"Tingnan mo orasan. Walong minuto na lamang at magsasara na tayo.." sabi ko naman sakanya habang pinupunasan nang basahan ang maduming part ng counter.

Napalingon naman siya at tila nagniningning na mga mata niya sa oras na sobrang lapit na.

"Bet ko talaga na magiging isang lantang gulay na ako pagdating sa amin. Aba't namimiss ko na higaan ko!"

Napailing na lamang ako sa pinuna ni Marc. Mabuti pa siya at makakapag-pahinga na pagkatapos nito.

Napahinga na lamang ako ng malalim nang matandaang may trabaho pa pala ako pagkatapos dito.

Hmm! Limang oras lang yan Akane! Makakaya mo rin yan!

Minsan, kelangan ko rin pala gayakin ang sarili para hindi ko maramdaman ang pagod.

Nang mag aalas-sais na nang hapon ay unti-unti nang nagsiuwian ang mga customers namin.

Wala pang limang minuto ay bakante na ang cafe namin. Hindi na kami nagsasalita pa ni Marc at inuna na ang kelangang tapusin.

Si Marc ay siyang nag-aayos sa kusina samantalang ako naman ay nilinis ang counter at ang mga lamesa.

Kelangan naming dalawa na may kanya-kanyang trabaho para mas madali kaming matapos.

Labing-limang minuto ang lumipas at natapos na rin kami. Tiningnan ko ang aking relo na nasa aking kaliwang kamay at nakitang alas 6:17 na ng gabi.

Tamang-tama para makapagpahinga muna ako ng kahit 30 minuto.

Alas syete hanggang alas dose ng hating gabi ako sa resto. Tas bukas ay 10:00am hanggang alas sais ng hapon naman ang duty ko sa cafe.

Gugustuhin ko mang mag aral ay hindi na rin kaya ng katawan ko. Nawalan na rin ako ng gana sa kadahilanang hanggang Grade 6 lang yung naabot ko.

Mabuti na lamang at maraming kompanya pa rin ang kumukuha ng pareha ko. Basta pinapakitaan lang sila na pursigido yung tao ay hindi sila nag-aalinlangan na kunin ito bilang trabahante.

"Uwi na tayo gurl— ay teka, may isang shift ka pa diba?" tanong ni Marc saakin.

Tumango naman ako bilang pagsang ayon sa tanong niya.

"Hmm. Hirap nyan ano? Nabayaran mo na ba yung upa mo sa buwanang ito?"

"Oo. Nag advance ako nung nakaraang buwan 'nung nagbigay si boss ng bonus.."

Napatitig naman siya saakin. "Ha? Hindi mo yun pinambili ng bagong damit o grocery man lang??"

"Hindi. Mabuti na rin 'yon. Kesa sa papaalisin na naman ako ng landlord namin."

Sumang-ayon naman siya sa sinabi ko. Noong ilang buwang nakalipas na kasi, malapit na akong mapalayas nung inuupahan kong bahay. Late ako ng isang buwanang bayad. Mabuti na lamang at tinulungan ako ni Mark na magsabi sa may-ari tungkol sa sitwasyon nang sweldo namin.

"Kaya nga. Sige na. Uuwi na ako kasi kanina pa text ng text si mama sa akin. O siya! Una na ako ha.." Pagmamadaling sabi ni Marc saka kinuha na ang bag niya.

"Bye!" Kinawayan ko na lamang si Marc hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Napailing nalang ako habang iniisip ang kalagayan ko. Mabuti pa si Marc at may magulang pang naghihintay. Ni hindi ko man lang naranasan na hinihintay ng pamilya. Kahit noong sa orphanage pa ako ay hindi naman masyadong close ang mga tao. Medyo may kani-kanilang buhay ang karamihan.

Nakuha ko na ang aking bag ng biglang nag bukas ang pinto namin. Napalingon naman ako agad dahil sarado na kami sa araw na 'to.

"Pasensya na ho at sarado—"

"Sorry, I didnt mean to interrupt you or something. I  just wanted to ask if what time this cafe would open?"

"Ha?"

Napatitig naman siya saakin kaya napakamot nalang ako sa aking ulo. Hutang— medyo mahina ako sa english.

"Uh-gusto ko lang malaman kung anong oras kayo magbubukas?"

"Ha?"

Napakunot naman ang dalawa kong kilay. Hakdog! Andun naman sa labas nakalagay kung anong oras kami nagbubukas at nagsasara.

"Dont tell me you still didnt understand that?"

"Ah-hindi po. Nagtataka lang kasi ako kasi andyan naman sa may pintuan ang poster sa business hours namin."

Siya na naman ang napakunot ang kilay.

"Oh sorry. I did not notice that. Thank you for the information.."

Dali-dali na siyang lumabas kaya mas lalo akong napakamot sa aking ulo.

Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy na sa aking ginagawa. Sinara ko na lahat ng puwedeng isara at saka naman ako lumabas. Pagkarating ko sa pintuan ay tiningnan ko ng maigi yung poster na nakalagay dito.

"Business Hours: 8:00 AM- 6:00 PM"

Hindi ba niya ito nakita? Hmm. Sayang naman. Ang gwapo pa naman niya pero hindi naman marunong magbasa pfft.

Nang nasa labas na ako kay hindi muna ako lumakad. Tinitigan ko muna ang naglalakihang buildings at mga city lights na tila kayganda ng ilaw.

Napahinga na lamang ako ng malalim at saka ay nagsimula ng maglakad

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Napahinga na lamang ako ng malalim at saka ay nagsimula ng maglakad. Natatawa na rin ako habang tinutungo ang daan patungo sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho.

Para na talaga akong timang.

——

Blue Moonحيث تعيش القصص. اكتشف الآن