Black X-2: The lost Gang

87.2K 1.6K 58
                                    

Narrator:


Hindi man lang umiwas ang dalaga at nanatili lamang sa kanyang puwesto! seryoso pa ito habang deretsong nakatingin sa nagtapon ng dagger sa kanya


mula naman sa pagkakangisi ng babaeng nagbato ng dagger ay nawala agad ito at napalitan ng pagkagulat maging ang lahat ay nagulat rin, gulat sa ginawa nang dalaga


dahil itinaas lamang ng dalaga ang kanyang palad na kalebel sa kanyang mukha at sinalo ang mga dagger sa pamamagitan ng pagpapapasok nang tatlong dagger sa pagitan ng kanyang mga daliri. Ngumisi pa ito habang salo parin sa pagitan ng mga daliri ang tatlong dagger at ibinaba niya ng bahagya ang palad nang tinignan niya ang babae na seryoso pa rin


"shock?" seryoso parin ang dalaga at saka agad na ibinalik ang 3 dagger sa babae. Kitang kita na bihasa siya sa paghawak nang patalim dahil sa galing niyang magtapon nang dagger

dahil sa gulat ay nanlaki lang ang mata ng babae, hindi man lang niya nagawang umiwas, tila ba nagyelo ang kanyang mga paa mula sa pagkakatayo. Dahil sa alam nang dalaga na hindi ito makakaiwas ay sinadya niyang dumaan lang ang dalawang dagger sa gilid ng babae at ang isa ay dumaplis sa mukha nito, napakalakas nang kabog nang dibdib ng babae, para bang tumigil ang pag ikot ng mundo niya, hindi man lang niya naramdaman ang sakit ng pagkadaplis ng isang dagger sa kanyang mukha dahil sa namanhid siya sa takot

nang makita niyang hindi naman siya tinamaan ng husto nang tatlong dagger, ay agad ng nanghina ang mga tuhod niya at napaupo na lamang

Nagulat lalo ang lahat, maging ang leader nitong lalaki ay nagulat man pero pagkakataon niya na para matamaan ang kalaban kaya sinuntok niya ito at hindi naman siya nabigo dahil tinamaan niya ito ng isang malakas ng suntok


agad na nalipat ang atensyon ng lahat sa dalawa, lalo na't natamaan ng lalaki ang kalaban

"oh my gosh! ayan na nga bang sinasabi ko ei, sinabi ko nang upakan mo na naunahan ka tuloy" pinapatunog pa nito ang kamay na tila bang ipinapahiwatig sa lalaking nasuntok ang salitang sayang



"Just shut your mouth" galit na sabi ng lalaki habang nakatukod ang kanang kamay sa semento para hindi siya tuluyang matumba at ang kaliwang kamay naman ay nakahawak sa panga nito na nasuntok

"ay ! hehe......." tila napatigil naman ang babae at agad na initunon ang atensyon sa sumuntok ditong kalaban

" BackFighter ka pala ei, weak!!!!!!" pagmamayabang ng dalaga at ipinapakita talaga sa lalaking minamaliit niya ito


" what do you mean?" tila napipikon nang tanong nito


"Mahina ka" deretso at walang pag aalinlangang sagot ng dalaga


tila napikon naman na nang tuluyan ang lalaki at umakmang lalapitan ang dalaga pero hindi niya na nagawa pa dahil sinapak muli siya nung lalaki, nag-umpisa nanamang maglaban ang bawat miyembro ng dalawang Gang na hindi na namalayan ang pag-alis pa ng dalaga at ang babaeng kaninang nakangisi ay nakatulala parin at nakaupo parin na parang wala sa sarili at hindi parin makapaniwala


. . .


Umuwi na ng Mansyon nila ang babae at dahil takas lang ang paglabas niya ay patago rin siyang bumabalik sa loob. Tumalon siya sa isang mataas na pader ng kanilang mansyon at bumagsak sa loob nito ng wala man lang nalilikhang ingay

Black- X(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon