Napangiwi si Cardo at napahawak sa kaliwang pisngi na pinisil ni Aling Kuting, napasimangot itong nakabuntot sa likod namin at napatingin nang masama sa taong naging dahilan ng pamumula ng pisngi niya. Natawa na lang ako sa pagkunot-noo nito, ang cute kasi magalit ni Cardo, sana pagbalik ko ganyan parin siya ka-cute.

"Hindi mo ba sasagutin ang tawag ni Mr. Philip, nak? Kanina pa nagri-ring yan? 'Di kaya baka magalit 'yan sa 'yo, sagutin mo na 'yan, nak," utos ni itay.

Inaksep ko ang tawag mula sa kabilang linya, itinapat ko sa aking bunganga ang hawak kong nokia na cellphone, lumang telepono na gamit pa ni itay kahit noon na nililigawan pa niya si inay. Kasing luma na nang pagmamahalan nila ang hawak kong cellphone ngayon.

"Goodmorning po, Mr. Philip, papunta na po kami sa kanto kung saan niyo kami susunduin," bati at sabi ko mula sa kabilang linya.

"Si Hopeless Romantic ito, pinaprank kalang namin ni Taguro, gusto mo marinig boses niya?" Napakunot-noo nalang ako. Kahit kailan talaga ang dalawang 'to, palagi na lang akong inaasar. Itong dalawang malaking bodyguard ni Mr. Philip na pang bodybuilder ang katawan, ang hilig akong pagtripan, mga mukha namang kuto.

"Nasaan si Mr. Philip?"

"Kasalukuyan siyang naihi, gusto mo makita?"

"Hindi, no?"

"Kahit itutok ko pa ang camera kay Mr. Philip ngayon, hindi mo parin naman siya makikita, 'di ba? Ano nga pala ulit ang gamit mong selpon, 'yung may camera ba 'yan, Ms. Ayeng?"

"Hahaha, ang funny ng kalbong mukhang kuto na Hopeless Romantic naman," pambabara ko.

Eksaktong pagdating namin sa kanto ay siyang pagdating din nang magsusundo sa akin, nandito na sila, ang magarang puting van na palaging ginagamit sa akin na pang hatid-sundo ni Mr. Philip.

Napangiwi ako nang makita ang kalbong mukhang kuto na nakangising sumalubong sa 'kin, hawak niya ang selpon niya at tinuturo niya pa ito gamit ang nguso niya, pinatayan ko na siya ng telepono.

Lumabas mula sa driver seat ang aking amo, nakasuot ito ng puting polo, asul na pantalon  at itim na sapatos. Hindi ko agad nasilayan ang mukha nito dahil sa suot niyang relo na kumikinang dahil sa sinag nang araw na rumerepleksyon dito.

Napalingon ako kay Aling Kuting dahil sa biglang pagbitiw nito sa mahigpit niyang pagkakahawak sa braso ko, nakanganga ito, naglalaway at namamangha sa kanyang nakikita.

"Ang gwapo, iyan ang mga tipo kong lalaki," pabulong nitong sabi, nanlaki ang mga butas ng ilong ko.

Alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Aling Kuting? Sino ba naman kasing hindi magagwapuhan sa nag-iisang Mr. Philip? Sa edad nitong singkuwenta anyos ay parang hindi ito natanda, sabayan pa ng comb-over-fade na hairstyle, marami paring babae ang maghahabol dito, lalo na ang mga katulad ni Aling Kuting.

Hindi naman mukhang kano o may ibang lahi si Mr. Philip, kayumanggi ang kulay ng balat, matangkad naman ito, maliit at matangos ang ilong niya at bumagay ang misteryoso nitong mga mata sa kanyang mukha.

"Kumusta, Miss Ayeng? Handa ka na?" bungad nitong bati saken.

Makikipagkamay sana sa akin ito ng biglang salubungin ito ng mga kamay ni Aling Kuting, mahigpit itong nakipagkamay, nginitian lamang siya ni Mr. Philip. Nakatulala itong nakatingin sa amo ko, hindi makapaniwala sa lalaking nasa harapan niya ngayon.

Power of Seven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon