ba't mo minura? Kung ako ang niligawan mo basted ka rin."

"Hindi naman kita kayang murahin."

Naningkit ang mga mata ko. May pabulong-bulong pa siyang nalalaman.

"Ano'ng sabi mo?"

He rolled his eyes before resting his head on my shoulder.

"Ang sabi ko kaya ko siya minura dahil sinabi niyang sasagutin niya lang daw ako kapag nilayuan kita. Hayuf! Kahit aminadong bobo ako sa academics pero hindi ko pa rin ipagpapalit sa libreng answer ang panget kong bestfriend. Kasi diba, hindi ka na nga kagandahan... mawawalan ka pa ng makisig na kaibigan. Ano na lang matitira sa 'yo? Dignidad mo?"

Bahagya kong hinila ang buhok niya.

"Ba't biglang humaba ang sinabi mo? Niloloko mo lang ako, e. Suntukan na lang tayo!"

"Hindi kita kayang suntukin pero ikaw kaya mo akong abusuhin. Naghamon ka pa talaga. Ano'ng laban ng pagiging gentleman ko sa pagiging amasona mo?"

"Nyenyenye."

"Musta na pala kayo ni Papa—"

"Papa ko lang. Huwag mong angkinin. Mahiya ka naman. Nakiki-papa ka, e hindi ka naman nagmula sa sperm ng tatay ko—"

"Shh..."

Napa-peace sign ako nang marinig ang babala ng librarian. Ang sama na ng tingin niya sa akin. Kasalanan talaga ito ni Kaeden.

"Huwag maingay," masungit niyang sabi

Napanguso ako.

"Pasensya na po, maganda lang." I smiled awkwardly.

Ibinalik ko na lang sa cellphone ang paningin ko at nagpatuloy sa pag-scroll. Pasimpleng tumatawa naman sa gilid ko si Kaeden.

"Kahit isang oras lang, dude, magpanggap ka namang broken hearted. Kakabasted lang sa 'yo, diba? Tibay mo rin, 'no?"

He winked.

Napawi ang tuwa sa aking mukha nang tumambad sa akin ang isang post. Ilang ulit kong mimumura si Naldy sa isipan ko dahil post niya ang nakita ko. Mukhang screenshot ito mula sa twitter account ni Dark.

'I already found her'

Ang mga simpleng salita mula sa kanya ay kayang manakit ng libo-libong babae, at isa na ako do'n lalona't alam kong wala na akong pag-asa. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Para akong dinala sa tuktok ng isang matayog na building at mula roon matatanaw ko na sana ang aking pangarap, ngunit bigla akong nadulas at tuluyang nahulog pabalik sa lupa bitbit ang pangarap na nagkapira-piraso.

Maybe I should accept the fact that I am not destined to be with the Wordsmitheries.

"You okay, dude?"

Muli kong binasa ang nakasulat.

"Sino kaya ang maswerteng babae?"

Pain And PenWhere stories live. Discover now