LEGEND:
Bold Text in quotations: Spoken words
Non-bold text in quotations: Words spoken to self.
Normal Text: Words spoken to reader.
Ang mundo ng pag-ibig ay punong-puno ng dagim. (mist)
Hindi ka basta - basta makakakita dito, kaya most of the time nakakalito.
Paghirapan mo man ang paghanap o hindi, ang chansa na makita mo siya ay pareho lang.
Minsan nga isang metro na nga lang ang layo niya sa sayo di mo pa siya nakita dahil lumingon ka sa ibang direksyon.
Pero minsan din, katabi mo na nga lang hindi mo pa nakita dahil hindi ka nagbabago ng direksyon.
Pwede rin na marinig mo kung nasaan siya pero magugulat ka na lang na mauuntog ka sa isang bakal na poste dahil hindi mo ito nakikita.
Pero, pwede rin na alam mo kung saan ang poste, pero do mo naman alam kung saan ang hinahanap mo.
Hayyy kawawang bata.
Or!
You can think outside the box!
May bibig ka, gamitin mo yan!
Tawagan mo ang hinahanap mo.
Kung hinahanap ka rin ng hinahanap mo, kahit gaano pa mausok ang daan magkakalapit din kayo ng magkakalapit haggang sa magkita na kayo.
'Edi happy ending!
Para naman sa iba, pera ang solusyon sa paghanap ng magmamahal sa kanila.
Meron chansang makukuha mo sa ganun ang hinahanap mo mo pero kadalasan hindi.
Pwede kang bumili ng electric fan o hair blower upang ipa isang tabi ang mga dagim ng pag-ibig, pero tandaan mo na sa mundo pag ibig, walang koryente.
Magdala ka man ng battery, mauubos din yan.
Kung may makita kang babaeng totoo sayo gamit ang iyong pera, aba swerte kang bata ka.
Pag hindi mo naman nagustuhan ang mukha ng nakita mo, wag ka agad mag back out.
Ang tunay na pag-ibig ay hindi nagbabase sa cover page, kundi sa kaluluwa.
Alam mong tunay mo nang mahal ang isang tao kung mahal mo parin siya kahit na magbago pa ang kanyang ugali or pumangit siya ng konti.
Alam mong tunay mong mahal ang isang tao kung kahit hindi na siya yung dati mong nakilala, mahal mo pa rin siya.
Alam mong tunay mong mahal ang isang tao kung minamahal mo siya dahil siya ang taong nakasama mong tumawa, makipagkwentohan, kumain, maglaro, sumayaw, magpahinga at maghintay sa iyong buhay.
Alam mong tunay mong mahal ang isang tao kung ang isa sa mga pinaka ayaw mong mangyari sa buhay mo ay ang mawala siya o kaya'y maging mas masaya siya sa piling ng ibang lalake/babae.
_________________________________________________________________________
Ikatlong araw na ng klase. Kinaumagahan.
Kaya ko nang pumasok at naka bili na si inay ng aking panglakad para makalakad ako ng mag - isa.
Pero, hindi pa ako sanay na gamitin ang mga ito kaya nag stay muna ako sa bahay upang masanay.
YOU ARE READING
TORPEdo(on hold)
Teen FictionSi Ricky ay isang torpe na nagkagusto sa isang kakaibang dalaga na nagngangalang Kyla. Tuklasin ang kakaibahan ni Kyla at ang kapangyarihan ng pag ibig sa pamamagitan ng pagbasa ng kwento ng isang high school torpe na unti-unting mag tanim ng kanyan...
