I shook my head and stood. Muli kong nilapitan ang guard house at ginulo ang nanahimik na si Manong.

"Pahinging papel!"

Napatalon siya sa gulat.

"Anak ng—!"

"Anak po ako ng Papa ko. Pahinging papel!" Inilahad ko ang aking palad at nagpapaawang tumingin sa kanya.

He glared at me.

"Sa susunod, Miss, huwag kang manggulat!"

"Sorry... hehe." Itinuro ko ang record book niya. "Pahinging isa po. Pretty please?" Nag-beautiful eyes pa ako. Pero kaagad din akong napangiwi nang mapansing tila aatakehin na sa puso si Manong habang nakatitig sa akin. Hindi naman ako mukhang si Sadako... ba't parang nakakita siya ng multo?

"Ang ganda ko kaya. Ba't ka ganiyan, Manong? Kapag inireto mo nga sa akin ang anak mo paniguradong ma-i-in love 'yon sa akin." Itinaas-baba ko pa ang aking kilay.

"Bakla ang anak ko. Wala kang pag-asa. Ito na, o!"

Binigyan niya ako ng isang pirasong papel. Napanguso ako.

"Pahingi rin po ng ballpen."

"Mukha ba akong tindahan ng school supplies?"

Grabe, may attitude rin 'tong si Manong. Kung makapag-suplado akala mo leading man sa isang nobela.

"Mukha po kayong may mabuting puso at busilak na kalooban na handang tumulong sa nangangailangan—"

"Heto na. Inuuto mo pa ako."

"Thanks, Manong!"

Muli akong bumalik sa dati kong pwesto. Ilang minuto ulit akong nagpakatanga habang nakikipag-debate sa aking isipan.

Napatingin ako sa papel na hawak ko.

"Last na 'to. Hindi ko na ulit susuwayin si Papa," pangako ko sa aking sarili.

Pakiramdam ko kasi tuluyan na akong mababaliw kapag hindi ko nailabas ang aking kasalukuyang nararamdaman.

I need to let it go or it would let my sanity go.

Nang magsimula na akong magsulat ay tila may mahikang napunta ako sa ibang dimensiyon. I became oblivious with my surroundings. I lost my track with the time and place I am currently in. I became so engrossed with my own world.

Sunod-sunod ang pagdaloy ng mga emosyon na sinasabayan ng bawat salitang mas lalong nagbibigay buhay at katuturan sa aking nararamdaman. In every letters, words and stanzas I've created, little by little, the pain diminished.

As I wrote the last sentences of my poem my tears fell.

How could I turn my back on the world I build?

When its absence made my heart ache and bleed?

Mariin akong napapikit pagkatapos kong maisulat ang kahuli-hulihang salita. Para akong tangang pinapakiramdaman ang bawat pagdampi ng mga sariwang luha sa aking balat. Hindi ko na rin napigilan ang pagkawala ng aking mga hikbi.

How could my Father say it's wrong... when poetry made me whole? When writing made me true to myself? How could this be wrong if my pen was the only shield I have against the cruel reality?

"If you were planning to cry here, just make sure to lower down your voice. You were not the only one who found solace and comforts in this place."

Napamulat ako nang makarinig ng isang hindi pamilyar na tinig. Nahihiwagaan kong tiningnan ang lalaking nakaupo sa katapat na swing. Nakasuot ito ng hoodie at mask kaya hindi ko makita ang kabuoan niyang mukha.

Pain And PenWhere stories live. Discover now