"Mahirap pala itong pwestong ginagawa mo, buti hindi ka nangangalay?" Bahagyang natawa pa ako kasi para akong bata. Wala parin siyang reaksyon maski lingon wala akong natanggap, blanko lang siyang nakaharap sa labas ng mansyon.

Mas lumapit pa ako sa kanya, halos isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa, may mga bagay kasi akong gustong malaman sa kanya. Napakamisteryo talaga ng pagkatao niya, ang hirap pang basahin kung ano ang nasa laman ng isip niya? Mukha naman siyang mabait, sapat na sigurong dahilan iyon para mas kilalanin pa siya.


"Huwag muna ulit gagawin na magtago sa napakalaki niyong freezer refrigerator, grabe talaga ang takot ko nang makita kita sa loob. Mabuti na lang talaga naisip kong sundan kita sa kusina," Humawak pa ako sa aking dibdib para ipakita sa kanya na sobra talaga akong nag-alala sa ginawa niya.

"Okay lang kahit hindi ka magsalita, alam ko naman na nakikinig ka. Sana nga lang dumating ang araw na marinig kitang magsalita, makipag-usap at makipaghalubilo sa iba. Naniniwala akong magbabago ka kahit kaunti." Tinusok-tusok ko ang tagiliran niya.


Bahagyang nawalan ako ng balanse nang saglit itong lumingon sa akin, nagulat kasi ako, hindi ko akalain na magrereact 'to sa pagtusok ko sa tagiliran niya. Baka mamaya may kiliti pala siya doon, nakakahiya tuloy. Napaka-feeling close ko rin kasi.


"Sorry," nahiya kong usal na nag-peace sign pa. "Nami-miss ko na sila itay at si Cardo, 'yung maliit na 'yon kapag nakita mo sobrang daldal niyon, walang tigil ang bunganga niyon parang sa akin." Naghalumbaba rin ako sa sandalan ng sofa, nilingon ko siya at tinitigan ko ang tinatago niyang mukha.


"Bakit mo ko tinititigan?" Namula ang pisngi ko sa ginawa niyang pagsita sa akin, sobrang tagal ko palang nakatitig sa kanya. Ilong lang naman ang nakikita ko sa buong mukha niya. Napalunok tuloy ako ng malalim, ang gaspang kasi ng boses niya na may pagkamalalim.


"Nagsasalita ka naman pala, sabi ni Ethan hindi ka pa raw nilang narrinig na magsalita. Siguro, hindi lang nila alam kung paano ka kakausapin," pang-iiba ko ng usapan, ayoko ngang sagutin ang tanong niya, wala naman din naman akong isasagot.


"Bakit ba napaka-mailap mo so sa tao?" Napatakip ako ng bibig, iniisip ko lang iyon pero biglang lumabas sa bibig ko, baka sabihin pa nito na napakapakilamera kong babae. Mainam na nga lang na iwanan ko na lang siyang mag-isa dito, parang nakikipag-usap lang din naman ako sa hangin, kahit nga tango o lingon wala akong natatanggap mula sa kanya.


"Kalimutan mo na 'yong sinabi ko, hindi kita dapat tinanong ng ganoong klaseng tanong. Maiwan na kita ah," balak ko na sang tumayo pero nakaramdam ng pamamanhid ang mga paa ko. Napangiwi ako, hindi ko maunat ang mga paa ko kasi lalo lang siyang namamanhid kapag ginalaw ko.


"Juno pwede pakapit lang sa balikat mo, namamanhid lang talaga itong mga paa ko." Kinapit ko ang kaliwa kong kamay sa kanang balikat niya, sinubukan ko na ulit tumayo dahil bahagya ng nawala ang pamamanhid ng paa ko.

"Salamat," akmang pababa na ako ng sofa ng biglang napabuhol ko ang mga paa ko, nawalan ako ng balanse at tuluyang babagsak sa sahig. Napapikit na lang ako.


"Okay ka lang?" Narinig ko ang magaspang na boses ni Juno na kasalukuyang nakahawak sa bewang at ulo ko, maingat siyang nakadampi sa katawan ko.

Sa sobrang taranta ko ay nagpumiglas ako, sobrang lapit kasi niya sa akin, kulang nalang ay magpalit kami ng mukha. Kaso, sa ginawa ko ay nawalan siya ng balanse para lalo akong tuluyan na mahulog sa sofa at ganoon din siya. Pagbagsak namin sa sahig ay nakita ko ang pagmumukha ni Ethan, may hawak siyang libro at nakatulala na nakatingin sa aming dalawa ni Juno.


Power of Seven Où les histoires vivent. Découvrez maintenant