"Iyong daliri ko. Kaka-ano ko lang e—"

"Ha? Hanong sabi mo?! Bwisit ka talaga!" Sinapak ko ang braso niya.

Hindi ko alam kung saan itututok ang atensyon ko. Sa pakiki-chismis ba o sa pang-aasar ni Kaeden. Wrong timing rin ang isang 'to. Ngayon pa talaga naging gago.

"Kaya pala wala si Sister Judith kanina. Hindi pa rin ako makapaniwalang kasama niya ngayon ang ilang staff ng Wordsmith Academy."

"Ba't sila nandito? Shit! Baka nasa loob ng van ang ilang miyembro ng Wordsmitheries—"

"OMG! Ang mga asawa ko—"

Kinurot ko pa ang braso ni Kaeden.

"Kakasulat ko lang! Napaka-judgemental mo! A-aray! Sa ating dalawa—potek! Masakit—ikaw talaga ang may—aww—pornographic mind!"

Nang makuntento na ako ay tsaka ko siya binitiwan. Huminga ako ng malalim. Nag-stretching din ako ng slight. Kunwaring pinatunog ko ang aking leeg bago ko pinalobo ang aking pisngi. This is it na. Hindi pwedeng matapos ang araw na ito na wala akong mapapala.

I took a deep breath again before activating my intense fan girl mode. Nakipagsiksikan ako sa mga schoolmates ko. Wala na akong pake kahit mimumura na ako ng iba o kahit may naapakan na akong tao—este paa. Ang mahalaga makita ko kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

Hindi naman nasayang ang effort ko dahil nang tuluyan na akong nakarating sa harapan ay tumambad sa akin ang isang van na may tatak na logo ng Wordsmith Academy.

My eyes widen. Parang any moment mahihimatay na ako.

"Students, huwag kayong humarang. Proceed to the hall right now for some announcement."

Halos hindi na marinig ang boses ni Sister dahil sa mga tilian at sigawan sa paligid. Samantalang pinili kong manahimik kahit gusto ko na ring magwala dahil ayaw kong madamay sa tatamaan ng kame hame wave ni Sister Judith kapag nagalit na siya.

Lumapit na ang school guard at ilang teachers para mag-assess dahil unti-unti nang nagsisilabasan ang mga staff na nasa loob. Napagiwi ako nang may anak ni hudas ang tumulak sa akin. Natumba ako. And to make it worse, ang kamay kong tumama sa semento ay naapakan pa ng anak ni pontio pilato! Ang sakit!

"Potek! Dahan-dahan naman! May tao sa likod! Kahit hindi mukhang tao si Hestia... tao pa rin siya! Huwag magtulakan!" galit na sigaw ni Kaeden.

Nagsalubong ang kaniyang kilay—senyales na naiirita siya.

Tinulungan niya akong makatayo. Sanay na ako sa pang-aalipusta niya kaya nagtimpi na lang ako. Hinila niya ako palayo sa komosyon.

"Patingin ng kamay mo."

Napangiwi ako bago inilahad ang aking mga palad. Hinawakan niya ang aking mga braso. Sobrang hapdi na dahil na-double kill pa. Nawa'y mabaog ang nang-apak sa inosente kong kamay.

"Punta muna tayo sa clinic. May sugat ka, o. Hindi ka na nga kagandahan... mukha ka pang inaapi. Huwag mo namang saluhin lahat ng kamalasan."

"Mas masakit pa ang panlalait mo kaysa sa sugat ko. Sarap mong sakalin. Ba't ba kita naging kaibigan?"

Binawi ko ang mga kamay ko at nauna nang naglakad papunta sa hall. Nakaka-bad trip si Kaeden. Pasalamat siya love ko siya.

"A PLEASANT morning everyone. I am Sandra, one of the mentors in Wordsmith Academy."

Para na akong mawawalan ng malay dahil sa kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong antisipasyon at tuwa. Nasa harapan na ang babaeng nagpakilalang Sandra. Naka-stand by naman malapit sa kaniya ang ibang staff at si Sister Judith.

Pain And PenWhere stories live. Discover now