* * * * *
"sabi nila nakakatakot daw mabuhay sa madilim!.. Pero ang hindi lang nila alam mas masaya ako sa ganun 💀"
Ako si ZARADA BRITANIA 16yrs old , mag-isa na lang ako simula ng mamatay ang mama't, papa ko sa car accident kung saan kasama ang isang kapatid ko na namatay din.
Sampung taong gulang ako ng mangyari yun, lahat ng ari-arian ng magulang ko ay naiwan sa akin.
Pero dahil nga bata pa ako ng mga time na yun ay wala akong ibang nagawa kundi mag mukmuk lang sa kwarto maghapon,magdamag.
Halos sa loob lang ako ng kwarto walang kain, walang ligo. Minsan natutulog ako bigla ako nagising at iyak ng iyak.
Dahil napanaginipan ko ang aking mama' at sinabi niya ( mahal kong anak! Alam ko sobra kang nalulungkot dahil maaga ka naming iniwan, pero anak kailangan mong maging matatag dahil ikaw na lang mag isa ngayon. Pero kahit na ganun palagi mong iisipin na lagi kaming naka gabay sayo! At darating ang panahon, makakaya mo na ang lahat ng ito. Ikaw na ang magtutuloy ng lahat ng pinag hirapan namin ng papa mo. Kaya tatagan mo ang loob mo anak! Mahal na mahal ka namim ok!"
Nagising ako ng iyak ng iyak sa mga oras na yun. Pero. Naisip ko na tama ang mama. Hindi ako mabubuhay lang sa kakaiyak.
Dahil bata pa ako ng mga panahon na yun, wala akong pera at ang bahay namin ay sinara ng bangko.
Isinama ako ng yaya ko na matagal ng naglilingkod sa familya namin na si yaya jina, kinuha kami para maging katulong sa kalapit bahay lang din namin.
Naawa kasi sila sa akin pero dahil si yaya jina na ang kasama ko ay kailangan kong tumulong sa kanya sa pagtatrabaho sa loob ng bahay.
Linis,hugas,luto at paglalaba lahat yan ay natutunan ko ng maging katulong ako.
Kinaya ko ang lahat para maka kain at higit sa lahat para makapag patuloy lang ako sa pag aaral.
Nung Una ay hindi nila ako nagustuhan dahil nakakatakot daw ako. Ang kilos ko at ang mga hilig ko. Nakakatakot daw.
Maski sa school ay kinakatakutan ako at nilalayuan. Sinasabi nila na sinapian daw ako dahil parang may itim na awra ang bumabalot sa akin.
Creepy, Pangit, nerd , baliw , monster .. Yan lang laging naririnig ko sa kanila. Pero ako binabalewala ko lang. Hinahayaan ko lang sila sa mga gusto nilang sabihin. Sinanay ko na lang ang sarili ko sa ganoong sistema.
At ngayon ay 16 yrs old na ako ay malilipat na ako ng paglilingkuran. Dahil sa may edad na din si yaya jina ay pinauwe na siya sa probinsiya ng mga anak niya.
Ako naman ay pinaalis na din dahil hindi na din daw nila ako kailangan. Mabuti at mabait ang isang katulong na kasama namin at tinulungan niya ako na makahanap ng bagong bahay na paglilingkuran.
At dito na nga mag uumpisang gumulo ang tahimik kong buhay!
Simula ng maging katulong ako ng mga CAMPUS HEARTHROBS! 👑"
* * * *
Hi guys gusto kong lang sabihin na welcome sa second story ko.
Kung napapansin nyu na medyo kahawig ng yamato nadeshiko ang story ay nagkakamali po kayo. Malayo po yan sa story na yun.
Anyway sana maenjoy nyo ang story na toh! Wag nyu kakalimutang mag Vote and comment.
Ifollow nyu na din ako para lagi kayo updated sa mga story ko.
NOTE:
ANG NAMES, PLACE, EVENTS , AT LAHAT NG MABABASA NYU AY PAWANG GAWA LAMANG NG AUTHOR.
KUNG ANO MANG PAGKAKAHAWIG SA INYU O SA LUGAR AT PANGYAYARI AY HINDI SINASADYA AT NAGKATAON LAMANG!
#IPAGLABANMO CHAROOT! 😂
MARAMING SALAMAT ! ❤❤
"if you like this chapter just click the 🌟 button for your voting on my story"
👉👉 🔵 (@nhikz31)
BINABASA MO ANG
CREEPY MAID MEETS THE CAMPUS HEARTHROBS (ON-GOING)
Teen FictionANO KAYANG MANGYAYARI IF MAID AKO NG CAMPUS HEARTHROBS??😱😱. ako si ZARADA isang creepy nerd kung tawagin.. dahil daw mukha akong nasaniban. mahaba ang buhok may bangs na halos matakpan na ang mata. walang ka kolorete sa mukha at higit sa lahat...
