"P-paano?"

"I honestly don't know. The clock has been in my possession for ages. One day, I looked at it again and I saw the second dial turning like crazy and then it suddenly stopped. I nudged the hand counterclockwise using my finger, it moved a little bit. I was transported back in time, ten years. If you to my year, you will see me."

"Paano kung sa ibang taon ako pumunta?"

"Then you will meet the caretaker of the clock then—just like how I met you today." Tumawa ang babae. "Not having sex, no. I mean, hopefully. Pero kung ako, asahan mo na sigurong nasa kama ako."

"Hindi mo ba talaga alam kung paano magagamit ang relo?"

"Nope. Because I don't know. I've asked several caretakers, they don't know as well. If you're lucky, the clock will find a way to tell you how to use it. If not, someone after you will. I have to go now. I've got jizz all over me!" Humalakhak ito at sa isang iglap ay hinigop ng rin ng relo na naglaho rin sa ere.

Saglit siyang natulala sa kinatatayuan hanggang sa parang matauhan at agad na tinakbo ang kabayo para patakbuhin iyon pabalik ng bahay. Nang makarating doon ay agad siyang nagtungo sa silid, kung saan niya itinatago ang relong bigay ng ama. Binuksan niya iyon.

"Orasan, dalhin mo ako sa hinaharap. Dalhin mo ako limang taon mula ngayon," sambit niya, nakikiusap sa orasan.

Halos hindi siya humihinga, naghihintay na higupin ng relong pilak, may tanikalang pilak din, mabigat, may takip. Kapag binuksan ang takip ay makikita ang dalawang dial—ang malaki ay para sa oras, ang maliit sa ibabaw ng numerong sais ay para sa segundo. Dapat. Pero ngayong tinititigan niya ay saka niya napansin na ang ikalawang dial pala ay kakaiba. Bahagyang nakaumbok ang maliit na dial at walang nakasulat na numero paikot kundi mga guhit lang. Masyadong maliliit ang guhit. Kada sampung guhit ay isang nakaumbok at mas mahabang guhit. Nang bilangin niya ay mayroong sampung tanda, na ang ibig-sabihin ay isang-daan ang bilang ng lahat ng guhit, hindi tulad ng iniisip niya noon na animnapu, ang bilang ng segundo kada isang minuto. Noon pa niya napansin na hindi gumagana ang orasan pero hindi niya binigyang-pansin dahil matanda na iyon at natural lang kung may bahaging hindi na gumagana.

Naalala niyang bigla ang huling sinabi ng ama bago ito pumanaw, "Itago mo ang relong ito, mahal kong anak. Dadalhin ka nito sa mga lugar na hindi mo kailanman nailarawang-diwa man lamang."

Ang ibig bang sabihin ng matanda ay makakarating siya sa ibang panahon? Siguro. Pero bakit hindi nito sinabi sa kanya kung paano gamitin ang relo? Gustong-gusto niyang maglakbay sa panahon, malaman kung matatapos ba ang kanyang problema. Pero siguro ay mas tamang magbalik sa nakaraan para makausap niya ang ama. Dahil kung nagagamit na nito noon pa man ang relo ay bakit umutang pa kay Damian Sevilla?

Mariin niyang hinawakan ang orasan, "Orasan, pakiusap, dalhin mo ako sa panahong buhay pa ang aking ama. Kailangan ko siyang makausap."

Pero walang nangyari. Wala ni katiting na paggalaw ang pangalawang dial ng relo. Sa loob ng ilang sandali ay naitanong ni Concepcion sa sarili kung totoo ba ang lahat ng nakita niya kanina o baka naghahalusinasyon na lang siya. Pero paano niya magagawang imbentuhin ang ganoon kadetalyeng bagay?

Nababaliw na ako. Sa dami ng problema ko, bumigay na ang isang bahagi ng utak ko. Baka hango lang sa nabasa kong malaswang libro ang mga nakita ko kanina. Ang lahat ng solusyon sa problema ay inaasa ko sa isang relong iniwan ng nag-iisang taong makakayang bigyan ng solusyon ang problema ko pero wala na sa mundo.

Napaiyak siyang bigla, pero inawat niya ang sarili. Inilagay niya sa bulsa ang relo at itinuring iyong isang inspirasyon. Kailangan niyang magsumikap, at hindi umasa sa kung anong agarang pantasyang solusyon sa problema. Kung mayroong solusyon sa lahat ng paghihirap na nararanasan ng sambayanan, iyon ay ang pag-aaklas.

Mamayang gabi, pupunta siya sa lihim na pagtitipon, kasama si Esteban, sa isang abandonadong kamalig makatawid ng ilog. Nasa loob ng kanyang hacienda ang kamalig na iyon, at mismong siya ang nagboluntaryong ipagamit sa kilusan. Maingat din siya dahil alam na kapag nalaman ng guardia sibil kung ano ang nangyayari sa loob ng kanyang kalupaan ay siguradong malaking problema.

Muli siyang nagbalik sa kamalig kung saan "nakita" ang parehang nagniniig kanina. Nakataob pa rin ang mga bloke ng ipa, naroon pa rin ang bakas na mayroong dalawang tao kanina doon.

Hindi alam ni Concepcion kung ano na ang iisipin kaya minabuti niyang tapusin na lang ang gagawin sana kanina kung hindi lang dumating ang dalawang malalaswa. Kumuha siya ng mga pagkain na sadyang itinabi para dalhin sa pulong. Hindi siya inaasahang magdala ng kahit na ano pero alam niyang gutom ang mga miyembro ng kilusan sa mahabang pagbibiyahe.

Dinala niya na ang mga iyonsa bahay at sinimulan ang pagluluto. Naggigisa siya ng sibuyas nang madama angmainit na palad sa kanyang balikat. 

__

Don't forget to vote and comment. You may also like my page:

facebook.com/vanessachubby

facebook.com/theromancetribe

Thanks!

Beyond TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon