Lahat ng desisyon dumadaan muna dito, lahat ng gusto niya, nakakasakal sa una, dahil kung ano ang luwag nito kay Ren, siya naman ang higpit sa kanya, pero noong nalaman niya ang labis na pag-aalala nito ng makidnap siya, yung hindi pagkausap ng mommy niya dito, naiintindihan niya ang pagiging mahigpit ng kanyang daddy..idagdag pa na only girl lang siya at siya daw ang face of the family..

“Masungit na face of the family,”

Litanya naman ni Ren, pero imbes na mapikon lalo niya pa itong inaasar, asar talo pa rin ito sa kanya, at magpahanggang ngayon, hindi pa rin ito manalo nalo sa kanya.

“Ang gwapong baliw naman noon? Kung ganoon ang mga gwapo papa admit na lang ako sa mental.” Nababaliw na sabi  ni Ali. Kinuha ni Ran ang phone, may kabaitan naman talaga siya eh,

“Hello Janine,” wika ni Ran sa kabilang linya, personal assistant niya ito, kapag hindi niya kailangan ay nasa kumpanya naman nagtatrabaho.

“Yes, Ms. Ran,”

“Paki contact ang mental institution, ipapapasok ko si Ali-“ bago pa man matapos ang kanyang sasabihin ay naagaw na ito ni Ali sa kanyang tabi,  hindi niya maipaliwanag ang istura nito.

“Po?” nadinig niya pa ang malakas na sagot ni Janine sa kabilang linya.

“Ate si Ali po ito, wag kang making kay Ran, sinusumpong lang ng kasungitan sige na bye,” ito na ang nagbaba ng phone, Ran just rolled her eyes, ibibigay nya lang naman ang gusto nito.

“Ang sama mo,” himutok nito.

“Yes I know,”  walang emosyong sabi nito, nasa tapat na sila ng mansion, napahinto sila sa pagbaba ng marinig ang iyak ng driver…

“Kuya Jun, bakit po kaya umiiyak?” si Ali na ang nagtanong sa kanilang matandang driver, hindi muna ito sumagot, hinintay muna nilang tumahan ito, hinihimas pa ni Ali ang likod ng matanda para pakalmahin…

“Bakit po? Sabi ko naman kasi sa inyo wag kayong masyadong manonood ng Maalaala mo kaya, malulungkot lang kayo, hinay hinay lang sa panonood ng mga drama sa t.v., manood na lamang po kayo ng forevermore kikiligin pa kayo,? Sinimangutan lang ni Ran ang pagpapatawa kuno ni Ali, alam naman kasi niya na ito ang mahilig doon at hindi ang matanda.

Hindi na lang siya nagsalita.

“Hindi Ali, naiiyak ako  mawawalan na ako ng trabaho, siguro po pagnalaman ng daddy nyo Ms. Ran na nahalikan kayo kanina ng lalake at di ko kayo napagtanggol, mapapagalitan at mapapaalis po ako, wala na pong bubuhay sa pamilya ko, nag-aaral pa po ang mga anak ko,” tinignan siya ni Ali ng masama.

“ikaw pala ang may kasalanan eh, ikaw pala ang dahilan ng pag-iyak ni kuya,” sisi sa kanya ni Ali, nagpigil siya na sagutin ito, malay niya ba na iyon ang dahilan. She think for a while.

“Hindi po kayo mawawalan ng trabaho kung tatanggalan nyo ng dila ang parrot dito,” tinignan niya ng masama si Ali na agad tinakpan ang bibig. Wala namang ibang madaldal kung hindi ito lang.

“kainis bakit ako?”  Bumaba na lang si Ran at hinayaan ang dalawa na mag-usap, ayaw naman din niya na mapaalis ang matanda, sanay na siya dito… mapapatahimik din ang bibig ni Ali.

Saka isa pa kasalanan naman ito ni Yuan.

Blame him. Kakakita niya pa lamang dito pero ginugulo na naman nito ang utak niya…

“ATE!!!!!” napangiti siya habang hinhintay ang paglapit ng bunsong kapatid, nakapajama pa ito habang pababa sa hagdanan, nagmamadali.

“Careful Rojan,” boses ng kanilang mommy na nakasunod dito, nakabukas ang mga braso nito payakap sa kanya…

The Princess's  Stalker (completed)Where stories live. Discover now